nayih 008

278 19 1
                                    


Nayih Xi

"Goodluck saatin! Galingan niyo ah?" Sigaw ni Hover habang andito kami sa backstage.

Ngumiti lang kaming apat at tumango sa sinabi niya at nanahimik nalang. Awkward kasi.

"Okay, Hover's group. You're next!"

Napabuntong-hininga nalang ako habang papunta ng stage. Nagpunta na kami sa kaniya-kaniyang positions at nagready na para sa performance namin. 

Nakasuot kami ngayon ng all black gaya nung suot dun sa Oh NaNa.

When the music started to play, nagsimula na rin kaming sumayaw. And my partner? Si Stanley. Kakakilig diba? Omg.

Nang matapos na ang performance namin, agad kaming dumiretso ng backstage at doon, sinalubong kami ng dance club--grabe ang dami nila. 10 ba naman eh? Tapos sina Minha, Chaehye, Dani, Sheena at yung kaibigan pa namin sa kabilang section na sina Teffie, Janice at si Monique. Yeah, di na bumalik ng China tong pinsan kong to. Nag transfer na rito. HAHAHHHAA!

"Ang galing galing niyo kanina omg!" Sheena squealed kaya natawa kaming lima.

"Naks Hover! Idol! Galing mag choreograph ah!" Pagpuri naman ni Jaden kay Hover.

"Nako. Wag mo kong fina-flatter dito Jaden ah HAHAHAH!"

Napatingin naman ako kay Slade na nahuli kong nakatingin kay Jade na katabi ni Minha habang nagtatawanan sila.

Nilapitan ko naman si Slade at kinalabit.

"Uy, miss mo na no?"

Tumango naman siya at napabuntong-hininga nalang.

"Try mo kayang kausapin?"

Umiling lang siya. "Wag na. Di rin lang niya ako papansinin."

Maski tuloy ako ay napabuntong-hininga nalang din. Maya maya pa ay tinawang kaming apat ni Hover.

"Congrats saatin!" He said and he motioned us to do a group hug. Napatingin naman ako kay Jade na katabi ko and she just nodded at me.

SHE NODDED AT ME!

PINANSIN NIYA NA AKO!

OMG! I'M SO HAPPY!

Masaya akong gumora sa group hug. Ang buong akala ko ay si Slade ang katabi ko sa may left side pero nang tignan ko yun...

Ay mga bes.

BES NAKAAKBAY SAAKIN SI STANLEY! SI STANLEY CHOIIII! PAANO KUMALMA?!

~~~

"Talaga? Pinansin ka na ni Jade?" Hindi makapaniwalang tanong ni Slade.

"Oo nga! Nako! Feeling ko, matutulungan na kita kaagad! OMGGGG!" I squealed.

Akmang may sasabihin pa sana si Slade nang matahimik sya at mukhang gulat na gulat. Napatingin naman ako sa tinitignan nya at nakita ko si Jade na nakatayo sa harapan namin.

"Nayih, pwede ba tayong...mag-usap?"

Iz diz the moment?

~~~

Awkward silence ang bumalot saamin ni Jade habang andito kami sa may rooftop. I was about to break the silence nang magsalita sya.

"Nayih. I'm sorry."

Napatingin naman ako sakanya. Nakatingin lang sya sa malayo.

"I'm sorry for being childish. Sorry dahil matagal kitang hindi pinapansin just because Slade likes you. Sorry for everything Nayih." Then she looked at me with her teary eyed.

"Miss na kita bessy."

And with that, niyakap ko na sya. Hindi naman ako galit sakanya or what eh. Naiintindihan ko kasi ang nararamdaman nya. Mahirap yun.

"Miss na rin kita bessy no! Atsaka ano ka ba! Wag kang mag-sorry! Naiintindihan kita! Tsaka oo na, pinapatawad na kita. Basta wag mo uulitin ha?"

Humarap naman sya saakin at natawa. "Oo na bessy. Hahahah!"

Umayos ako ng upo. "Alam mo ba? Wala akong mapaglabasan ng kilig nung mga oras na practice natin!? Hindi naman kasi kita makausap langya!" Reklamo ko.

"Maski naman ako! Kilig na kilig ako kay Slade pero naka poker face lang ako. Muntanga ako bessy! Hahahhaha!"

Parehas nalang kaming natawa. We both catch up sa mga nangyari saamin nung mga oras na hindi kami nagpapansinan.

"Eh teka bessy, kelan mo pala kakausapin si Slade? Alam mo ba?  Umiyak pa yun kasi di mo raw kinakausap."

Namula naman sya at nagulat. "T-talaga?"

Tumango ako at ngumiti. "Tsaka ano ka ba? Hindi ako ang crush nun!" Natatawa kong sabi.

Mukha namang naguluhan sya.

"Confused? Tanungin mo nalang yang bes mo at nang malaman mo. Hahahaha!"

Ngumiti naman sya saakin bago ako yakapin ulit at nagpaalam na. Itatanong pa raw nya kasi si Slade.

Napahinga naman ako ng maluwag. Finally. Ayos na rin kami ng bessy ko. Para bang natanggalan ako ng malaking tinik sa dibdib ko.

Paalis na sana ako nang....

"Ayos na pala kayo."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Dahan dahan akong humarap sakanya at nakita ko syang nakapamulsa habang hinahangin ang itim niyang buhok. Dahilan para maningkit ang mga mata nya.

"S-stanley. Teka, k-kanina ka pa rito?"

"Obviously."

Teka, kung kanina pa sya rito..eh di..

"And yes, narinig ko ang lahat." Nakangisi niyang sabi bago lumapit saakin. Omaighad. My hearteu!

Hinawakan nya ang kamay ko at napangiti siya kaagad. "Suot mo pala."

He said, referring to the bracelet na iniwan nya sa locker ko. Wait, so he is confirming na kanya nga galing yun?!

"Eh yung gummy bears? Ubos mo na?"

Teka, k-kanya rin galing yun?! Omaighad.

"H-hindi pa. K-kalahati palang." Nauutal kong sabi.

Napailing naman sya habang nakangiti.

May inilabas sya mula sa bulsa nya at nagtataka ako nang iipit niya iyon sa buhok ko.

"Ayan. Bagay sayo."

Kinapa ko naman kung ano yun at napagtanto kong clip yun. Isang simplenh rectangular clip.

"Sige una na ko. Bye Nayih."

And he left me, confused. Lah! Ano kaya yun no?!

Inalis ko naman sa buhok ko yung clip para tignan yung design kaso napatikom nalang ang bibig ko nang makita ko ito. I mean, ang nakasulat dito.

Stanley's property

Ay pakshet. Ano to Stanley Choi?!

××××××

Update!

And mga bessy! Published na ang story nila Jade at Slade 💖✨ Dear Slade ang title 💖 check nyo nalang sa profile ko. Salamaaaat 💖✨

Nayih • i.ny & c.scOnde histórias criam vida. Descubra agora