Chapter 4 - Delicious Pizza

29.7K 614 31
                                    

Sa loob ng isang taon, madalas kami magkasama ni Ross sa klase at seatmate kami as always. 

Ako author nito, so dapat tabi talaga kami palagi!

Enjoy naman ako sa company niya. Nga pala, pinagkakakitaan ko din si Ross. Businesswoman yata ako.

Habang nagbabasketball siya or nambababae, ako gumagawa ng projects and homeworks niya. Madali lang naman like typing job, research, problem-solving, essay writing, etc. In return, binabayaran niya ang services ko sa pamamagitan ng pag libre sakin ng pagkain.


Binabayaran ang services? Prostitute ba ko?


"Ross, bakit ang tahimik mo?" tanong ko kay Ross after ng klase. Madalas kasi hyper siya, pero ngayon wala siya kibo.

"Ross, na-email ko na nga pala yung essay na pinapagawa mo sakin about sa Missing Link. Pinagpaguran ko yon ah? Gamit na gamit ko nga yung thesaurus."

"Saan mo na naman gusto kumain?" malungkot niyang tanong sa akin.

"Alam mo yung bagong kainan dun sa tapat ng university nila Drew? Yung Delicious Pizza restaurant? Masarap daw pizza dun, pinagkakaguluhan kaso medyo expensive. Libre mo nga ko hehe."

"Wag dun, Belle Belle. Sa iba na lang," mahina niyang sagot.


Depressed kaya si Ross?


"Malapit lang naman yun ah, lakarin na lang natin, Ross!"

"Ang kulit mo naman, ilang beses ka ba pinanganak? Wag nga dun," inis niyang sagot saken. 


Baka meron siya ngayon?


"Gusto ko nga dun eh! Pareho kayo ni Drew, ayaw niya din ako isama dun! Di daw masarap pero sabi ni Jasmine, superb daw ang pizza, dami Mocharella cheese."

Nung binanggit ko ang name ni Drew, tinignan lang ako ni Ross ng masama na para bang isang forbidden word ang name ni Drew. Hinagis niya yung bag niya sa mukha ko at lumabas ng classroom. Buti na lang magaan dahil shirt at towel lang ang laman.


"Pota ka Ross, ano akala mo saken? Alalay mo, taga dala ng bag?"

Di na ko pinansin ni Ross at derecho labas na ng classroom. Wala naman ako nagawa kundi sumunod kasi baka maiwan pa niya ko. Papayag din naman pala kumain dun, dami pa sinasabi.

"Dalin ko na yung kotse, kulimlim baka abutan tayo ulan," sabi ni Ross habang naglalakad papunta sa kotse niya.

"Ross, may problema ba? Kanina ka pa medyo tahimik. Dahil ba to dun sa break-up nyo ni Clarisse?"

"Kailan ba ko naapektuhan ng break-up?"

"Oo nga pala, tigas nga pala ng mukha mo. Walang habas ka magpaiyak ng babae. Basura lang tingin mo sa kanila."

"Belle Belle, mas mabuti na masaktan na sila ngayon kaysa naman patagalin ko pa di ba? Pag di ko na gusto, pinaprangka ko na. Ayoko magpaasa sa wala."

"Wow naman, dapat pala na maging thankful sila sa pagiging honest mo."

"Kung physical appearance at pera lang ang habol ng mga babae sa isang lalake, wag silang mag-expect na magkakaron sila ng long lasting love."

"Paano mo naman nalaman na yun lang habol nila sayo? Pano kung mahal ka talaga nila? Assumptionistang palaka, feeling mo ginagamit ka lang?"

"Belle Belle, gamitin mo nga yung kokote mo, kahit once lang. Alam nila in the first place na madami ako naging girlfriends. Alam nila na heartbreaker ako, playboy ng bayan. Sinong babae magfafall saken ng totoo? Kung mahirap ba ko at walang kotse, at di kagwapuhan, hahabulin ba nila ko?"


May point si gago. Looks and money ang first thing na napapansin kay Ross. Of course, next yung talino niya. Matalino si Ross, tamad lang madalas. Kung panget siya at mahirap, I doubt kung may maloka na babae sa kanya.

"Pero mabait ka naman, malay mo na nakikita nila yung side mo na sweet, magalang, masarap na kaibigan. Yung mga ganern," sagot ko pagpasok sa kotse niya.

"Ewan ko Belle Belle. Mahirap ng humanap ng totoong karelasyon ngayon. Minsan akala mo totoo na, ginagago ka lang pala."



My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now