Chapter 6 - Taylor Swift

24.8K 544 62
                                    

Since broken-hearted ako, eto na ang chance na ma-focus saken ang kwento. Puro na lang kay Ross na wala namang alam kundi mambabae.

Nasa ibang bansa nga pala ang parents ko. Si Kuya Kyle lang ang kasama ko sa bahay at saka ang aming mga kasambahay na para ng family members na namin kung ituring.

Una, si Nanay Felicia. Sabi ni mommy, andun na sa kanila si Nanay Felicia bago pa ko pinanganak. Di naman siya ganun katanda, mga nasa forties lang ata.

Si Manang Susan, ang aming official na taga luto at ang asawa niyang si Tatay Rudy, ang aming driver at hardinero. Wala din silang anak at dahil inalagaan nila si mommy noon, kinupkop na namin sila sa bahay.


Ang yaman namin no? 

Kahit sabihin ko na ako ang nawawalang anak ni Henry Sy, wala kayong pakialam! Bwahaha!


Di naman kami mahirap kasi maayos naman ang business ng parents ko overseas. Food and hotel business ang hawak ni mommy. Samantalang si daddy ay illegal gambling, prostitution at drugs.


Charot lang uli! Food business and hotel chains ang business ng parents ko.


Nag-stay muna sa bahay si Ross dahil wala ko kasama. Kinain din namin ang take out pizza, pasta at chicken. Pero since masakit ang mga pangyayari, parang wala akong panlasa at gana kumain.


"Ano oras daw dadating si Kyle?" tanong ni Ross habang pindot ng pindot sa remote. Di malaman kung anong channel panonoorin sa cable.

"Baka past ten pa daw siya," sagot ko habang humihikbi.


Architect at Interior designer si kuya. Dami companies ang naghahabol sa kanya kasi matalino. May project sila madalas sa Tagaytay. It is either late na ang uwi or bukas pa.

 Wala pang isang oras, tawag na ng tawag si Drew sa phone ko. Paulit-ulit ko tuloy naririnig ang theme song namin na ringtone ko din.  


*Rrring a-ring o' rosie. A pocketful of posies. A-tishoo! A-tishoo! We all fall down!*


"Subukan mong sagutin ang cellphone mo, babasagin ko talaga yan. Baka isunod ko pa yung mukha mo. Puro ka iyak, may balak ka ba mag-artista?" galit na sabi ni Ross.

"Baka naman gusto magpaliwanag ni Drew or mag-sorry."

"Braincells Belle Belle. Andyan yan para gamitin. Yan ka na naman eh, magpapakatanga ka naman dyan sa shonget na yan. Bobolahin ka, papauto ka na naman."

"Baka gusto ng second chance?"

"Second chance, my ass! Bibigyan mo ng second chance, then ano? Lolokohin ka uli, di ka na nadala. Next time ibibili kita ng utak, gamitin mo ah? Sayang ang skull mo, wala naman palang utak sa loob."

"Pero mahal ko pa rin si Drew! Mahal na mahal ko siya!"

"Tigilan mo ko sa kagagahan mo. Gumawa ka na lang ng kanta about kay Drew, then move-on. Gayahin mo si Taylor Swift!"


Kung mag-sosorry si Drew at hihingi ng tawad, baka nga patawarin ko uli siya at bigyan ng chance. Siguro dahil mahal na mahal ko siya at ayoko mawala siya sakin. Siguro dahil kahit gaano kadami ang kasalanan niya, kaya ko pa rin siya tanggapin.


I don't know how to live my life without him. Di ko kaya na mawala siya!


Ano na gagawin ko sa buhay ko? Talon kaya ako sa bridge? 

Wag, OA naman ata yun...


Sleeping pills na lang kaya? 

Wag, baka di ako magising...


Pero ganun ba talaga ko katanga? 

Alam ko na nga na niloloko ko pero tatanggapin ko pa din...

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now