Epilogue .1

365 21 6
                                    

(This is my Christmas Gift for all of you! Enjoy reading! Merry Christmas!)

Nayih Xi

"OMG! FIGHTING THRICE!"

"FIGHTING!"

Nakangiti naming tinungo ang stage para masimulan na namin yung performance namin.

Nang matapos na kami ay sinalubong kami ng Two Teen habang nakangiti.

"Naks! Ang gagaling namaaaan!" Bati saamin kaagad ni Jeohan at isa isang nakipag-apir saamin.

"Aju Nice! HAHAHAHHAHA!" Sabi naman ni Hover at ginawa pa yung step ng Aju Nice ng Seventeen.

"Nako, salamat! Galingan nyo ah! Susunod na kayo. Hover, goodluck as a leader." Sabi ni Jade at nag-hand shake sila na pang-leader. Ewan ba dito sa dalawa, selos na selos na nga si Slade eh.

"Oo naman boss. Oy Two Teen!" Tawag nya sa mga ka-members nya.

"Galingan natin ah?"

"Oo naman!"

"Fighting?"

"FIGHTING!"

Nagtungo na sila sa stage at masaya naman namin silang pinanood. Kaso mas masaya sana kung nandun si Stanley. Stanley left the country the day after nyang nag-confess saakin so pinasa niya na kay Hover yung trono as a leader. Syempre, nakakalungkot pero ganun talaga eh. After nung pagconfess nya sakin, nag-date kami. Oo, date. As in date! HAHAHHHA! Ikwento ko ba? Fine. Hahahaha!

Flashback

"Shh, stop crying. Baka di na ako makaalis nito."

"Eh di mas maganda." I said then I sobbed.

He chuckled and ruffles my hair, "Ikaw talaga. Kung ako lang talaga ang masusunod, dito nalang ako. Ang kaso, sila dad eh. Sorry talaga Nayih." He sincerely said habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Akala ko pa naman masisimulan ko na yung love story natin." Pabiro kong sabi.

"Kung umamin lang kasi sana ako ng mas maaga, eh di sana.."

"Torpe mo kasi." Pang-aasar ko sakaniya.

Napakamot naman sya sa ulo nya at napangiti. Shet, bakit ang gwapo niya?!

"Sige, babawi nalang ako."

Hinawakan niya ang kamay ko and he intertwined our fingers.

"Be my girlfriend kahit na ngayong araw lang. Gusto kong maranasan na maging girlfriend ang babaeng mahal na mahal ko kahit na isang araw lang. So.."

Nagulat naman ako sa biglaang pagluhod niya.

"Will you be my girlfriend, Nayih Jineah Xi?"

Dahan dahan akong tumango at sinagot ang tanong niya. "Yes Stanley Choi, I would love to."

Buong araw naming sinulit ang araw na to. Nag-absent kami at nagpunta kami sa isang amusement park. Sinakyan namin lahat ng rides at nang mag-gabi na, hinawakan ni Stanley ang kamay ko at iniigya ako patungo sa ferris wheel.

"Ito ang huli nating sasakyan, Nayih."

Nakaramdam naman ako ng kilig. Kilig dahil napaka-romantic kapag sasakay ang isang couple sa ferris wheel. At lungkot, dahil pang-huli na ito.

Nang makasakay na kami ay pinagmasdan ko ang city lights mula sa itaas. Ang ganda, sobra.

"Nayih." Stan called my name. Nang lumingon ako ay halos hindi ako makahinga. Sobrang...sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

Nayih • i.ny & c.scWhere stories live. Discover now