nayih 010

351 19 3
                                    

Nayih Xi

"OMG GRABE TO!"

"HALA ANG GAGANDA NATIN DITOOO! OMG!"

"SUPER DUPER! BET NA BET KO YUNG POSE KO RITO!"

Napakunot naman ang noo ko dahil sa ingay netong mga ka-grupo ko. Kakarating lang kasi namin ni Minha galing sa locker room para kunin yung damit namin pang-practice.

"Ano yan?" Pakikiusyoso ko na sakanila.

Proud na tumayo naman si Jade at itinaas ang isang poster at nanlaki ang mga mata namin ni Minha nang makita kung ano yun.

POSTER NG THRICE! POSTER NAMIN! OMGGGGG!

(A/N: See multimedia for the photo)

"Wow." Sabay naming nasabi ni Minha habang tinitignan ang mga sarili namin sa poster. Nag-photoshoot kasi kami kahapon para nga dun sa homecoming event ng may-ari ng school namin. Ang bongga nga eh.

"Teka teka! May isa pa! Yung individual!" Pagsingit naman ni Teffie at agad na iniabot naman kay Minha yun.

Napatili na nga kami nitong si Minha. Grabe! Ang gaganda namin! Mwahahahahhaha!

"Oh tama na yan. Itiklop nyo na yan at ididikit ko pa yan mamaya sa bulletin board kasama yung iba pang posters para sa homecoming program." Pagsaway saamin ni Jade.

May iba pang posters? Ibig sabihin...

"Andyan din sayo yung poster nila Stanley?!" Tanong ko kaagad sakanya.

Nirolyohan nya ako ng mata at hinagis saakin yung mga posters na nakaroll as one. Isa isa ko yung tinignan at napa wow naman ako. Napaghandaan talaga.

So Mr. Bogum at Mrs. Irene pala yung may ari. Ang gwapo nya tapos ang ganda ganda ng asawa nya! Grabe! Bagay sila supeeeer!

(A/N: See multimedia for the photo)

Ay wow naman ituuu! Kasama namin sa poster yung Two teen! Grabiti! Kilig si akooooo!

(A/N: See multimedia for the photo)

Asdhskaoznalshdo! Tungunu ang gwagwapo ng mga to! Ang kyokyot! Aba syempre para saakin, pinakagwapo si Bebe Stanley Mah Labs ko! Omggggg!

(A/N: See multimedia for the photo)

"Hala si Babe!"

Nasa gitna na ako ng pagpapantasya nang biglang sabihin ni Minha yun.

Babe?

Dahan dahan naman akong napatingin sakanya at nakita ko syang nakangiti. Mukhang napansin nyang nakatingin ako sakanya kaya natigilan sya. Napatingin din sya saakin.

"Babe? Sinong babe?" Takang tanong ko sakanya.

Napatingin na rin saamin ang ilan pa sa mga ka grupo namin. Si Minha naman, mukhang hindi na alam ang gagawin.

"May hindi ba kami nalalaman dito, Minha Myoui?" Tanong naman ni Chaehye na siyang bestfriend nito sa grupo. Napayuko si Minha at hinintay naman namin siyang magsalita.

"Si Wade. Kami na."

Nanlaki naman ang mga mata ko. Halos lahat kami-- I mean lahat talaga kami.

-------

"Kelan pa?" Si Sheena na ang nagtanong. Wala eh, shocked pa rin kami.

Nakaupo na kami lahat sa sahig at pinapalibutan si Minha na nasa gitna.

"Last last week. Niligawan nya ako after ng birthday ko. Ayan, okay na?"

Magsasalita pa sana si Danicka nang biglang dumating ang maingay na grupo nina Stanley bebe quoh mah labs so swit. Hihihiihh

"Sakto! Andyan na rin yung boypren mo Minha! May kasama ka nang mag e-explain!" Sigaw ni Sheena habang nakatingin ng masama kay Wade. Napatingin naman kami sa grupo nila at mukhang gulat na gulat din sila. Wait, wala rin silang alam?

Hinatak naman ni Sheena si Wade at pinaupo sa tabi ni Minha. Pinalibutan naman namin sila at eto na nga, para kaming nag-iimbestiga rito.

