#SPECIAL CHAPTER: VALENTINE'S DAY

178 7 0
                                    

#SPECIAL CHAPTER: VALENTINE'S DAY



Xenzel's POV

Napaunat ako habang nakapikit at nakahiga pa rin sa kama namin ni Zypher. Di ko alam kung nananaginip pa'ko dahil sa halimuyak ng rosas na naaamoy ko. Ramdam ko pa rin ang antok pero tila ginigising na talaga ako ng katawan ko, kaya naman agad kong hinawakan yung kabilang bahagi ng kama para gisingin din si Zypher. Nabigla naman ako nang maramdaman kong wala siya. Agad akong napamulat at napalingon, at nakumpirma kong wala nga siya. Bukod kasi sa ginigising namin ang isa't isa depende sa kung sino ang nauunang magising ay hindi rin siya basta-bastang umaalis nang walang paalam sa'kin. Ngayon lang yata ito nangyari.

Bumangon ako at dun ko napansin ang mga talulot ng rosas na nakakalat sa kamang kinahihigaan ko.


Kaya pala ang bango eh!


Napaisip ako kung bakit may ganito dito. Sigurado akong si Zypher ang may pakana nito. Siya lang naman kasi ang nakakapasok dito bukod sa'kin.


Ah! Oo nga pala! Valentine's Day ngayon! Shemay muntik ko nang makalimutan!


Parang bigla akong kinilig at na-excite! Malamang hindi pa dito nagtatapos ang sopresa ng asawa ko.


Naks ang assuming ko talaga! Wahahahaha!


Dahan-dahan akong bumangon at nang matuwid na'kong nakatayo sa sahig ay napansin ko na naman ang mga rose petals na naka-linya patungo sa pinto ng banyo. Sinunod ko iyon habang nakangiting pinagmamasdan. Binuksan ko ang pinto ng banyo at may mga rose petals na namang naka-linya papunta sa bath tub.

Isang note ang nakadikit sa pader kung saan nakadikit yung tub.


"Take a relaxing bath and wear your best dress. Magdala ka na din ng extrang damit at pantulog."


Talagang sulat kamay yun ng asawa ko kaya naman parang malalaglag na yung panty ko sa kilig! Wahahahaha! Landi!


Teka...bakit kaya kailangan kong magdala ng pantulog..?


Bumuntong-hininga na lang ako at lumulublob na nga sa tub.











---------

Pagkaraan ng halos isang oras ay natapos ko na ang lahat ng nakasulat dun sa note ni Zypher. May bitbit na akong tote bag habang suot ko naman ang white dress na ni-regalo sa'kin ni Zypher last Christmas. Hanggang ibabaw ng tuhod ang haba nito at malambot din yung tela nito na para bang flowy yung skirt niya. Sigurado akong hulmang-hula yung katawan ko sa dress na 'to. Hindi ako masyadong confident kasi nga medyo payatot ako tsaka wala akong puwet, pero bahala na.

Zypher and GangstersWhere stories live. Discover now