nayih -special-

324 19 3
                                    

A/n: At dahil birthday ng isang character dito, here is a special chapter for her. Happy Birthday Myoui Mina of Twice!

~~~

Minha Myoui

"This relationship isn't working anymore. Wala na akong gana Minha. Let's end this."

Napapikit nalang ako nang maalala ko ang eksenang yun. Masyado nya akong nasaktan. Masyadong masakit ang mga sinabi nya.

Masyado mo akong nasaktan, Joshua Hong. To the point na pati birthday ko, kinaaayawan ko na.

"Minhaaaa~ tara na kasi! Naghihintay sa canteen ang squad ano ba!"

"Ayoko." Nilabas ko ang pera ko at iniabot kay Nayih. "Oh ayan, libre ko. Buy all you want. Ayokong magcelebrate." Mahinhin kong sabi sakanya at isinalpak ang earphones ko.

But as expected, Nayih held my earphones at inalis iyon. "Minha naman, it's been two years."

Natahimik ako. "Yeah, it's been two years pero masakit pa rin Nayih. Masyadong masakit. Makikipagbreak na nga lang sya, sa mismong birthday ko pa."

She just sighed and just made her way out of this room. Sorry guys, pero masakit talaga.

Joshua Hong. My first boyfriend. First year kami unang nagkakilala. We were in the same section at sya kaagad ang nakakuha ng atensyon ko. He's just a simple guy. Effortless ang kagwapuhan nya. Yun bang kahit nakaupo lang sya, sobrang gwapo nya na. Ganun sya.

We became close nang dahil sa singing club. We both joined alongside with Slade. Because of that,mas napalapit kami sa isa't isa dahil halos araw araw kaming magkasama.

Hanggang sa isang araw, he confessed to me na he loves me. Nagdalawang isip pa ako nun kasi parang ang bilis naman. Pero dahil nga mutual ang feelings namin, bumigay kaagad ako. Walang ligaw ligaw, kami na kaagad.

Tumagal naman kami kahit papaano at umabot pa kami ng Grade 8. Pero nang patapos na ang school year noong Grade 8, around February, may nag iba sakanya. He quits on singing club at sumali sya sa dance club. Ang sabi nya, he wants to try something new kaya sinuportahan ko nalang sya doon.

But I didn't knew na doon pala magsisimula ang pagiging iba ng lahat. He became cold to me. Hindi nya na ako sinasamahan mag-recess gaya ng dati, hindi na rin nya ako hinahatid pauwi. I thought, busy lang sya sa practice. Pero wala, lumipas ang isang buwan at ganun na talaga sya.

March 24. Birthday ko.

Kahit na sobrang cold nya na saakin ay pinilit ko pa rin syang sumama saakin. Ililibre ko kasi sya, treat ko dahil birthday ko.

"A-ah, anong gusto mo?" I tried acting like nothing changed. Kahit na gusto ko nang umiyak dahil hindi man lang nya mahawakan ang kamay ko o mabati man lang ako, I choose to pretend that I'm okay.

"Minha, can we talk?" Yung angelic voice nya. Parang nawala. Parang ibang Joshua na ang kaharap ko ngayon.

I nodded and smiled at him but he didn't smile in return.

Lumabas kami ng café at naupo sa pavement na nasa gilid nito.

"A-anong pag-uusapan natin?" I asked him lively.

"Minha, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." He paused a bit kaya natigilan ako.

No. Hindi nya magagawa saakin to..

"This relationship isn't working anymore. Wala na akong gana Minha. Let's end this."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya. Hindi, hindi to totoo.

I chuckled and held his hand. "Joshua naman, ang waley mo!" I tried being bubbly pero nawala kaagad iyon dahil inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya atsaka siya tumayo.

"Were done, Minha. Ayoko na sayo." And he left me there speechless.

Doon na bumagsak lahat ng luhang pinipigilan ko kanina pa. I cried and cried hangga't maubusan ako ng luha pero wala eh, unli ata ang luha ko.

I stayed there for like, hours? Mukha na nga akong tanga dun eh. Pero wala, masakit talaga. Masakit maiwanan.

*creeeek...*

Napatigil ako sa pag-alala nung araw na yun nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng classroom namin.

"Minha?"

I breathed heavily as I hear that voice. Yung mala-anghel na boses na para bang ang tagal tagal nawala, na para bang ang tagal tagal niyang itinago.

Agad kong kinuha ang bag ko at akmang aalis na nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

"Wait.."

By the touch of his hands, naramdaman ko ang pakiramdam na matagal ko nang hindi nararamdaman. Yun bang parang may kuryenteng dumaloy sa balat mo? Yun bang nagkaroon ng mga paru-paro sa tiyan mo?

"Happy Birthday..." He said, almost whispering.

Bigla ko namang naalala yung araw na iyon, dahilan para maluha ako. Dalawang taon nya akong hindi nabati. Dalawang taon.

"T-thanks.."

Tumahimik ang paligid pagkatapos nun. Kaya naman I made an excuse para makalabas na ako doon. Hindi kasi ako makahinga ng maayos. Parang anytime, babagsak nanaman tong mga luha ko.

"Ah, I gotta go. Pupuntahan ko pa kasi--"

"I'm sorry.."

And there, bumagsak na ang mga luha ko.

Sa loob ng dalawang taong wala na kami, ngayon ko lang narinig ang salitang yan galing sakanya. Bakit ba sya ganito saakin ngayon? Bakit ngayon pa? Bakit?

"Minha--"

Natigilan naman si Joshua sa pagsasalita nang biglang may humatak saakin.

"Let's go." And by that voice, kilala ko na kung sino siya.

Hinatak nya ako palabas and I didn't dare to take a look on Joshua who was left in our classroom.

Hinayaan ko lang ang lalaking to na hatakin ako papunta kung saan hanggang sa mapadpad kami sa garden ng school.

"Tanga mo. Nakikipagusap ka pa sa gagong yun." Yan. Yan kaagad ang mga salitang binitawan nya saakin pagkarating namin.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ko sumagot. "Grabe ka naman! Sya ang unang kumausap, hindi ako!" Singhal ko sakanya.

"Tsk."

Tahimik lang kami doon until may naalala ako.

"Teka nga ha, anong ginagawa mo sa room kanina? Bakit ka andun, Wade Kim?"

Yeah. The one and only Wade Kim na pinsan ni Nayih. Si Wade Kim na..slight kong crush.

"Pinasundo ka saakin ng pinsan ko. Nakita raw kasi niya yung gagong Joshua na papunta sa room niyo."

Napakunot naman ang noo ko. Gagong Joshua? Eh diba magkagrupo sila?

"Teka nga, bakit mo tinawag na gago si Joshua? Diba magkagrupo kayo?"

Isang ngisi naman ang isinagot niya. "Well, magkagrupo nga kami. Pero ang tanong, magkaibigan ba kami?"

He sighed and looked at me. "Tara na sa canteen, Birthday Girl."

Napangiti naman ako at nagsimula na kaming maglakad. Nang makarating kami sa pintuan ng canteen ay tumigil siya at lumapit ng kaunti saakin tsaka bumulong ng..

"Happy Birthday, Minha."

Nayih • i.ny & c.scTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon