#SPECIAL CHAPTER: THE CALM

297 15 2
                                    

#SPECIAL CHAPTER: THE CALM


Tetra's POV

Parang may martilyong walang humpay na pumupukpok nang paulit...ulit...ulit...ulit...ulit...sa walang kalaban-laban kong puso.


Napahawak ako sa dibdib ko gamit ang nakakuyom na kanang kamao ko, umaasang maibsan nito ang sakit na nararamdaman ko.


Ganito ba talaga dapat kasakit? Ganito ba dapat kasakit kapag pinamukha sa'kin ang katotohanan? Na wala talagang magmamahal sa'kin kahit kailan?


Tikom ang bibig ko ngunit napahikbi ako habang nakatungo. Nagragasa ang mga luha mula sa mga mata ko habang nakapako ang tingin ko sa makikintab na tiles sa sahig.


Durog na nga ang puso ko, winasak pa nang tuluyan. Basag na nga, tinodo pa yung pagkakatadtad... Wala na ba talagang matitira sa'kin? Kahit sarili kong kaluluwa ay di ako kayang mahalin...


Narinig ko ang mga papalayong yabag ng mga schoolmates ko. Tila nakita na nilang tapos na ang palabas. Tapos na ang drama. Tapos na ang laban. At ako na naman ang talo.


"Bakit kasi umeepal pa eh." Parinig ng isang babaeng ewan ko na kung sino.

"Oo nga. Ang saya na kaya ng ZyXen loveteam."

"Btch daw kasi sabi ni Xen."

"Well, she's right! Hahaha!"


Wala na'kong pakialam. Wala nang mas isasakit pa itong puso ko...


Tila wala na akong iba pang maramdaman bukod sa sakit na bumabalot sa buong pagkatao ko...



"Tetra..." Isang boses ang pumukaw sa tila natutulog kong isip.


I am conyo most of the times but...in times like this, my truest words just come out...


"Tigilan mo na kasi sina Zypher..." Mahinahon ang pagkakasabi niya. Sobrang hinahon na napahinto ako sa paghikbi...

"Umalis ka na, Vain..." Buong tapang kong imik habang nakasuklob ang mga palad ko sa aking basang mukha, at nakatalikod din ako sa kanya.

"Hindi ako aalis." Pagmamatigas niya.


Ayoko siyang makausap o makaharap. Ayoko nang madagdagan pa itong sakit sa puso ko. Ayoko nang maguluhan pa lalo. At ayoko nang...magmahal ulit...

Suminghot ako sabay dali-daling punas sa namamaha kong mga luha. Agad din akong huminga nang malalim at walang anu-ano'y nagsimula na akong humakbang palayo kay Vain.

I intentionally doubled my speed so he won't keep up...

Pero nung bigla niyang hinawakan yung kanang pulsuhan ko, was when I knew he followed me again.

Hinila niya ako palapit at paharap sa kanya. Dahil wala na akong lakas para pumiglas o tumakas ay huminto na lang din ako at yumuko para itago ang kaawa-awa kong hitsura...

Zypher and GangstersWhere stories live. Discover now