#Afraid 12: MR. SUITOR

203 9 0
                                    

#Afraid 12: MR. SUITOR



Nemsey's POV

Nakayuko akong naglalakad papasok sa main gate ng Seriun habang tahimik at malalim na iniisip yung nakita ko sa Zefirelli noong nakaraang linggo. Totoo ba talaga yung pagkakaintindi ko?


Did he really...propose to...Celine?


Pero bakit? Bakit niya gagawin yun gayong alam naman namin na anytime, maaaring...


Napabuntong-hininga ako at napahinto saglit, sabay marahang iling ng ulo ko para iwasik ang hindi magagandang bagay na naiisip ko.


Nasobrahan yata ako sa memory plus.


Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa nakalampas na'ko sa malapad na gate ng Seriun. Nakatingin na ako ngayon sa daan at agad na nakuha ng isang lalaki ang atensiyon ko. Nakatayo siya sa harap ng kumpul-kumpol na mga kalaman habang tahimik na nakapamulsa at...nakatingin sa'kin.


Shet. Nakakahiya, niyakap ko pa naman siya dun sa Zefirelli!

Oo. Tama. Si Eros nga ang sinasabi ko.


Agad kong iniwas yung tingin ko at ibinaling ito sa harap ko na tila ba parang hindi ko siya nakilala. Palihim akong humugot ng sandamamak na hangin habang umaakmang lampasan siya. Mga tatlong metro lang yata ang layo niya sa'kin.

I almost felt relief as I passed by him when suddenly, a hand grabbed my right arm, stopping me from moving.

Nginig akong napalingon sa kung sinuman ang nakahawak sa'kin at hindi nga ako nagkamali. Siya nga.


"E-Eros... A-Anong kailangan mo?" Pigil-nginig kong tanong.

"Hindi naman sa nakikisali ako pero...ano ba talaga ang nangyari last week, Nem?" Walang emosyon yung mukha niya pero halata ang curiosity sa tono ng pananalita niya.

"Ahh..." Pilit akong ngumiti kahit maliit lang. Pinakawalan na rin niya yung braso ko. "Wala yun. Stressed lang siguro ako nung time na yun. Sorry nga pala ah? Hindi ko sinasadyang...yakapin ka..." Napayuko ako sa hiya.

"It's okay. Di naman ko napatay ng yakap mo."


Napatingin ako sa kanya, expecting to see his face brighten up, but he still looks damn serious.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Zypher and GangstersWhere stories live. Discover now