Chapter 12 - USB flash drive

21.3K 510 17
                                    

First subject ko, kasama ko na naman si Ross. Di ko mapigilan na hindi matuwa sa gesture niya kahapon. Promise, hindi ako kinilig, konti lang. Humingi pa siya favor kay Calvin para may kasama lang ako umuwi.


"Ross, para sayo," sabay bigay ng regalo ko sa kanya.

"Ano to?" tanong niya pero ang ngiti ay abot tenga.

"May voice recognition ability yan, sabihin mo Open Sesame, bubukas yan."

"Ano nga to?" kinalogkalog ni Ross yung box.

"Binubuksan yan para malaman kung ano nasa loob. Pede din naman titigan mo na lang, malay mo bumukas mag-isa."


Binuksan ni Ross yung regalo ko at tuwang tuwa nung makita ang isang cute Snoopy USB flash drive.


"Wow, Belle Belle. Thank you. Gusto ko to!" sabay halik sa USB stick na parang baby. Mababaw lang talaga tong tao na to. Hindi maitago ang excitement sa mukha, parang bata.


"Alam ko na inask mo si Calvin para ihatid ako kagabi. Salamat at may puso ka pala. Concern ka din pala na baka abangan ako ng mga ex-girlfriends mo dahil sa mga kalokohan mo."

"Gusto ko to, ang cute! Nag-abala ka pa, Belle Belle. Isang kiss lang naman, ok na saken."

"Leche ka, tigilan mo ko, ang aga aga."

"Sorry din, nadamay ka pa. Weird talaga yung Jennifer na yun. Saka ang dami din pala naging boyfriend nun. May history pala ng pagiging possessive yun."

"Bakit naman kasi parang trial and error ka sa relasyon? Mas madami pa sa daliri ko sa kamay ang mga naging girlfriend mo."

"Ang hirap kasi pag gwapo, mga chicks kusang lumalapit. Di ko matanggihan, alam mo naman na napakabait ko?"

"Hay nako. Madami ka na napapaiyak na babae, aware ka ba dun?

"Belle Belle, aware ka din ba na yung isa kong ex-girlfriend bobo. Yung isa, sexy pero grabe pagka-possessive, kulang na lang ikadena ko sa tabi niya. Yung isa parang baliw na may saltik, kung ano ano pinagsasasabi. Yung isa malandi, lahat ata ng lalake nilalandi niya. Yung isa, pera lang habol saken. Masakit din magkaroon ng girlfriends at marealize na hindi pala kami click sa isa't isa."

"Ows? Ikaw nasasaktan? Saang part? Sa pores?"

"Grabe ka na ah? Masama ba talaga kong tao sa paningin mo?"

"Di naman, slight lang."

"Ikaw? Bakit di mo sinasagot yung mga manliligaw mo? Dahil ba love mo ko o dahil choosy ka lang talaga? Ganda mo girl eh."

"Hindi ako choosy, pero wala kasing spark dun sa mga nanliligaw saken. Gusto ko yung love na nasasabik ako makita siya palagi, yung excited ako pag kasama ko siya, yung may takot at kaba na di mo ma-explain, pero masaya pa rin."

"Yung parang ako? Madali ako kausap Belle Belle, kung type mo ko, sabihan mo lang ako. Ikaw ang magiging pinaka masayang babae sa balat ng lupa."

"Sabihin mo, baka ako ang maging sunod mong biktima, heartbreaker!"


"Pero Belle Belle, mahirap magmahal ng todo. Baka masaktan lang ako ulit. Ok na siguro yung ganto. At least hindi masyado painful ang bawat break-up. Ayokong matulad sayo na ilang linggo na ang nakalipas, ngawa ka pa din nga ngawa dahil sa break-up niyo ni Drew. Ang sagwa kaya ng hitsura mo noon."


Di ko na masyado narinig ang mga sinabi ni Ross. Nafocus lang ako sa sinabi nya na "Baka masaktan lang ako ulit."


Isipin ko pa lang na nasaktan na si Ross noon, parang naiiyak na ko. Kahit heartbreaker si Ross, hinding hindi ko kayang saktan siya. Kung mamahalin lang niya ko, never ko siyang sasaktan...

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now