nayih 003

348 22 1
                                    


Nayih Xi

"Noona, sabay na tayong pumasok! Ppali!"

"Oo na! Wait lang!"

Humigop pa ako ng isa pang beses sa kape na iniinom ko bago tuluyang tumayo at isinukbit ang bag ko sa balikat ko.

"Ang bagal mo noona, ppali!"

Tsk. Bakit ba nagmamadali tong kapatid ko?

I just ignored him at pinuntahan muna si Eomma at Appa sa kusina.

"Bye ma! Bye pa! Una na po kami ni Jisung!"

"Sige, mag-iingat kayo!"

Nag-flying kiss nalang ako sakanila bago lumabas ng bahay. There, nadatnan ko ang kapatid kong mukhang bagot na bagot na kakahintay saakin.

"Oh, kaja!" Pag-aaya ko sakanya.
[A/N: Kaja means Let's go in Korean]

Sinimangutan muna niya ako bago siyang tumayo sa pavement na inuupuan niya.

We started walking nang maisip ko kung bakit nagmamadali ang isang to. Matanong nga.

"Oy Jisung."

"Hmmm?"

"Bakit parang nagmamadali ka naman ata ngayon ha? Eh kahapon lang, ikaw pa ang hinihintay ko ah. Anong meron?"

Nang tanungin ko iyon ay nakita ko ang pamumula ng tenga ng kapatid ko. Aha, mukhang alam ko na.

"E-eh kasi diba noona, ngayon na ang meeting namin para sa highschool ball? Tsk tsk, noona talaga oh!"

Jusko. Kaya naman pala.

"Ulol. Sinong niloko mo? Gusto mo lang na maaya na yung crush mo eh! Yung Stephannie ba yun? Yiiieee! Ikaw Jisung ah!"

"Hala noona! Hindi ah!"

Natawa nalang ako sa kakyutan ng kapatid ko. Pfft, binata na nga.

Nang makarating kami ng school ay nauna na siyang pumasok. Takbuhan ba naman ako eh no? Hindi rin halatang excited. Jusmeyomarimar.

Dumiretso na ako sa classroom at doon ay naabutan ko si Slade na bumibirit nanaman kasama ang kasamahan niya sa dance troupe na sina Dave at Hover.

Sila ay ang grupo sa dance troupe na kung tawagin ay Gag Trio.

"YOU BELONG WITH MEEEEEEEEE!"

"AND THE STORY OF US LOOKS A LOT LIKE A TRAGEDY NOW, NOW, NOOOOOOOOOOW!"

"CAUSE YOU'VE GOT THAT ONE THING!"

Oh diba? Super kanta tong tatlong mga to. Feeling nila, nasa concert sila.

"Oh, andyan ka na pala Nayih! Goodmorning!" Dave nang tumigil siya sa pagkanta ng 'The Story of us' ni Taylor Swift.

Dave Kruz. Ang isa sa pinakamaiingay at pinakamakulit sa grupo. Pero wag kayo, magaling sumayaw yan!

"Goodmorning Nayih!" Bati naman ni Hover nang matapos siyang kumanta ng One Thing ng One D.

Hover Kwon. The Choreographer. Makulit pero siya ang pinakamatino pagdating sa pagsayaw. Sa lahat ng sayaw, siya ang nagcho-choreograph. Galing niya no?

"CAN'T YOU SEE THAT I'M THE ONE WHO UNDERSTANDS YOU! BEEN HERE ALL ALONG SO--"

"SLADE BYUN! ANG INGAY MO! UMAGANG UMAGA EH!"

Napatigil sa pagkanta si Slade at maski kami ay natigilan nang marinig namin ang sigaw na iyon.

Uh-oh. Beastmode ang bessy ko sa bes niya.

"Ah, hehe. Goodmorning Jade-- araaaaaaaay!"

Natawa naman kaming lahat na andito sa classroom nang dambain ni Jade si Slade.

"Tama na! Aray! Ang bigat mo!"

"Tama lang yan sayo oy! Ang ingay ingay mo!"

Natawa nalang kami nina Dave at Hover maski ang iba pa naming kaklase. Ang cute nilang tignan. Hahahhaa!

Naputol ang tawanan nang may kumatok sa classroom.

"Hmm, pa-excuse nga sina Hover, Dave at Slade. Saglit lang."

Oh. Si Mr.President pala. Si Waller Lee. Siya ang President ng Music club sa school namin and at the same time, member rin siya ng dance troupe.

Naglakad na papuntang pintuan ang tatlo at umupo na rin si Jade. Mukhang badtrip.Kaya naman umupo na rin lang ako.

Well, since nasimulan ko na ang pagpapakilala sa iba pang members ng dance troupe, itutuloy ko na rin lang.

Next in line is the China boy, Miguel Xu. Obvious naman sa description ko na Chinese siya diba? So yeah, he's from China. Actually, siya ang pinakamagaling na sumayaw sa dance troupe and pagdating sa pag b-b-boy ay siya ang pambato ng grupo.

Next, Michael Kim. Ang pinakamaitim--ay este pinakagwapo sa grupo. Siya yung anak nila Tita Nathalie and Tito Kevin. Oha, nagmana sya kay Tito Kevin! Joke! Pero para saakin si Stan syempre. Hahaha! Si Michael ay ang visual ng grupo at ang pinakamatangkad din. Basta gwapo siya. Period.

Sunod ay si Jeohan Yoon. Ang mukhang babae sa grupo. Siya lang kasi yung kaisa-isang mahaba ang buhok sa dance troupe kaya minsang napapagkamalang babae.

Lastly, Joshua Hong. The holy one. Siya ang pinakarelihiyoso sa grupo. Halos lahat ata ng dasal, naidasal niya na sa lahat ng practice nila. Well, one more fact about him ay siya ang ex-boyfriend ng kaibigan naming si Minha.

"Earth to Nayih!? Nakikinig ka ba?!"

I came back to my senses when Jade shouted infront of me. Kanina pa ba siya diyan?

"A-ah, ano uli yun?"

She rolled her big eyes bago hinawakan ang braso ko.

"Sabi ko, crush ng kapatid ko yung kapatid mo!"

O.O

Crush ni Stephannie si Jisung?! Owemjiiii! Swerte ni Brader!

Kapatid kasi ni Jade si Steph. Kaso nga, magkapatid lang sila sa ama. Patay na kasi yung mommy ni Jade pagkapanganak palang sakanya kaya ayun, nakapangasawa ng iba yung dad niya pero buti nalang, mabait sakanya yung step-mother niya which is yung mommy ni Steph. Her dad and step-mom didn't make her feel unwanted. Instead, tinuring pa siya ng step-mom niya na totoong anak talaga.

"Weh? Totoo nga?!" I unbelivably asked her.

"Oo nga. So ano? Push na ba natin yung ship na to?" Naka-smirk nyang tanong.

"Naman."

~~~

"Nayiiiiiiiiih!" Napatigil ako sa paglalakad dito sa hallway nang marinig ko ang matinis na boses ni Sheena. Ingay naman netong babaeng to!

"Oh, problema mo?" I asked her nang makalapit na siya saakin.

"Ah eh, may nagpapabigay! Babay!" Umalis na siya kaagad matapos niyang iabot saakin ang isang paperbag.

Nagtataka ko iyong tinignan at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang may isang jar ng gummy bears doon. Yaaay! Favorite ko to e 😍

Nakangiti kong tinungo ang locker ko at inilagay to doon. Nang mailagay ko na ang paperbag ay naglakad na rin ako paalis pero laking gulat ko nang makasalubong ko si Stan pero mukhang di niya ako napansin.

"Anong ginagawa nya dito? Sa kabila yung locker niya ah.." Bulong ko.

Lumabas ako ng locker room pero pasimple akong sumilip sa loob at laking gulat ko nang makitang may nilalagay si Stan sa isa sa mga lockers doon! At sa set pa ng locker ko! Shocks!

Sino kaya yung nilagyanan niya na locker?

Nayih • i.ny & c.scWhere stories live. Discover now