Chapter 29 - Hotdog

18.1K 441 13
                                    

(POV Ross)

Hindi na kumibo si Belle Belle pero kitang kita ko sa mata niya ang disappointment. I can't blame her. Kahit ako naguguluhan ako sa sarili ko. Di ko alam kung anong demonyo ang sumapi sakin at hinalikan ko siya sa cave kanina.


Why did I kiss her? Why did I enjoy it? Why does it feel so great to have her in my arms?


Parang complete na ang buhay ko kapag kasama ko siya. Para kaming Tom and Jerry, Sam and Dean Winchester, Bonnie and Clyde, Jack and Jill went up the hill. Pag nawala ang isa, hindi na kumpleto.

At di pa ko nakontento, I kissed her again sa lake. Kung di ko pa nakontrol ang emotions ko, baka kung saan pa nauwi ang halik na yun.

I took her hand at umahon kami sa tubig. It is still early, but the sun is hurting my skin kahit madami na ko nilagay na sunscreen. Niyaya ko siya sa shade ng isang puno para kumain.


"Walang masyado laman ang fridge kanina. Pagpasensyahan mo na lang yang hotdog sandwich na ginawa ko."

"Salamat, nag-abala ka pa. Ok na to, gutom na din ako," sabay kagat sa hotdog ko. 


I mean sa hotdog sandwhich as if walang bukas. PG ba to?


"Masarap ba hotdog ko?"

"Ang bastos mo, Ross. Kumakain ako!"

"Anong bastos? Ikaw ang bastos at yung green mong utak?"

"Ako pa bastos? Tignan mo nga yung ngiti sa mukha mo habang tinatanong mo ko sa hotdog mo!"


Kinuha uli ni Belle yung panagalawang hotdog sandwich. Napaka siba kumain, wala man lang finesse.


"Sagutin mo, masarap ba hotdog ko?" tanong ko uli nung nasa second hotdog na siya.

"Oo, masarap yung edible hotdog sandwich mo. Masaya ka na?"

"Sige next time, papakainin pa kita ng hotdog ko."

"Bastos mo talaga, Ross. Siguraduhin mo lang na hotdog sandwich yan kasi wala kong interes sa ibang klaseng hotdog mo."

"Owss? Sigurado ka? Tikman mo muna kasi. Ikaw din, baka hanaphanapin mo."

"Ross, yung totoo? Hotdog sandwich pa ba pinag-uusapan natin o ibang hotdog na yan?"

"Aba, wala naman akong ibang tinutukoy ah. Hotdog sandwich lang. Unless may iba kang naiisip pag pinag-uusapan ang hotdog?"


Pinaghahampas ako ni Belle Belle hanggang mapagod siya. Kala ko magiging awkward kami after our kiss. Good thing, bumalik na yung pagiging natural violent person niya.

Kaso, I can clearly see the pain in her eyes. Alam ko nasasaktan ko na siya. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. 

Kahit ako din, sobrang naguguluhan ako. All I know is that I don't want to lose her. Pero I am torn between wanting her and not losing her, and it is driving me nuts. 

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now