Chapter 16 - Digestive system

18.9K 430 49
                                    

Busog na busog ako sa pagkain. And dami ko kinain na cordon bleu at morcon. Wala ako pakialam kung medyo lumaki tiyan ko, basta ako, busog, tapos. Sayang naman ang binayad ni Ross kung hindi ko imamaximize.


*Krrrrrooooooog Krrrrrooooooog*


Kaso biglang kumulo na naman ang tiyan ko. Nakalimutan ko, nagdidiarrhea nga pala ko kanina sa bahay. 


Bakit nga ba ko kumain pa ko ng madami? Breathe in, breathe out. Mawawala din to!


Lumabas muna ko ng hall at naglakad lakad sa corridor. 


Don't fail me, my digestive system. Breathe in, breathe out, para di kumulo ang tiyan.


Sa paglalakad ko, nakarating ako sa isang garden sa gitna ng hotel with glass ceiling and chandeliers. Parang reception sa kasal, gandara ng hitsura. Kaso walang tao, dim light lang ang ilaw.

Since tsismosa ako, nilibot ko yung reception hall hanggang makarating ako sa isang medyo madilim na bahagi. 


Aba surprise motherfucker, andun si Ross!


Naka all black suit at naka brush up ang buhok. Napatulala ako dahil mukha siyang prinsipe. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. 


Eto na ba ang sinasabi nilang love at first sight?


*Lub Dub Lub Dub* Tibok Tibok *Lub Dub Lub Dub*


Charot lang siyempre. Tagal ko na kaya nakikita si Ross pero ngayon ko lang siya nakita na nakasuit. Sobrang bagay sa kanya. Sana pag ikakasal kami, ganyan din suot niya. 


Hay naku, ambisyosa ko no?


Kaso, napagtanto ko after ilan seconds na hindi siya nag-iisa. Andun si Heidi na nakapulupot ang mga braso sa leeg ni Ross.


Pakshet! Parang magkikiss silang dalawa sa dilim! Bakit kailangan ko makita tong dalawang ito na nagmamake-out?


*Tsup Tsup Tsup*


Pero bakit hindi ako makahinga? Bakit parang ang bigat ng dibdib ko at may nakadangan na elephant? Bakit parang may kumukurot na lamok sa puso ko nang makita ko na naglalapat na ang mga labi nila? Bakit parang nanlalabo ang aking mga mata?


Fuck, naiiyak ba ko? Pota, bakit naman ako naiiyak? Bakit gusto ko tumakbo papunta kay Heidi at sabunutan siya?

Bakit gusto ko kaladkarin siya sa sahig at itapon from roof deck to ground floor? 


Grabe naman, napaka violent ko naman mag-isip!


Aalis na sana ko, pero parang ang bigat ng paa ko, di ko maihakbang. Ilang segundo ko rin nasaksihan ang mainit nilang kissing scene na kulang na lang ang kama para masabi na porn na. Ayoko na dito, invasion of privacy to kumbaga. Hindi ko po gawain ang mamboso.

Dahan dahan kung hinakbang paatras ang paa ko para makalayo sa kanila, pero biglang umikot ang tiyan ko.


*Bbrrroooooot Brooooot Brooooot*


Isang madagundong na utot ang pinakawalan ko at gulat na gulat si Ross na napatingin saken.


"Belle Belle?"

"Sooorry, Ross... "


*Bururooot Purrooooot Purroooot*


"Di ko alam na andito kayo..."


*Bururooot Purrooooot Purroooot*


Di ko pa tapos ang sasabihin ko ng biglang napautot na naman ako, yung parang may kasamang pupu ang sound. Hindi ko na hinintay na magsalita si Ross at tumakbo na ko ng matulin palayo sa kanila...

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now