#Afraid 15: OUTING

292 6 2
                                    

#Afraid 15: OUTING

Nemsey's POV

"Ma, tapos na po akong magsaing!" Panawagan ko kay mama pagkatapos kong pindutin yung 'cook' button sa rice cooker.

"Sige!" Sagot naman niya habang namamalantsa sa sala.

Pakanta-kanta pa ako ng 'Homesick' ni Dua Lipa sabay tungo sana sa kwarto ko nang bigla na lang may kumatok sa main door namin. Sabay kaming napalingon ni mama doon, tsaka nagkatinginan.

Sino kaya yun? Hindi naman kami na-inform nang kung sinumang kumakatok na pupunta siya dito ngayong araw.

"Ako na." Imik ni mama sabay lapag ng plantsa sa metal na dulo ng iron board tsaka nito tinungo ang pinto.

Pumihit siya sa peep hole ng pintuan namin tsaka bumuntung-hininga't lumingon sa'kin.

"Tropa mo." Paangil niyang sabi sabay balik sa pamamalantsa.

"Huh? Pero..." Pakamut-kamot ako sa ulo ko habang tinutungo ang pinto tsaka ko ito binuksan.

Nabigla naman agad ako nang salubungin ako ng nakabungisngis na pagmumukha ni Xenzel.

"Hello!" Masigla niyang ikiniway yung kanang kamay niya habang nakangisi na parang baliw.

"Hi—anung ginagawa niyo dito?" Palipat-lipat ko silang tinignan ni Zypher.

Mag-asawang 'to talaga di na umaalis sa tabi ng isa't isa.

"Outing! Tara!" Bigla na lang akong hinila ni Xenzel pero agad naman akong pumiglas!

"Anung ginagawa mo! Anong outing? Hoy di ako nakapagpaalam tsaka di niyo naman ako pinaalam!" Pigil-sigaw kong tugon sa kanya habang pinandidilatan siya ng mga mata!

"Hoy tinext kita diyan kagabi pa, di ka naman nagre-reply! Punyetang 'to!" Bahagya pa niya akong sinabunutan!

"Tsk! Di ko ginalaw phone ko, nakakatamad eh!" Katwiran ko sabay buntong-hininga. "Magpapaalam lang ako kay mama. Tsaka kelan uwi?"

"Mamaya, 6PM." Ngumisi na naman siya dahil siguradong alam na niyang sasama nga ako.

Nagpaalam ako kay mama at himala, hindi niya ako sinapak bago pinaalis. Trip kasi akong api-apihin nun minsan lalo na pag biglaan yung alis ko. Si papa naman ay nasa trabaho kaya mas madali akong nakaalis.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay ay bigla na lang may umagaw nung bag na dala ko. Medyo gulat ko siyang nilingon at mas lalo pa talaga akong nagulat nang mamukhaan ko siya.

"END?" GULAT TALAGA AKO!

"Hey!" Naningkit na naman ang mga mata niya dahil sa pagngiti niya. "Buti naman at sasama ka. You don't know how happy I am." Kinindatan pa niya'ko, JUSME!

" Kinindatan pa niya'ko, JUSME!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Zypher and GangstersWhere stories live. Discover now