Chapter 21 - Weird

18.7K 433 9
                                    

"Tuloy mo lang Ross, halikan mo lang ako, di naman ako tatanggi," sabi ng malandi kong konsensiya.


"Alam mo na may girlfriend si Ross, tapos gusto mo halikan ka? Mag-isip ka nga! Duh!" tutol ng virgin kong konsensiya.


"Ross, Kiss me... Out of the bearded barley."


"No, stop right now! Ikaw lang ang masasaktan sa huli Belle, tapusin mo na yan habang maagap pa!"


"Ano ba problema mo? Masakit pa ba tiyan mo? Meron ka ba ngayon?" tanong ni Ross sa akin after magkaroon ng internal deliberation ang mga konsensiya ko. 


Plural talaga?


"Problema ko, Ross? Problema ko ikaw!" dinuro ko yung chest niya para mafeel niya yung acting ko. 


Uy, ang tigas, parang gusto ko itouch!


"Ako problema mo? Napaka gwapo naman ng problema mo."

"Ang dami mong alam," sinubukan ko buksan ang pinto ng kotse pero pinigilan pa rin niya ako.

"Yung totoo, Belle Belle? Bakit ka ba nagkaka ganyan? You are acting sooo fucking weird."

"Soooo fucking weird? Ang gulo mo kasi Ross. Ang laki laki mo na, ang gulo mo pa din."

"What? Ano ba ginawa ko?" sabay kamot ni Ross sa ulo.

"Ewan ko sayo!"

"Hay naku, mga babae nga naman!"

"So ang mga babae na ngayon ang may atraso sayo?"


Tinignan niya lang ako ng matalim na tingin, mas matalim pa sa Batangas blade. This time, di na siya natutuwa, mukhang galit na siya.


OA na ba yung pag iinarte ko? Unreasonable na ba ko? 


Eh ano magagawa ko, hanggang ngayon di ko makalimutan yung hot scene nila ni Heidi. Nautot pa ko sa harap nila. Anak ng tokwa tong araw na to.


"Bakit ba kasi nagkakaganyan ka? Belle Belle, magkaibigan tayo. Bakit di mo ko kausapin? Ano ba talaga ang problema?"

"Wala, uwi na tayo, Ross. Pagod lang siguro ko."

"Anong wala? Akala ko ba ako problema mo? Tapos wala? Sabi mo ang gulo ko, sino ngayon magulo satin?"

"Ang kulit mo, Ross. Umuwi na nga tayo. Masakit na yung paa ko sa sapatos at baka sumakit pa tiyan ko. Wala naman akong baon na Pampers."

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum