PROLOGUE

3K 97 58
                                    

TRAILER


Here's the trailer of the story! It will give you ideas about what will happen, so I hope you'll enjoy watching!













#PROLOGUE


"Zeion! Ang likut-likot mo naman eh! Matatalo tayo niyan eh!" Angal ni Xana habang nakayakap sa kaibigang si Zeion.


Naglalaro kasi sila ng paper dance at by pair ang laro. Ang tanging kalaban nila ay ang magkapares na sina Rem at Azalea.


One-fourth na lang ang natitira sa papel na kailangan nilang apakan at saktong isang paa na lang ni Zeion ang kasya doon kaya naman tumuntong siya sa paa nito at nagyakapan sila para huwag silang ma-out-balance.


"Kasi may kumakagat sa likod ko! Kamutin mo muna!" Pigil-galaw na angal ni Zeion.

"Ayoko nga!"

"Sige ka matatalo tayo!"

"Sabi nang ayoko eh!"

"Tsk! Pesteng langgaaaaam!"


At dahil hindi na natiis ni Zeion ay napagalaw ito upang kamutin ang likod nito kaya naman nawala ang balanse nilang dalawa at parehong tumalbog sa sahig yung mga puwet nila.


"Oh my butt!" Daing niya sabay hawak sa puwet niya. "Ansaket! G-G ka talaga!" At hinampas niya ito sa bunbunan.

"Ayaw mo pa kasi akong tulungan eh!" Nakanguso nitong sagot sabay bangon.

"Okay! Nanalo kami!" Tuwang-tuwang nag-highfive sina Rem at Azalea. 

"Face the consequences!" Namuo ang isang malaking ngisi sa mga labi ni Rem.

"Kuyaaaaa..." Pumadyak pa sa sahig si Xana, umaasang magbabago ang isip ni Rem.

"Final na yun! Sige na! Pasok na kayo sa cabinet! Bwahahahaha!" Pinaghihila na sila ng dalawang magkapares at dinala sila sa isang malaking closet na walang laman.


Tinulak sila ng mga ito papasok sa closet at ni-lock ng mga ito ang knob mula sa labas.


"See yah later, alligator!" Mala-bruhang bumungisngis si Azalea mula sa labas.

"Tara! Tara!"




Sabay na napabuntong-hininga sina Zeion at Xana.

Zypher and GangstersWhere stories live. Discover now