Chapter 28 - Castaway

19.9K 426 12
                                    

Hinila na ni Ross ang kamay ko palabas ng cave. Kinikilig pa din ako at hindi ako kumikibo habang nasa speed boat kami. Ayoko masira yung Kodak captured-moment namin.


Yan na naman ako, assuming na naman ba ko?

But he kissed me? Ano yun wala lang?


Next stop namin ay sa isa na naman isla. Pero this time, malaki at madaming puno parang sa Lost TV series pero napapalibutan din ng limestone walls.


"Dalin mo yung backpack mo, medyo malayo lalakarin natin," sabi ni Ross habang tinatali yung rubber boat sa wooden port.

"May tao ba na nakatira dito? Wala ba si Godzilla dito?" tanong ko agad kay Ross. Para kasi kaming naligaw sa isang mysterious and unexplored island.

"Shunga, si King Kong yung nasa isla hindi si Godzilla. Walang nakatira dito pero may nagmamaintain ng lugar. Hindi to open sa public, pero pwede magrequest ng tour."

"Ikaw na ang very influential person na may access sa ganitong hidden paradise," sabay sakbit ng backpack sa likod ko.

"Nagdududa ka pa ba sa kakayahan ko after all this time?" tanong ni Ross habang naglalakad palayo sa beach.

"Oo na, Ross, magaling ka na. Mahal na kita dahil dyan, ok na?"


Tumawa lang siya ulit. Akala na naman niya nagbibiro ako.


For almost ten minutes, akyat baba din kami sa mga slopes, hawi ng halaman, parang hiking sa isang masukal na lugar. Pero worth it naman ang pagod ng marating namin ang gitna ng isla. May isang small crystal clear lake at sa sobrang linaw, kitang kita ko na agad ang ilalim ng lawa.


"What do you think?" tanong ni Ross habang nakatulala ako sa ganda ng lugar.

"What do I think? OMG OMG OMG, sobrang ganda dito! Parang sa movie lang may gantong lugar ah."

"Do you like it?"

"No, I don't like it. I looooove it! Bakit ngayon mo lang ako dinala dito?" sabay baba ng bag sa ilalim ng puno. Sinasaw ko ang paa ko sa lake at hindi malamig ang tubig.

"Gusto ko kasi na graduation gift ko sayo to kasi alam ko na mahilig ka sa nature trip. Tara na, warm ang water ng lake, masarap maligo."


Marami na ko napuntahan na beaches at ilan beses na din ako nakapag-island hopping pero hindi ko expect na eto ang pinaka-maganda sa lahat ng napuntahan ko. Siyempre kasi kami lang ni Ross ang tao dito kaya the best to sa lahat ng lugar.


Kulang na lang ata malibot ko buong lake dahil wala kong tigil sa kakalangoy. Langoy dito, sisid dito. Refreshing talaga. Pero biglang akong napatigil nung di ko na makita si Ross. Biglang nawala na lang siya parang bula. Parang kanina lang kausap ko pa siya.


"Ross? Yoohoo! Ross, asan ka?"


Walang sumasagot at umeecho ang boses ko sa buong lugar. Naririnig ko lang ang sound ng ibon sa di kalayuan.


"Sumagot ka naman, Ross. Natatakot na ko, wag kang ganyan."


My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now