Chapter 5 - MTV

26.8K 608 46
                                    

Awkward silence sa loob ng kotse hanggang marating namin ang Delicious Pizza Restaurant. Hindi ko expect na ganto ang view ni Ross sa mga babae.


Nagkaroon din kaya siya ng heartbreak at bad experience noon kaya siya naging playboy?


Nawala lahat ng mga tanong sa isip ko nang pumasok kami sa Delicious Pizza Restaurant . Amoy pa lang, ulam na. Di naman pala sobrang mahal, pero classy. Pinili namin yung isang table na malapit sa bintana. Lumaki ang mga mata ko ng dumating ang orders ni Ross.


"Alam ko naman na matakaw ka, kaya di kita tinitipid. Favorite mo lasagna, saka chicken."

"Teka, bakit nakabalot na? Take-out natin? Gusto ko dito kainin. Gusto ko nga ma-experience tong lugar na to!"

"Umuwi na tayo. Nagdidilim oh? Di ba dumadami ka pag nabasa ka ng ulan?"

"Corny mo naman, Ross."

"Wag na matigas mukha. Tara na, hatid na kita."


Wala naman ako nagawa kundi sumunod uli kay Ross. Alam ko naman na ayaw na ayaw niya magdrive pag umuulan kasi traffic. Pero bago ko lumabas ng pinto, bigla ko natanaw si Drew sa isang malayong table. 


Sakto, andito din pala siya!


Lalapit sana ako para surprise siya pero ako ang na-surprise. May kasama siyang babae na naka-uniform din, classmate niya siguro. Pero nagfreeze ako ng bigla silang nagkiss sa lips.


What the fuck? Bakit sila nagkikiss sa lips? Uso na ba ngayon to sa public na lugar?


Para kong Cornetto na unti unting natutunaw sa kinatatayuan ko. At anak ng putakte, hindi man lang namalayan ang presence ko kaya tuloy PDA si Drew at ang kasama niyang hitad.


Wala na kong nagawa, Ate Charo. Tumulo na ang luha ko sa nasaksihan ko. 


Parang movie scene, parang pang drama rama sa hapon. May ganto pala sa real life, kala ko it is just a fantasy.

Di ko na alam ang nangyari dahil biglang dumating si Ross at hinawakan sa kwelyo si Drew patayo sa upuan. Pinagmumura niya to at binalaan na wag na magpapakita saken.


Wow, action star material pala si Ross. Bakit nga ba hindi ako na-inlove sa kanya?


Nagulat naman si Drew nung makita niya ko na andun. Di rin siguro nya expect na makikita ko sila, caught in the act kumbaga. Medyo shocked pa din ako sa nangyari kaya hinila na lang ako ni Ross palabas ng Delicious Pizza restaurant.

Pag dating sa loob ng kotse ni Ross, umiyak na ko ng bonggang bongga. Wala na ko pakialam kung tulo sipon ko, nahurt kaya ako.


Ang sakit sakit Ate Charo. Di ko alam na ganto kasakit ang first love. Di ako makahinga, sakit sa dibdib, parang end of the world ko na.


"Sabi ko sayo, wag na tayo pumunta dun eh, ang kulit mo," bulong ni Ross habang nasa kalagitnaan kami ng traffic.


Bumuhos ang ulan kasabay ng buhos ng luha ko. Gusto ko mag MTV sa gitna ng kalsada na may background song na Basang Basa sa Ulan by Aegis. Kaso magmumukha lang naman akong tanga, baka maging viral video, nakakahiya.


"Ross, may alam ka ba?" kinuha ko yung isang chicken sa box at sinimulan ko kainin. Infairness, crunchy at tasty ang chicken.

"Sorry, Belle Belle. Binalaan na kita noon na kupal yung boyfriend mo. Saka, paki punas nga yung sipon mo, nabobother ako."

"Malay ko ba na may babae siyang iba! Malay ko ba kung insecure ka lang kay Drew! Di mo kasi sinabi sakin agad, kasalanan mo to!" hinampas hampas ko yung braso ni Ross hanggang mapagod ako.

"I saw him weeks ago with the same girl. Diyan din sa lugar na yan. That's why I don't want to bring you there."

"Nakakainis naman kasi, bakit di mo sinabi sakin? Akala ko ba best friends tayo," sabay singhot ng nahulog na sipon.

"Maniniwala ka ba? Makikipagbreak ka ba? Eh baliw na baliw ka dyan sa panget at mataba mong ex-boyfriend. Belle Belle naman, alam ko na wala kang taste sa lalake pero di ko magets bakit sobra pagkahumaling mo dyan kay Drew. Dahil ba maganda boses niya? Sus! Maganda din naman boses ko!"

"Eh mahal na mahal ko, anong magagawa ko!"

"Taena naman, mahal mo yung mukhang yun? Eh kahit yata paa ko, mas makinis pa sa kanya. Yung ex-boyfriend mo, feeling napaka gwapo. May girlfriend na, di pa marunong makuntento sa isa."

"Wow Ross, coming from you! Ikaw nga di makuntento sa isang girlfriend!"

"Marami ko naging girlfriends pero never na sabay sabay. One at a time lang ako. Yes, short time nga lang. Pero di ko sila niloloko. Pag ayoko na, sinasabi ko na. Hindi katulad ni kupaloids, ang kapal ng mukha na pagsabayin kayo."


Di na ko nakakibo at umiyak na lang ako ng umiyak hanggang maubos luha ko. Kinuha ko yung cutter sa bag ko at naglaslas ng pulso.


Charot lang yun. Madugo yun masyado.

Pota kasi, bakit ba ko na-inlove kay Drew? 

Sa totoo lang, napaka-pangit nga nya. Bakit ang gwapo ng tingin ko sa kanya noon?


Binili ko pa siya ng expensive rubber shoes at t-shirts, tapos may babae naman pala? The nerve ng baboy na yun! Yung pinalit niya saken mukhang isdang bisugo na pinaglihi sa hito.

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now