Chapter Seventeen

4.1K 85 0
                                    

Joyce's POV

Kausap ko ang ibang mga business man, nagkukwentuhan kung ano ba ang nangyayari sa stocks ngayon, anything about business ay pinaguusapan nila at nakikinig lang ako.

"Joyce" tawag sakin ni papa.

Lumingon naman ako, nagexcuse sa mga kausap ko, at pinuntahan ko si papa.

"Yes pa?" Tanong ko.

"Sayang anak di mo naabutan, kausap ko kanina si Miss Sandoval, the youngest CEO sa Telco industry" sabi naman ni papa.

Sa totoo lang mabuti na lang at nakaalis na yung gustong ipakilala sakin ni papa. Ayaw na ayaw ko talaga sa mga ganitong kalaking gathering. I feel so suffocated.

"Ganun ba, Pa? San ba nagpunta?" Tanong ko na kunwari ay interesado sa taong yun.

"Nagpaalam eh, may kinausap." Sagot ni papa. "Oh well, one day we will invite her in our own party so you can exchange ideas on how to grow a business. She's just new on being the CEO of their company kaya I'm sure you can help her" sabi naman ni papa.

"I'll look forward to it" sagot ko naman at tinawag na ako ni Marian. Nagexcuse ako kay papa at hinila na ako ni Marian sa lugar na wala masyadong tao.

"Haaayyy best! Salamat talaga! Jusko di mo alam kung gano ko na gusto umalis dun kanina pa" sambit ko kay Marian.

"Oo halata nga eh, ang plain mo kanina. Ano ba yung sinabi sayo ni tito?" Paguusisa nya.

"He wants me to meet this "Miss Sandoval" na one of the youngest CEO of a Telco industry, para daw makapagexchange kami ng ideas at para matulungan ko daw sya since bago lang sya sa pagiging CEO nya." Pageexplain ko sakanya.

"Yung nagspeech kanina?" Tanong ni Marian.

"Yes best" Sagot ko, bigla ko naalala yung itsura nung babaeng nagspeech kanina. She looks so familiar, siguro nakita ko na sya somewhere, but its not clear on when or how.

"Ah sya pala yun, sayang di ko sya nakita, busy kasi ako kay Mark" Sabi nya

"Ahhhh" Sagot ko na may pangaasar.

"Bakit? He's cute, and umamin ka best he is so hot!" Pageexplain nya na kinikilig kilig pa. Tumango na lang ako sa lahat ng sinabi nya.

"Hay naku best, di mo ba sya napapansin? Di mo ba nakikita na ang hot nya?" Tanong ni Marian.

"Sorry best wala pa talaga sa isip ko yang mga ganyang bagay, alam mo naman di ba na career woman ako. Sila mama muna bago ako, tsaka ang laki laki pa ng responsibility ko sa company namin"sagot ko

"Hay naku Joyce Annabelle Montenegro, kakaiba ka talaga" sambit naman ni Marian na may pailing iling pa ng ulo na nalalaman.

"Tara na best balik na tayo sa loob, baka hinahanap na nila tayo" pag aya ko kay Marian at sumangayon naman sya.

Nagpatuloy ang party hanggang midnight, maraming nangyari, may iba pang nagspeech, maraming kwentuhan. Kabi-kabila ang mga tanungan about sa kanya kanya nilang business.

Natapos na ang party at nagsiuwian na kami. Pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung saan ko nakita yung babaeng yun, she really looks familiar to me. Maybe I saw her somewhere or what.

"Joyce nagenjoy ka ba sa party?" Tanong sakin ni papa habang pauwi kami.

Tumango lang ako at ngumiti.

"Anak, alam ko ayaw mo sa mga ganitong gathering, pero you have to attend parties like this. I cannot teach everything to you" dagdag pa ni papa.

"Yes pa, I know po" at niyakap ko si papa

"Pa, yung youngest CEO ng telco industry what is her name?" Bigla ko natanong kay papa.

"Ah yun ba? Alexandra ata eh, bakit mo natanong?" Paguusisa ni papa.

"Ah eh wala naman pa, parang pamilyar kasi sakin eh"

"Baka nabasa mo sa newspaper, the business world is talking about her" at tumahimik na ako, at pumikit habang pauwi kami.

Alex's POV

"Alex!" Sigaw na mula na naman sa isang pamilyar na boses, sigurado ako na si Joyce ang tumawag sakin. Lumingon ako para malaman kung sya nga ba talaga ang tumawag sakin. Ngunit pag lingon ko malabo ang mukha ng babae, pinipilit ko aninagin kung sino sya pero di talaga lumilinaw ang mukha nya, pero alam ko nakasimangot sya.

"Alex! Kanina pa kita tinatawag di mo ako pinapansin" pagmamaktol nya, pupuntahan ko na sana sya pero bigla syang nawala, parang hinigop sya papalayo sakin, sinisigaw ko ang pangalan nya pero walang boses na lumalabas sa bibig ko, hanggang sa para akong nalaglag mula sa mataas na lugar, pagkatapos ay agad akong nagising. Panaginip na naman, dalawang beses ko na napapanaginipan ang boses na yun, nung una ay si Joyce at malinaw na malinaw na sya yung napanaginipan ko  pero ngayon malabo, malabong malabo ang mukha ng babae sa panaginip ko. Sino kaya sya? Ano nga kaya ang ibig sabihin nun?

Naghanda na ako upang pumasok at nagtext na rin si Leila, kailangan ko na magmadali dahil ayaw na ayaw nya na nagaantay sya.

Nagaalmusal ako ng bigla ko na naman naisip si Joyce. Nasa party pala sya, bakit di kami nagkita? Naaalala pa ba nya ako? Nung nagspeech ako namukaan nya kaya ako? Lahat yan ay iniisip ko parin hanggang ngayon. Kelan kaya kami ulit magkikita? Magkikita pa kaya kami?

Beep! Beep! Beep!

Tulala ako, malalim ang iniisip. Nawala na lang ako sa day dreaming ko ng tapikin ako ni mama at sabihin na andyan na si Leila sa labas. Nagulat ako sa pagkakatapik sakin ni mama.

"Anak ayos ka lang ba?" Tanong nya

"Opo ma, pasok na po ako. Magagalit si Leila pag nalate kami" sabi ko kay mama, at humalik na ako. Uminom din ako ng gamot ko, at nagpaalam na sakanya. Hinatid nya ako sa labas at inantay makasakay ng sasakyan ni Leila.

"Good morning miss CEO!" Bati sakin ni Leila na todo ang ngiti sakin. At ang giliw giliw nya.

"Good morning" isang plain na sagot ang naibigay ko sakanya.

"Oh bakit ang lungkot mo? Ang aga aga eh, smile na! Di bagay sayo na ganyan ka!" Sabi nya habang nagmamaneho.

Ngumiti naman ako ng totoo at napangiti ko din sya ng konti. Alam ko nagaalala sya sakin, tahimik kami sa buong byahe hanggang makarating kami sa harapan ng opisina, nagpasalamat ako kay Leila. Sabay kami sumakay ng elevator at pumunta sa kanya kanyang lamesa.

-----------

Enjoy :)

MsSky

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now