#Afraid 10: MORE LOVE TEAMS!

293 12 7
                                    

#Afraid 10: MORE LOVE TEAMS!


Nemsey's POV

Nasa Zefirelli ako ngayon. Napag-utusan kasi ako ng maganda kong mama. Bumili daw ako ng spices para sa lulutuin niya. Dito lang sa Zefirelli makikita yun kaya ako nandito.

Gusto ko sanang matulog sa bahay buong araw eh. Ewan ko kasi pero parang lagi na lang sumasama ang pakiramdam ko, eh wala naman akong lagnat. Parang...pakiramdam ko, lagi akong nanghihina...


Haaay, nag-iinarte ka lang, Nemsey Leize.


Pumasok ako sa isang Cooking Shoppe at bumili ng pinapabili ni mama, pagkatapos ay umalis din agad ako.

Napag-isipan kong dumaan sa isang sikat na cafe na malapit lang sa Cooking Shoppe para bumili ng paborito kong pecan pie. Sarap nun!


Pero diba, yun yung laging binibili ni Ree sa'yo noon, Nem?


EH ANO NAMAN NGAYON?!


Diba pag bigla siyang bumibisita sa bahay niyo noon, yun yung lagi niyang pasalubong sa'yo?


KINGINA NAMAN TANTANAN MO NGA AKO!


KAYA MAS GUSTO KONG NATUTULOG EH! KAKAPAGOD MAG-ISIP KAY REE!



LAGI NA LANG...




Habang humahakbang ako palapit sa entrance ng cafe ay naglalaway na sana ako nang bigla akong may nakitang agad na umagaw sa atensiyon ko.


Napahinto ako sa paglalakad at napahigpit ang hawak ko sa eco bag na nilagyan ng mga binili ko kanina. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa maamo at nakangiti niyang mukha habang nakaupo sa loob ng cafe, sa mismong harap ng kristal na pader...

 Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa maamo at nakangiti niyang mukha habang nakaupo sa loob ng cafe, sa mismong harap ng kristal na pader

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Oo...



Siguro nga tama ang iniisip mo...


Zypher and GangstersWhere stories live. Discover now