Chapter Fourty

2.4K 49 9
                                    

Alex's POV

Napakasaya. Yan lang ang masasabi ko sa lahat ng nangyari ngayon. Tanggap na kami ng mama ni Joyce, sa side ko naman tanggap nilang lahat si Joyce, wala naman na sanang problema. Pero pagbalik namin sa kwarto ng mama nya nadatnan namin ang Papa ni Joyce. Tinitingnan nya kaming mabuti.

"Joyce"

"Pa"

Napahigpit ang hawak ni Joyce sa kamay ko, halata ang takot nya base sa tono ng pananalita nya. Pinisil ko ang kamay nya upang kumalma sya at maya maya pa ay lumuwag na ang pagkakahawak nya sa kamay ko at sa oras na yun alam ko ng kumalma sya.

"Magandang hapon po" bati ko sa papa nya, ngunit wala akong natanggap na tugon mula dito.

Nakatayo lang kaming dalawa ni Joyce sa may pintuan, walang gustong gumalaw sa mga sandaling yun.

"Greg" sabi ng mama ni Joyce, akmang aalis na ito kaya hinawakan nya ang braso at tiningnan sa mga mata. Ilang sandali pa at umupo ang papa nya sa sofa.

"Anak umupo kayo" pagaya ng mama ni Joyce

Tiningnan ako ni Joyce at nginitian ko lang sya. Umupo ako sa upuan sa harap ng papa ni Joyce, at sya naman ay umupo sa tabi ng papa nya.

Wala pa ring nagsasalita, tahimik pa rin. Pinapakiramdaman ko ang paligid. Ang mama nya ay nakatingin lang sa asawa nya. Si Joyce naman nakatingin lang sakin. Ang papa nya ay nakayuko. Huminga ako ng malalim at pumikit. Bahala na kung anong mangyari.

"Mr.Montenegro" tawag ko sa papa nya na syang bumasag ng katahimikan. Lahat sila ay nasa akin ang tingin.

"Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ako andito..." di ko na natuloy sinasabi ko kasi bigla syang nagsalita.

"Alam ko kung bakit ka andito, sinabi na sakin lahat ng asawa ko" sabi ng papa nya

"Sir, alam ko hanggang ngayon ay galit pa rin kayo sa anak nyo. Isa lang naman ang hiling ko, kahit di nyo na ako tanggapin bilang tao, kahit yung anak nyo na lang ho. Yun lang naman po"

"Masakit. Sobrang sakit sa akin na ikaw ang piniling mahalin ng anak ko. Pinalaki namin syang may takot sa Diyos. Kelan man ay hindi ako sang-ayon sa ganyang klaseng relasyon. Pero hindi ko lubos maisip na anak ko mismo ang papasok sa ganyang relasyon. Ang gusto ko para sa anak ko ay bumuo ng sarili nyang pamilya" malungkot na paglalahad ng papa nya.

"Pa, I'm still your daugther. Ako pa rin yung nagiisang anak nyo. Wala naman nagbago sa akin" sabi ni Joyce

Tumango lang ang papa nya at humarap kay Joyce.

"I know anak, I know that you are still my little angel" sabi ng papa nya habang umiiyak.

"Pa, please don't cry. You know how much I love you. I'm sorry I am not the perfect daugther you've always dream of" umiiyak na rin si Joyce habang kausap ang papa nya.

"Anak you are the daugther that every father would want to have. You don't need to be perfect anak. Just be my daugther and that is more than enough for me. I'm sorry for judging you, and for everything anak" umiiyak pa rin silang dalawa. Hindi na napigilan ni Joyce ang sarili nya at niyakap nya ang papa nya. Halatang halata kung gano nya ito kamahal.

"Pa I love you so much" sabi ni Joyce

"I love you more my little angel" sabi ng papa nya at humiwalay na sa pagkakayakap sa anak at pinunasan ang mga luha nito. Pagkatapos ay ngumiti silang dalawa.

Masayang masaya naman ang mama nya habang pinagmamasdan ang mag-ama nya na magkabati.

"Alex" tawag ng papa nya. Yung kabog ng dibdib ko parang bombang sasabog.

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now