nayih 006

277 17 0
                                    

A/N: UD ulit dahil ginanahan na akong magsulat dahil sa thrill na nagawa ko sa chapter 6 wahahahah!

~~~~~

Nayih Xi

"Nayih, di ka pa ba magla-lunch?"

Umiling ako at ngumiti.

"Hindi pa Minha eh. Mamaya nalang siguro."

Minha nodded bago sya lumabas ng classroom. And now, mag-isa nanaman ako.

Since the day Jade told me that Slade likes me, naging ilag siya saakin. Hindi na siya nagpupunta ng bahay, hindi niya na ako kasabay kapag recess at lunch at kakausapin lang niya ako kapag kinakailangan. Alam kong nasasaktan siya dahil ako pa na bestfriend niya ang gusto ng mahal niya. Kahit din ako, nagguiguilty. Kung pwede nga lang na sabihin ko kay Slade na si Jade nalang, gagawin ko.

I even saw some of her tweets. Matagal ko na rin kasing hindi nabubuksan ang twitter ko kaya triny ko syang buksan kagabi and Jade's tweets welcomed me.

There's one na she's asking bakit ako pa? Bakit ako pa ang nagustuhan ni Slade? Something like that. I feel sorry for her. I miss her, I miss my bestfriend.

"Nayih, kaya mo to okay? You can get through this..kaya mo to." Bulong ko sa sarili ko as tears started forming through the corner of my eyes.

Lumabas na ako ng classroom dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Malapit na ako sa cafeteria nang biglang may humawak sa pulso ko at nang tignan ko kung sino iyon...

"Slade?"

Nginitian niya ako. "Ah Nayih. Pwede ba tayong mag-usap?"

Awkward. Yan ang nararamdaman ko ngayon habang papunta kami ng garden. Ewan ko sakanya kung awkward ba to pero kasi sakin, awkward talaga.

"Uhm Nayih." Panimula niya.

"Hmm?"

"May napapansin ka bang kakaiba kay Jade?"

Agad na nakuha ng tanong niya ang atensyon ko.

"What do you mean?"

"Simula kasi last week, hindi niya na ako pinapansin. Ikaw ba? Pinapansin niya?"

So, hindi rin pala sya pinapansin ni Jade. I shook my head as an answer.

"Hindi rin." Maikli kong sagot sakanya.

Napabuntong-hininga naman siya.

"Miss ko na yung babaeng yun."

I saw how tears started falling from his sad eyes. Jade must be really important to him. Akala ko nga noon, si Slade ang may gusto kay Jade but it turns out na si Jade pala ang may gusto rito.

"Nayih, may alam ka bang rason kung bakit hindi tayo pinapansin ni Jade?"

Natahimik ako sa tanong nya. I don't know if sasabihin ko ba sakanya na alam ko nang gusto nya....ako or nah. Baka kasi maging awkward. But in the end, I decided to tell him nalang.

"Uhh Slade. Kasi uhm...she told me na you like..uhm..me?"

Nanlaki naman ang mga mata nya.

"Then bakit sya umiiwas?" He asked me.

"I must not say this but, I guess you need to know."

"I need to know what?"

"That Jade likes you."

Natigilan naman sya at napa-iling. Maya maya pa ay napahawak sya sa sentido nya bago sya sumigaw.

"AIIIISH!" Sigaw nito at naupo sa isa sa mga benches dito sa garden.

Nayih • i.ny & c.scOnde histórias criam vida. Descubra agora