#SPECIAL CHAPTER-Pt.2: VALENTINE'S DAY

181 9 0
                                    

#SPECIAL CHAPTER-Pt.2: VALENTINE'S DAY




Vain's POV


7:34PM

Napabuga ako ng maraming hangin nang maramdaman ko na naman ang pagvibrate ng cellphone kong nakatago sa loob ng coat ko. Kanina pa kasi ito nagva-vibrate at mukhang tinatadtad na naman ako ng tawag ni Tetra.

Nakakadistract lang. Nasa kalagitnaan kasi ako ng isang sekretong misyon ngayon na ipinagawa ni Boss Icarius kanina lang. Natimbrehan kasi ng 3rd chain (Spheres) yung bagong plano ng pagsasalakay nung Masked Mafia.

Hindi pa namin sila natatapos. Yung iba lang siguro sa kanila, pero hindi pa lahat. Marami pa sila. Sigurado akong maraming-marami pa sila. Kaya kami nandito sa sinasabing isa sa mga hideout o meeting place nila ay para malaman kung sino talaga ang kumukuntrol sa Masked Mafia. Lahat ng reapers at stabilizers ay nandito ngayon kasama ko, pero naghiwa-hiwalay kami para mas mapadali ang misyon.


["Kailangan na nating magmadali bago pa tayo mahalata ng iba."] Tinig ng stabilizer na si Fall mula sa audio device.

["We've cleared the roof. On watch now."] Balita naman ni Amber.

["Eros has assassinated every masked gangster on the second floor with us."] Ani Maika.

["And we got not a single information."] Singit ni Lai na halatang naiinis na sa sitwasyon.

"Kailangan na nating gumalaw, bro." Imik ni Arrow sabay tapik sa kaliwang balikat ko. Siya ang partner ko sa misyong 'to.

"Oo nga." Tumangu-tango ako sabay dahan-dahang tayo. Ganun na din siya.


Nandito kami para kumuha ng impormasyon tungkol sa leader ng Masked Mafia, pero mukhang wala pang nakukuha ang kahit isa sa'min. Halos dalawang oras na rin ang nakakalipas matapos naming simulan ang misyong 'to, at mukhang hindi pa rin kami makakakuha ng sapat na impormasyon sa mga kalabang nandito.

Nakatago kami sa gilid ng malaking cabinet na nasa madilim na sulok ng tila assembly room ng mga kalaban. Mayroon kasing malaking bilog na mesa sa sentro nitong medyo malapad na silid at napapalibutan iyon ng higit-kumulang dalawampung silya. Isang maliit na ilaw lang ang nakakabit at nagbibigay liwanag sa dako ng lamesa, kaya ang bawat kasuluk-sulukan ng silid na ito ay madilim.

Pagpasok namin ay sa maliit na sirang bintana kami dumaan at walang tao dito ni isa. Kanina pa kami tahimik na nakaabang sa sulok na 'to.


"Sa wakas." Napakahinang bulong ni Arrow nang makita naming may paparating.


Kung gugustuhin naming maghanap ng kalaban dito ay kanina pa namin pwedeng gawin yun, pero hindi dapat. Kailangan lang naming maging napakaimbi para makakuha ng impormasyon nang hindi nahahalata ng iba pang kalaban.

Isang masked gangster ang humihikab na naglalakad palapit sa direksiyon namin. Nagtinginan kami ni Arrow bilang senyales na maghanda na.


Isang hakbang pa ng kalaban...



Dalawa...

Zypher and GangstersUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum