nayih 004

338 18 0
                                    


Nayih Xi

"Talaga ba?! Hala! Baka crush ka ni Stan--"

"Shhh! Ang ingay ingay mo!"

Inalis naman ni Dani kaagad yung kamay kong nakatakip sa bunganga nya.

"Ano ba?! Ang alat ng palad mo! Ewww!" Pag-iinarte nya. Aba't!

"Eh ang ingay mo eh!" Sigaw ko naman sakanya pabalik.

"Sorna." Nakapout nyang sabi bago nangapalumbaba sa table ng canteen. "Pero seryoso, baka crush ka nya." Sabi nito habang tumatango tango pa.

I sighed bago nangalumbaba rin. "Pero nakakatakot. Ayoko mag-assume."

Nagulat ako nang bigla syang tumawa ng pagkalakas-lakas. As in!

"Ikaw? Natatakot mag-assume? Eh ang assuming mo na nga eh! Hahahhaha! Bentang benta yang joke mo sakin, Nayih!" Natatawa nyang sabi kaya napairap nalang ako.

"Pero seryoso. Assuming ka na kaya! Yung simpleng pag-kaway sayo ni Stan noon kasi nagru-run syang President at kalaban nya sj Jade eh inassume mong kinakawayan ka nya. Eto pa! Nung naniningil sya noon para sa class project. Akala mo kakausapin ka nya talaga! Hahahaha! Assuming mo te!"

And for the nth time, tama nanaman po sya. Tama nanaman si Danicka.

"Eeeeeh, kasi naman!" Pagmamaktol ko.

"Oh? Ano nanaman?"

"Yung sa locker! Paano yun? Paano kung diko locker yung nalagyan nya? What if sa iba?" Naka-pout kong tanong sakanya.

"Hay nako, imbes na tanong ka ng tanong sakin, why don't you check you locker kung may nakalagay dun."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Dani. Oo nga no? Bakit diko yun naisip?

"Diko pa kasi nache-check yung locker ko since nung isang araw. You know, we're all busy sa surprise natin for Minha." Page-explain ko.

"So ano na? Gora ka na gurl! Tignan mo na!"

Dali dali akong tumakbo palabas ng canteen papuntang locker room. Pero nang makarating ako sa tapat ng locker room, para bang nanlamig ako. Paano nga kung hindi sa locker ko? Paano kung sa ibang locker nya nilagay? Paano?

Pero hindi, kailangan kong i-check ang locker ko para malaman ko kung aasa pa ba ako o hindi na.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kinalalagyan ng locker ko at kinuha ko sa bulsa ko ang susi nito. Nakapikit kong binuksan ang locker ko at pagmulat ko...

"B-bracelet?"

Kinuha ko kaagad yung bracelet na nakita ko sa loob at tinignan iyon mabuti.

Teka, ito yung bracelet na nagustuhan namin noon ni Jade sa mall ah? Ohmy..

Hindi kaya, sinabi ni Jade yun kay Stan at binili ito ni Stan for me?

Dahil sa naisip ko ay diko maiwasang mapatili habang tumatalon-talon pa.

"OMG!OMG! KINIKILIG AKO! KYAAAAH! OMGGGG!"

"Bakit?"

Napatigil naman ako sa pag-talon nang marinig ko ang boses ng dahilan kung bakit ako ganto.

"A-ah.. Hi Stan."

Ow shet. Nakakahiya! Isa itong malaking kahihiyan!

He smiled and chuckled. Shet! Nakakahiya talaga! Nakita nya!

"Ah, you can just pretend na you didn't saw anything.." Nahihiya kong tugon habang nakayuko. Shet, nakakahiya talaga.

"Why would I?"

Nayih • i.ny & c.scWhere stories live. Discover now