nayih 007

264 15 0
                                    


Nayih Xi

"Ugh, ano bang isusuot ko?"

Napanguso nalang ako habang tinitignan ko ang mga nakalatag na damit sa kama ko. Hindi kasi ako makapili kung anong isusuot ko para sa practice namin mamaya.

Aba dapat maganda ang suot ko kasi syempre pupunta kami sa bahay ni Stan mah bebe no. Hihihi.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Jade at manghingi ng advice sakanya kaso natigilan ako nang maalala kong hindi nga pala nya ako pinapansin. Hay. Sana talaga magkaayos na kami.

In the end , napagdesisyunan ko na mag black jeans nalang at baseball shirt tsaka sinuot ko na rin yung white adidas ko. I tied my hair into a bun at kinuha na ang sling bag ko. Ready na ako!

Lumabas ako ng bahay at laking gulat ko nang makita ko ang kotse ni Slade sa tapat ng gate namin. Lumabas naman sya habang nakangiti at pinagbuksan ako ng pinto sa shotgun seat.

"Thanks." Sabi ko nang makaupo na ako. Umikot naman sya ulit at sumakay na. It took a couole of minutes bago kami makarating sa bahay nila Stanley. Medyo malayo sa bahay namin. Nadaan pa nga namin yung bahay nila Jade before kina Stanley and I must say na malapit ang bahay nila sa isa't isa. Ganun ba talaga sila ka-close?

Nang makarating na kami, pinagbuksan ako ulit ni Slade ng pintuan at nagpasalamat naman ulit ako. Nagkatinginan pa kaming dalawa nang nasa tapat na kami ng gate. Nag-aalangan pa kasi kami kung sino ang mag do-doorbell.

"Ako na?" I asked Slade at tumango naman siya.

I was about to press the doorbell when someone opened the gate. And to my surprise, it's Jade and Stanley.

They seemed to be surprised by our presence. Napaatras naman ako at napatabi kaagad kay Slade. Ramdam ko ang tensyon na namumuo sa pagitan naming apat.

Tinignan ko naman silang dalawa. Kitang kita ko ang pag-akbay ni Stanley kay Jade. Kung papaano niya hawakan na para bang isang mahalagang bagay ang bestfriend ko.

"A-ah, andyan na pala kayo." Panimula ni Jade.

"Uhm, bibili lang kami ni Jade ng pang-merienda natin mamaya. Pumasok na kayo, andun na si Hover." Sabi naman ni Stan at inakay na palabas si Jade.

Napabuntong hininga naman ako at tinignan itong katabi ko. Tinapik ko siya sa balikat at nginitian. "Okay lang yan. Tara na?"

Nang makapasok na kami, sinalubong kami ni Hover na mukhang kanina pa andito.

"Hay salamat, dumating na rin kayo." Pagsalubong saamin ni Hover na halos yakapin kami. Anyare dito?

"Bakit?" Slade asked him. Napa-roll eyes nalang ang aming choreographer bago magsalita.

"Kasi naman, op na op ako sa dalawa. Kina Stanley at Jade. Daig pa ang mag-jowa kung mag-usap. Tsk tsk. Buti na nga lang pinakain ako ni Tita ng cookies eh."

Magkahalong kirot at lungkot ang naramdaman ko. Talaga bang bestfriends at childhood friends lang sila?

"Ah Nayih? Okay ka lang?"

Ngumiti naman ako ng pilit kay Hover at tumango. Umupo nalang kaming tatlo sa blue sofa nila Stanley.

Inilibot ko naman ang tingin ko at pansin ko ang pagiging simple ng structure ng bahay nila at mga gamit dito. Pero kahit simple, elegante. Yung ganun ba. Halatang pang-mayaman kasi mayaman naman talaga sila.

Maya maya pa ay nakabalik na sina Stan at Jade na parehas na nakangiti.

Napatingin ako kay Jade at napatingin naman din sya saakin pero agad naman syang nag-iwas ng tingin.

Pumalakpak naman si Hover. "So, practice na? Let's go!"

~~~~

"Slade and Nayih, konting ayos pa!"

Napayuko naman ako nang sumigaw ulit si Hover. Pang-limang beses na ito na nasita kami. Hindi kasi namin masyadong magawa yung part na instrumental ng Oh Na Na.

"Upo muna kayo. Panoorin niyo sina Jade at Stanley." Kalmadong sabi ni Hover kaya umupo kami sa tabi nya kasabay ng pagtayo nila Stan at pagtayo nila sa gitna.

Pinatugtog na ni Hover ang kanta at nagsimula na rin silang sumayaw. Mukha silang kumportable sa isa't isa. Para bang hindi lang pagiging childhood friends ang meron sakanila.

"Yan. Ganyan Nayih at Slade. Okay na Jade and Stan." At pinaupo na rin ni Hover ang dalawa.

"So since nahihirapan pa tong dalawa, what if pagpalitin ko kayo ng partners? Para maging mas madali."

Natigilan ako sa sinabi ni Hover. Maski si Slade na katabi ko ay napatigil din sa paggalaw at pansin kong pati sina Jade.

"What? Bakit kayo natigilan?" Inosenteng tanong ni Hover na mukhang walang kaalam-alam sa mga pangyayari.

"Ah wala." Sabi ni Stanley at umayos na ng upo.

"So magpapalit ng partners? For this practice lang ba or althroughout the performance?"

Ay pakshet besh. Bakit ba ang gwapo ni Stanley babes qq?!

Hover shrugged his shoulders. "Depende. So game na? Practice na but now, switch partners."

Okay. This is it Nayih. Makakapartner mo na sa wakas si Stan. WOOOOOH.

~

So I changed the title from "Assuming" to "Nayih" nalang. hahahahhaha.

Nayih • i.ny & c.scTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon