#Afraid 14: WOUNDS AND BRUISES

273 15 14
                                    

#Afraid 14: WOUNDS AND BRUISES



Tetra's POV


Alas sais na ng gabi. Nakahiga lang ako sa sarili kong kama habang blangkong nakatitig sa cellphone kong nakaangat gamit ang dalawa kong kamay. Kanina ko pa hinihintay ang reply ni Vain. Bigla na lang kasi siyang hindi nagre-reply. Laging ganun, pero hinihintay ko pa rin minu-minuto yung reply niya.


Tsss... Bakit ka pa nga kasi umaasa, Tetra? Obvious namang napipilitan lang siyang nobyahin ka!


Para namang sinaksak ang puso ko sa pinagsasabi ng konsensiya ko. May bahid ng katotohanan ang mga yun kaya ako nasasaktan...


Mahal kaya talaga ako ni Vain? Gusto kaya talaga niya ako?


Natanong ko ang sarili ko kung gaano ba ako kasiguradong may pakialam talaga si Vain sa'kin. Kung may pakialam ba siya sa nararamdaman ko... At hindi ko mahagilap ang sagot. Siguro nga wala.


Sigurado akong wala.


Dahil kung meron, hindi niya ako paghihintayin...


Napasinghot ako, at dun ko lang namalayang lumuluha na naman pala ako. Oo, inggrata na ako kung inggrata sa Seriun, pero ganito ako kahina pag ako lang mag-isa... Dahil ang sakit.


Ang sakit-sakit pag naaalala ko ang lahat.


Na hindi ako gusto ng dati kong mahal, tapos parang hindi pa rin ako gusto ng mahal ko ngayong mukhang napilitan lang na pakisamahan ako...


Napakislot ako nang padabog na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napapihit ako doon at agad kong nakita ang mala-demonyong lalaking nag-anyong tao...sa katauhan ng stepfather ko.


"BAKIT KA UMIIYAK?!" Sinalubong na naman niya'ko ng sigaw at galit.


Dali-dali akong bumangon sabay punas ng mga luha kong bumabaha sa pisngi ko.


"W-Wala ho..." Pabulong kong sagot sabay yuko.

"Tumigil ka nga sa kaiiyak diyan! Para kang ipokrita!" Suya niya sabay bato ng isang short-sleeved polo na kulay green sa'kin. "Plantsahin mo nga yan! Bilisan mo at may pupuntahan ako!" Walang pasintabi niyang utos sabay padabog namang sara nung pinto.


Muli akong suminghot at pilit na pinatahan yung sarili ko sa kaiiyak.


Oo, ganun kademonyo ang stepfather ko. Siguro iniisip ng iba diyan na sa kanya ako nagmana. Samantala...hindi naman nila alam ang pinagdadaanan ko araw-araw.


Ang mommy ko, nagtatrabaho sa Kingdom of Autumn bilang isang royal professor. Every weekend lang siyang umuuwi dito dahil nga may kalayuan yung Autumn at may night classes pa siya doon, depende sa schedule ng mga maharlika. Kapag nandito si mommy, nagbabait-baitan yung stepfather ko. Kapag wala, ganito, para siyang demonyo.

Zypher and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon