#Afraid 5: Party and Pretense

510 26 4
                                    

#Afraid 5: Party and Pretense


Xenzel's POV

"Bilis! Bilis! Gangster na pagong!" Nagmamadali kong sabi kay Zypher. Bwahahaha!

"Nandyan na, naglalakad na stick!" ARAY!

"HOY--"

"Ba't ba nagmamadali ka? Hindi naman tayo itataboy ni Celine kahit na ma-late tayo."

"Ah basta gusto kong dumating nang maaga dun!"

Nakanguso ko siyang hinila at mabilis kaming naglakad papunta sa sasakyan niya.


"Ilang araw ka bang mananatili dun kina Celine at maleta talaga 'tong dala mo?" Usisa niya habang pinapasok sa trunk ng kotse yung bagahe ko.

"Overnight nga lang, diba?"

"Ilang beses kang magpapalit ng pantulog mamaya?" Kunot-noo niyang tanong. Halata namang nang-aasar na naman siya.

"Ikamamatay mo ba 'yang maletang dala ko?! Ba't di na lang kaya tayo umalis? Dami mong time!" Inirapan ko siya sabay tungo sa passenger seat.

Ang loko tinawanan pa ako!


Pasalamat ka talaga at gwapo ka!


Echos!














-------------------------

Matapos ang higit kalahating oras naming biyahe ay nakarating na din kami sa bahay nina Celine.

Malaki ang bahay nila at halatang mayaman sila. Pinaghalong kulay puti at brown yung pintura ng exterior nung bahay at may malapad na bakuran sa harap. Mataas ang bakal na bakod na nakapalibot sa buong bahay at nasa gitna ang mataas na gate.


Unti-unting bumukas ang gate at iniluwa noon ang isang lalaking naka-itim na tuxedo.


"Good afternoon, Mr. and Mrs. von Einsiedel. Hinihintay na po kayo ni Miss Celine sa loob. Let me assist you." Nakangiti niyang pahayag.


Nauna siyang naglakad at sumunod naman agad kami sa kanya.


Ang gara din pala ni Celine ah, hindi lang halata sa kilos niya. Baliw din kasi yun minsan, eh.


"Sosyaaaaal." Bulong ko kay Zypher sabay siko nung tagiliran niya.

"Sadistaaaaa." Balik-bulong niya kaya naman inirapan ko na naman siya.


AT TINAWANAN NA NAMAN NIYA AKO! HMPPPP!


Zypher and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon