#Afraid 8: THE REHEARSAL

321 20 16
                                    

#Afraid 8: THE REHEARSAL


Tetra's POV

"Hoy Tetra! Magsisimula na yung rehearsal niyo in 15 minutes and you are still tulala diyan like tanga!" Maarteng puna ng bestfriend kong si Alyssa sa'kin.

Nasa Seriun Grand Theatre kami ngayon dahil final rehearsal na namin for "The Vampire's Princesses" play.

"Wala 'to, friend. Hayaan mo nga ako!" Inangilan ko pa siya gaya ng lagi kong ginagawa.

"Wala? Neknek mo! Lokohin mo lolo mo di ako naniniwala sa'yo!" She crossed her arms na parang inggrata. "Sabihin mo na kasi! Naku-curious pa'ko lalo, eh!"

"Haysh ang kulit mo naman!" Padabog akong umupo sa tabi niya, sa isa sa mga theater seats.


Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Madalang talaga akong natutulala kaya naman siguradong mahahalata agad ni Alyssa na may problema ako.


It won't hurt to share, right?


I sighed heavily to gain more courage...


"So, have you made up your utak?" Conyo niyang tanong sabay lingon ulit sa'kin.

"Oo na..." Matipid kong sagot sabay hingang malalim...NA NAMAN. "Kasi...naaalala mo last time? Yung pinahanap ko si Vain sa inyo for the sake of our Destroy XZ project?"


EHHHH! NAKAKAHIYA TALAGANG AMININ 'TO!


"OMG! Just as I thought! There's something in my utak na nagse-speak out na si Vain nga yung reason!" Pumalakpak pa siya. Halatang natutuwa ang gaga.

"Shut up!" I glared at her before I continued. "So, yun nga... I did a terrible...shameful...mistake!" Yung mukha ko naiiyak pero walang luha.

"WHAT?!" She covered her mouth with bulging eyes. "WHAT MISTAKE?!"


Is it just me or she is really excited?


"He kept insisting that I should stop the project, so I suddenly offered him something...crazy. Ako mismo hindi ko ma-gets kung bakit ko naisip yun!"

"What did you offer him..?" She's anticipating it...

"That I will stop bothering Xenzel and Zypher, but he must date me instead."

"WHAAAT?! OH MY GOSH! I CAN'T EVEN BELIEVE IT!" Muntik na siyang mapatihaya sa kinauupuan niya! Haha!

"Ako nga rin, eh! How stupid of me!"

"OMG, sa tingin ko nagawa mo yun kasi gusto mo si Vain!"

"Tumigil ka nga! Wag kang magconclude agad, noh! Nabigla lang ako nun!" I reasoned out, halos buong mukha ko na nakakunot!

"Wag ka nang mahiya, aminin mo na lang! Bestfriends naman tayo eh! Ayyyiiiiieee~" Sinundut-sundot pa niya tagiliran ko, dahilan para mapabalikwas ako't mahulog sa sahig!

"Ano ba, Alyssa! Alam mo namang hindi ko siya pwedeng magustuhan diba? Si Zypher ang Mr. Right ko kaya tigilan mo na nga 'yang trip mo!"

Nagngingitngit akong bumuntong-hininga at tatayo na sana ako mula sa carpeted floor nang bigla kong naramdamang may lumapit sa likuran ko.

Zypher and GangstersWhere stories live. Discover now