Napatingin naman ako kay Joshua na nasa likuran ni Stanley bebe ko. Tama ba tong nakikita ko? He iz lyk naluluha na? But why? Diba sya naman ang nang-iwan sa kaibigan namin? Bakit sya ganyan ngayon?

Napabuntong hininga nalang ako. Ah basta, bahala sya dyan. Kung saan masaya si Minha, dun kami.

Sabay na umupo sa harapan ng dalawa si Sheena at Jaden. Nagkatinginan naman yung dalawa bago nag-irapan. Psh. Hahahahahhaa maka-irap tong Sheena na to parang di niya crush yung tao. HAHAHAHAHA!

"First question, kelan ka nanligaw dito sa kaibigan namin?! Bakit hindi mo kami ininform?!" Pabulyaw na tanong ni Sheena na siyang dahilan kung bakit naman napaatras ng konti yung pinsan kong si Wade.

"Uy teka naman. Hinay hinay lang." Pagtatanggol naman ni Minha sa boyfriend niya.

"Oo nga naman! Wag ka mo nga kasing sisigawan yung kaibigan ko!" Sigaw naman ni Jaden kay Sheena.

"Hoy! Wag ka ngang sabat ng sabat dito! Sino ka ba ha?!"

"Kaibigan ako ni Wade!"

"Oh eh bakit ka tumatabi rito?! As far as I know, ako lang ang mag-iinterview sakanila!"

"Aba bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang mag-interview sakanila?!"

"Oo! Dahil----"

"MAGSITIGIL NGA KAYONG DALAWA!"
Natigil naman ang pagbabangayan nung dalawa nang biglang sumigaw si Minha.

Oo, si Minha Myoui yung sumigaw. Anbilibabol rayt?

"Kami nalang ni Minha ang magkwekwento ng lahat. Shut up okay?" Sabi naman ni Wade at napabuntong hininga.

"Ganito kasi yun. Diba birthday ni Minha? Nakita ko syang umiiyak nun nung pinasundo sya saakin ni Nayih sa classroom nila."

Umiiyak?

"Hinatak ko sya. Inis na inis ako dun sa nagpaiyak sakanya." Seryosong sabi ng pinsan ko kaya naman napatingin ako kay Joshua kaagad na nag-iigting na ang panga.

Napatingin naman ako kay Stanley na nakatingin na rin pala kay Joshua pero bigla naman syang napatingin saakin. May kung ano pa syang tinignan saakin bago ngumiti at napayuko.

Tangna ano yun?!

Napahawak ako sa buhok ko at naramdaman kong suot ko nga pala yung clip na binigay nya. Shet. Keleg si ateng nyo.

"So since matagal ko na rin namang crush si Minha, I decided na ligawan sya. Alam ng iba sa Twoteen na crush ko sya. Matagal na."

Owemji. Mah cousin! Bakit wala ka man lang nakwento saakin?!

"And then last last week, I decided na sagutin na si Wade." Si Minha naman ang nagpaliwanag.

"Okay na?" Tanong nilang dalawa saaming lahat at lahat kami ay napatango nalang.

"Eh kelan ang monthsary nyo?" Nakangiting tanong ko sakanila. Nagkatinginan naman silang dalawa ang nagkangitian pa.

"Bukas."

~~~~

"Ang tindi mo Minha! May boypren ka na pala, di ka man lang nagsabi saamin!" Pangangantyaw ni Teffie sakanya.

"Sorry naman. Eh hindi naman kayo nagtatanong."

Napailing nalang kami sa sinabi ni Minha.

Maya maya pa ay may biglang lumapit saamin na kagrupo ni Stanley bebe mah labs so swit.

"Anong ginagawa mo rito Miguel? Wala kayong practice?" Tanong ko sakanya.

"Ah wala noona eh. Nga pala, pinapatawag ka ni Stanley hyung sa practice room namin."

Nagtaka naman ako. Ako? Ipapatawag nya?

"Ha? Sure ka? Ako tala--"

I didn't finished my sentence because everything went black.

Nayih • i.ny & c.scWhere stories live. Discover now