#Afraid 4: Stained with Sorrow

503 26 12
                                    

#Afraid 4: Stained with Sorrow


Xenzel's POV


Sa mansiyon ng mga von Einsiedel...

Nakatayo ako sa harap ng bintana habang palihim na nakikinig sa usapan ng magkaibigang sina Zypher at Ree. Nasa couch silang dalawa, masinsinang nag-uusap. Sabi ni Ree nahihiya daw siyang iparinig sa'kin yung mga sasabihin niya kay Zypher kaya naman nagpasiya akong lumayo muna nang ilang metro sa kanila. Nagpapanggap akong naglalaro ng Final Fantasy Brave Exvius sa phone ko pero ang totoo niyan kanina pa'ko nage-game over. Dinig na dinig ko pa rin kasi yung usapan nila at tungkol iyon kay Nemsey kaya hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito! BWAHAHAHAHA!

"Hindi ko lang talaga maintindihan, bro. Gusto ko siyang intindihan pero ayaw talaga nitong utak ko! Ayaw gumana!" Ani Ree, pero hindi ko alam ang mga aksiyon nila habang nag-uusap dahil nakatalikod ako sa kanila.

"Syempre hindi mo maiintidihan yun dahil siya mismo ayaw niyang ipaalam sa'yo ang lahat ng nangyayari sa kanya. Kahit ang mga dahilan lang sana ng paglayo niya." Sagot ng asawa ko. "Pero naniniwala akong hindi gagawin ni Nem yun nang walang sapat na dahilan, bro."

"I know. Yun nga ang sabi ko sa kanya noong sinugod ko siya sa 2FA-Forte. At...alam kong si Celine na naman ang dahilan ng lahat ng 'to."

"Pareho pala tayo ng iniisip, eh." Si Celine..?

"Ano na naman kaya ang dahilan ngayon? Ano pa ba ang maaaring maging rason?"

"Alam mo, bro, marami akong nahahalata kay Celine, pero mas mabuti na sigurong hayaan na lang muna natin sila sa mga plano nila. Sayang naman ang friendship niyong tatlo kung pilit mong aalamin ang bagay na hindi mo pa dapat malaman sa ngayon."

Na-shock ako sa narinig ko mula kay Zypher. May sense din pala siyang kausap. Ang ganda pa nung advice niya ah, siguradong mas makakabuti nga yun.

I'm so proud! Tehehehhee!

"Ano ba ang dapat kong gawin? Ang malas ko naman ngayon!" Kawawang Ree.

"Sus! Wag mo na lang dibdibin! Halata namang mahal ka rin ni Nemsey eh! Sapat nang alam mo yun sa ngayon. Malay mo bukas o sa susunod, maging okay na lahat."

"Wehh??"

"Totoo nga! Bakit? Akala mo ba madali kong nakuha 'yang mataray kong asawa? Kitang-kita mo naman kung ilang beses niya muna akong tinaboy bago niya ako minahal diba? Kasal pa agad! Oh? Konting hintay lang, bro. Magiging okay din yan." Hmmm, sounds encouraging!

"Sana nga. At...oo...hihintayin ko si Nemsey kahit na anong mangyari..."

Magsasalita pa sana si Zypher nang biglang may nag-ingay sa labas ng mansiyon. Mukhang may komosiyon sa labas.

Agad na naalarma sina Zypher at Ree at naudlot ang pag-uusap nila. Tumayo sila at dali-daling lumabas si Ree habang nakita ko namang sa'kin patungo si Zypher.

"Fi, dito ka lang, okay? Wag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi." Mahinahon pero concerned niyang imik sabay haplos sa kaliwang pisngi ko.

Para akong nahypnotize sa singkit niyang mga mata...

At napatango ako nang wala sa sarili...

"Okay, fi. Dito lang ako..."

Ngumiti siya sabay halik sa noo ko, pagkatapos ay naglakad na siya palabas.

(  ̄ー ̄)φ__

Dahil sa laki at bilis ng hakbang ni Zypher ay mabilis niyang natunton ang pinagmulan ng ingay sa labas ng mansiyon nila.

Ilang metro mula sa kanya ay nakaluhod si Jin habang nakadipa at nakatingala sa kalangitang unti-unti nang dumidilim. Naka-overall jumpsuit siyang kulay puti at may letter "I" na nakalagay sa likod. Nakahawak si Thorn sa kaliwang braso niya at si White Maze naman sa kanan.

"Anong nangyayari sa kanya?"

Sa pagkakakita niya kay Jin, para iyong sinapian ng isang mabangis na kaluluwa. Sumisigaw-sigaw si Jin at may sinasabing mga salitang mula sa ibang lenggwahe.

Parang may kung anong kakaibang pwersang lumalabas mula kay Jin. Hindi niya maipaliwanag iyon kaya hinayaan na lang niya.


Ano kaya ang nangyari kay Jin?


ABANGAN.





Read. Vote. Comment. Support.

#babaengbully

Zypher and GangstersWhere stories live. Discover now