Chapter 27 - The Cave

18.9K 444 49
                                    

Pagbaba ng boat, muntik na kong madulas. Imbes na sand, parang moss ang tinatapakan namin. Di naman masakit sa paa, nakakakiliti pa nga. Naglakad kami papunta sa matataas na bato na may small opening.


"Eto yung sinasabi kong cave. Medyo maliit ang daanan. Magkakasya ka lang kung yuyuko ka. Yung ulo mo, ingatan mo. Humawak ka sakin baka madulas ka, tanga ka pa naman," sabi ni Ross na unang pumasok sa cave.

"Ay kabayong bakla," napasigaw agad ako dahil sa aking pagkadulas. Buti na lang, hanggang tuhod yung tubig ng cave at di masakit sa pwet nung napaupo ako.

"Kasasabi ko lang eh, ok ka lang?" sabay hila ni Ross sa kamay ko para tumayo.

"Kaya pa ng powers, derecho lang."


Hinawakan ni Ross ang kamay ko habang naglalakad. Wala siguro to tiwala na hindi ako madudulas ulit. Alam naman niya na lampa lampa ako minsan.

Mga ilan minuto din kami naglakad ng nakayuko. Maliwanag sa loob ng cave kasi pumapasok ang liwanag kaya hindi nakakatakot. Nung marating namin yung dulo ng cave, unti unting lumalim ang tubig hanggang bewang ko na.


"Tingin ka sa taas," sabi ni Ross.


Yung dulo ng cave, butas ang itaas at kitang kita ko yung blue skies. May puno sa mataas kaya hindi masyadong mainit.


"Ay, ang ganda dito, Ross! Parang sa fairytale lang. Picture picture nga tayo."

"Naiwan ko yung camera sa bag."

"Psssssshh! Bakit mo iniwan? Sayang naman. Kunin ko na lang. Wait mo ko dito, Ross."

"Wag na, dito ka na lang," hinawakan ako ni Ross sa braso para di umalis.

"Wala man lang tayong remembrance. Baka di na ko makabalik pa dito. Picture perfect pa naman tong place na to."

"Remembrance ba gusto mo?"

"Oo, wait mo ko. Kunin ko yung camera, promise, mag-iingat ako sa paglaba---"


Di ko na natapos sasabihin ko ng biglang hinablot ni Ross ang bewang ko palapit sa kanya. Sobrang close namin, parang katulad nung nagsayaw kami sa grandball.

Ilan segundo nagtagpo yung mata namin at tanging yung tunog ng malakas na alon at kabog ng dibdib ko ang nararamdaman ko. Babasagin ko na sana agad ang katahimikan kasi alam ko bibiruin na naman ako ni Ross pero bigla niyang hinalikan yung labi ko.


Fuck, totoo ba to? 


Nananaginip ba ako na hinahalikan ako ni Ross sa isang malayong mala-paraisong isla? 

Nasa langit na ba ko?


Hinihintay ko na lang may magsabi ng "cut" or magising ako sa pagkakatulog, pero habang tumatagal ay lumalalim yung halik niya at wala ko nagawa kundi malunod sa kung ano mang klaseng pakiramdam to. Pero without warning, bigla niyang binitawan yung labi ko.


"Oh ayan, may remembrance ka na. Ewan ko lang kung kailangan mo pa ng camera para macapture mo ang moment na to."


Bago pa ko nakasagot, biglang lumakas ang hangin at naramdaman ko na lang na yung tubig sa cave hanggang dibdib ko na. Napahawak ako bigla sa balikat ni Ross dahil biglang tumaas ang tubig.


"Awww, bakit ang taas agad ng tubig?"

"Ganyan talaga dito. Madalas kasi nakalubog tong part na to. Tara na, baka maabutan pa tayo ng high tide. Unless, gusto mo pang ituloy yung remembrance natin?" sabay ngiti ng nakakaloko.


Di ko alam pero feeling ko naging kamukha ko si Hellboy sa pamumula ko. 


Bakit ba ganito tong taong to? Kaibigan niya ko pero hinahalikan niya ko kung kailan niya gusto?


Si Drew ang first kiss ko, pero never ko naramdaman ang gantong emotion, passion, fervor, craze, mania kay Drew. Kahit madaming synonyms na ginamit ko, di ko pa rin madescribe yung feeling ng first kiss namin.


Aba siyempre, nagustuhan ko naman. Pero parang ginagago naman niya ko eh...

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now