Chapter 10 - Espasol

21.8K 545 17
                                    

Third year na ko, ang bilis no?

Isang taon na lang, gragraduate na ko. Pero bakit ganun? Parang hindi masaya? Parang ayoko pa grumaduate?


Mag-isa ko uuwi ngayon dahil may lakad si Jasmine with her boyfriend. Si Hailey naman kasama ang groupmates sa project. Si Ross naman, hayun, di ko na naman mahagilap. Kasama ang bago niyang girlfriend. Di ko kilala kung sino pero taga Accounting department daw.


Kaya ngayon, wala akong choice kundi umuwi mag-isa. Ayoko pa naman naglalakad ng walang kausap palabas ng university. Madalas kasi si Jasmine at Hailey kasama ko umuwi. Minsan naman, sinasabay ako ni Ross sa kotse niya. Kapag andito si Kuya Kyle, iniinsist niya na sunduin ako para masulayapan daw siya ng mga college students. Ang hangin din eh, parang si Ross lang.


"Excuse me, di ba ikaw si Belle? Yung kaibigan ni Ross?" tanong ng isang lalaking bigla na lang sumulpot out of nowhere.

"Ha? Sino ka?"

"Ako nga pala si Calvin. Kasama ko si Ross sa basketball team. Nameet na kita once, pinakilala ka ni Ross samin. Di mo lang siguro ko matandaan."

"Sorry, hindi matalas memorya ko,"


Sino nga ba to? Mukhang familiar, pero amnesia ata ako at di ko makilala.


"Pauwi ka na? Hatid na kita sa inyo," sabi ni Calvin with this friendly smile.


Wow, kakikilala lang namin, hatid daw niya ko?


"Salamat Calvin, pero may pupuntahan pa ko."


Joke lang yun siyempre. Ayoko lang ng may feeling close na stranger na mag-ooffer na ihatid ako sa bahay. Malay ko ba kung killer to or sindikato.

"Palabas ka na ba? Sabay na tayo, pauwi na din ako. Isasakay na lang kita ng jeep, medyo madilim na din."

Ngumiti lang ako ng maayos pero nakakainis na sa kakulitan to. Di ko naman siya kilala, bakit sasabay pa saken? Anong trip nito?


Baka kidnapin niya ko at dalin sa madilim na lugar? 

Paano kung pagsamantalahan niya ko? 

Paano kung patayin niya ko at di na mahanap yung bangkay ko?


"Belle, ok ka lang?" tanong ni Calvin nang makalabas kami sa university.

"Ha? Ah, oo naman."


Natulala na kasi ko dahil napaka-negative ko mag-isip. Sasabay lang palabas ng university, papatayin agad ang naisip ko? Grabe ang train of thoughts ko, sobrang gruesome.


Habang naglakad kami ni Calvin papunta sa sakayan ng jeep, nagsimula siyang magkwento about sa basketball team nila. Sobrang puri niya kay Ross dahil mabait na kaibigan at magaling na team player.


"Minsan nga, nakapos ako kasi buntis yung misis ko, nagkaroon ng mild bleeding. Dami check-up na kailangan sa OB. Si Ross unang tumulong sakin. Siya na sumagot ng gastos. Malaki talaga utang na loob ko sa bestfriend mo."

"Mabait naman si Ross. Babaero lang," sabay ngiti kay Calvin.


Ang bata pa niya para maging ama. May asawa naman pala, napaka-dumi ko mag-isip.

"Binata pa kasi kaya ganun. Saka siya naman ang madalas lapitan ng chicks, di ko siya masisi," pagtatanggol ni Calvin kay Ross. 


Ano siya member ng Ross Fan Club?


Bago pa ko makasagot, may humarang samin na tatlong babae. Yung isa nakapamewang na parang leader ng group. Yung dalawa, mukhang supporting roles lang.


"Hoy, Annabelle, kilala mo ba ko?" tanong nung leader na babae na heavy ang make-up, pero sure ako Jever Jilena ang gamit niya at hindi Jevlon.


Saan ang lakad ate? Bakit ang kapal ng makeup at colorful ang eyeshadow? May party na pupuntahan?


"Hoy ka din. At sino ka para makilala ko? Di ka naman mukhang artista. Pero familiar ka, model ka ba?" tanong ko naman sa kanya.

"Hindi ako model, bakit mo naitanong?" taas noong tanong ng babae saken.


Ay gullible ang babaeng espasol na to. Tinanong nga ako.


"Kasi mukha kang model ng funeraria. Ganda kasi ng make-up mo!"

"Makasagot ka, mang-aagaw ka na nga, maldita ka pa!" aaktong susugurin niya ko pero biglang humarang si Calvin na parang referee.

"Teka, wait lang ate ha? Hindi po kita kilala. Sino ka ba?"

"Siya ung ex-girlfriend ni Ross. Si Jennifer na taga kabilang university," explain ni Calvin.

"Ikaw ba yung pinalit sakin ni Ross? OMG, di ka naman maganda. Hindi sossy, walang class. Ano nakita niya sayo? At ngayon, nilalandi mo pa yung kateam ni Ross. Di ka na nakontento sa isa. Malandi kang hitad ka!"

"Miss bakulaw, este Miss ex-girlfriend. Si Ross po ay hindi ko boyfriend. Wala ako pakialam sa mga nakarelasyon niya. At kung tingin mo na ikaw ang definition ng class at sossy, aba mas gusto ko ng maging cheap. Kaya pede, ilayo mo yang pagmumukha mo sa harap ko? Baka di ko mapigilan kamao ko, mabangas ko yang mukha mo. Kahit si Belo, hindi marerepair yan. Doctor yun, di gumagawa ng himala. "

"Jennifer, bestfriend siya ni Ross, wala silang relasyon. May iba ng girlfriend si Ross, kaya tigilan mo na si Belle. Saka payo ko lang, umalis na kayo. Nagboboxing yan si Belle. Baka mabigla siya, masapok kayong tatlo," dagdag ni Calvin.

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon