nayih 011

345 19 1
                                    

Nayih Xi

"Uy okay na ba lahat?"

"Oo hyung. Kanina pa."

"Tagal namang magising ni Noona!"

"Shhh, hayaan nyo na muna."

Naalimpungatan ako sa mga boses na narinig ko. T-teka, mga lalaki yun ah!

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at naaninag ko na kung sino sila. Ang grupo ni Stanley babe ko.

Hala! Andito ako sa practice room nila?!?!?!?

"Gising na si noona!" Sigaw ni Lee na halatang ikinagulat nila.

Lahat naman sila, nataranta. Teka, ano bang meron?

"Ah noona, halika. Sama ka saamin." Sabi ni Lee at kasama niya naman si Vernon.

"Uy, anong nangyayari?" Bulong ko naman sakanya but he just shrugged. Manang mana nga naman kay Tito Sehun oh.

Dahil no choice ako, sumama nalang ako sa dalawa. Lumabas kami ng practice room at pansin kong nakatingin saamin lahat ng madadatnan namin. I mean, yeah. Nakatingin.

"Ano ba kasi talagang meron ha?" Naguguluhan kong tanong sakanila pero wala naman akong nakuhang sagot kaya napabuntong-hininga nalang ako.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa garden at nandun siya, si Stanley.

"Sige na noona, iwan ka na namin."

Aangal pa sana ako nang biglang nagsalita si Stanley.

"Andyan ka na pala."

Napalingon naman ako sakanya at kitang kita na...kinakabahan siya? Ano ba kasi talagang meron?

"Nayih." The moment he called my name, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Lapit ka." Nakangiti niyang sabi saakin at nag-gesture pa sya na lumapit ako sakanya kaya naman ako, lumapit na. Wag na magpabebe no!

"B-bakit?" I asked him nang makalapit na ako sakanya. But instead na sumagot siya, may iniabot siya saaking.....diary?

"Tignan mo." Utos niya.

Binuklat ko na yung notebook at nagulat ako nang makita ko kung ano yung nasa first page. Panay pictures ko.

Pictures ko mula Grade 7 kami hanggang ngayong Grade 11.

"Pinipicturan kita nang hindi mo alam. Ikaw kasi ang favorite i-focus netong dslr ko." Napatingin naman ako sakanya at laking gulat ko nang mahuli ko siyang pinipicturan niya ako kaya naman napatakip ako kaagad ng mukha.

Teka, kelan pa to nagkaroon ng camera?

"Wag ka nang mahiya. Limang taon na nga kitang kinukuhanan ng picture, nahiya ka pa." Natatawa niyang sabi kaya naman inalis ko na yung kamay ko mula sa pagkakatakip sa mukha ko.

"Eh hindi ko naman alam.." Mahina kong sabi habang tinitignan yung mga pictures ko na nasa notebook na yun. Panay stolen, mukhang patago nga nya talaga akong pinipicturan.

"Nayih." Tawag niya saakin. Lumingon naman ako at napaatras ako kaagad nang halos wala nang space ang pagitan ng mga mukha naming dalawa. Oh gosh, sana lang ay di ako namumula ngayon!

"Hmm?" Tanong ko nalang dahil baka mautal lang ako kapag nagsalita ako.

"May aaminin sana ako.."

Oh my gosh.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako diretso sa mata ko.

"Nayih. I love you."

Nayih • i.ny & c.scWhere stories live. Discover now