Chapter 24 - Century

18.6K 448 9
                                    

Di na ko umalis sa kwarto ni Ross sa takot ko mag-isa. Baka mamaya mamatay pa ko sa takot pag nag paramdam sakin ang lolo niya.


"Oh, masaya ka na. Dito na ko matutulog sa kwarto mo. Wag mo ko gagahasain. Uulitin ko, di kita type, Ross."

"Alam ko naman mga type mo, maitim at panget," sabi ni Ross sabay hubad ng suit niya.


Napalunok na lang ako ng unti unti niyang tinatanggal ang buttons ng long sleeves niya. Natulala tuloy ako nung makita ko yung bare chest niya at ang toned na abs.


Grabe, ang sexy pala talaga ni Ross. Bakit walang nag inform sakin?


Iniwas ko agad tingin ko baka mamaya tumulo pa laway ko. 


Kailangan sa harap ko maghubad?


"Bakit di ka makatingin? Kala ko ba hindi mo ko type?" tanong ni Ross habang nakatalikod ako sa kanya.

"Di talaga kita type. Ayoko lang makakita ng hubad na lalaki lalo na kung ikaw. Wala ko kahit microscopic na pagnanasa sayo."

"Alam mo ba kung ilang babae ang nagkakandarapa saken? Isang rare chance ang makita ang matipuno kong katawan."

"Salamat sa offer pero I will pass. Di ako interesado sa katawan mo, Ross."


Nagsimula akong maghanap ng damit na pantulog sa bag para di ko masyado mapansin ang mala Greek god na lalake sa loob ng kwarto. Kumpleto damit ko at underwear. Malamang si Nanay Felicia ang nagprepare nitong bag ko.


Bakit biglang uminit? Ganito ba ka-hot si Ross at pati ako pinagpapawisan?


"Ok na, tapos na ko magbihis. Pwede ka na tumingin. Ano pala gusto mo kainin sa breakfast?"

"Kahit milk at bread lang ok na sakin--- Aaaayyyyy! Ano ba yan Ross! Ano ka, kakapapanganak lang?"


Pagkatingin ko sa kanya, akala ko bihis na ang loko. Yun pala, nakabriefs lang. Di ko tuloy mapigilan mapaitili sa kilig, este sa gulat.


"Di daw type pero nagblublush nung makita katawan ko. Yan ba walang pagnanasa saken?"

"Bakit ka kasi sa harap ko ikaw naghuhubad? Part time stripper ka ba? Pede naman dun sa banyo ka magbihis."

"Sino may sabi sayo na magbibihis ako? Nakabriefs lang talaga ko matulog. Well, choice mo naman yan kung tatabi ka sakin o dun ka sa kabilang haunted na kwarto. Free country tayo, may freedom ka magdecide."

"Hindi ka talaga magbibihis?"

"Oo, nga. Di naman ako magrereklamo kung yayakapin mo ko. Promise, safe ka sa arms ko," sabay higa ni Ross sa kama at nag takip ng kumot.

"Sige dito na ko matutulog, lagyan mo ng unan yung pagitan natin. This is to prove na wala talaga kong pagnanasa sa katawan mo!"


Kung andito si Sailor Moon, pinarusahan na niya ko sa ngalan ng buwan dahil sa kasinungalingan ko. Tanga lang ang di maaattract sa mala Century Tuna Superbods na katawan ni Ross.

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now