Chapter Thirty-five

2.9K 71 1
                                    

Alex's POV

Andito ako sa ospital, magpapacheck up. Madalas na kasi ang pagsakit ng ulo ko. Dsti rati ay nadadala pa ito ng pain killers pero ngayon kasi iba na eh. Yung sakit umaabot hanggang sa likod ng ulo ko.

Magisa lang ako pumunta dito, ayaw ko magalala si Joyce, si Leila at si mama. Nilihim ko sakanila ang pagpunta ko dito at panigurado na magaalala sila.

I am patiently waiting for my name to be called then my phone vibrates.

Si Leila.

"Hello" bati ko sakanya

"Asan ka? Bakit di ka pumasok? Tinawagan ko yung sekretarya mo pero sabi nya wala ka pa daw sa opisina. Pero ang sabi ni Joyce maaga ka umalis, umamin ka. Nambababae ka ba?! Naku malaman ko lang talaga kung sino yan malilintikan kayong dalawa sakin!" pagmamaktol nya at natatawa na lang ako.

"Hey just relax OK? May inaayos lang ako, at hinding hindi ako mambababae, never kong sasaktan si Joyce" sabi ko habang natatawa

"Siguraduhin mo lang yan Alexandra, anong oras ka ba papasok?" seryoso nyang tono

"I'll be there before 1pm, I gotta go Lei, see you later" and I ended the call.

Then sakto naman na tinawag na ang pangalan ko. Pumasok ako sa loob at naupo.

"Oh its you Miss Sandoval, long time no see" bati sakin ng doctor ko

"Hi doc" bati ko naman at nginitian sya

"Ano ang nararamdaman mo?" tanong nya sakin

"Doc sumasakit na naman ang ulo ko, pero ngayon sobrang sakit na po" at itinuro ko ang parte na sumasakit

Tiningnan nya ang mga info na nakasulat sa records ko, pati yung BP ko, timbang, at tangkad. Nilagay naman nya ang stethoscope sa tenga nya at pinakinggan ang paghinga ko

"When was the last time na sumakit ang ulo mo?"

"Just this weekend po"

"Pero bago yun sumakit last weekend, kelan sya sumakit?"

"Matagal na rin po, mga 2months na rin po at naulit lang ngayong weekend" pageexplain ko

"OK, base dito sa vitals mo at records mo ay wala kang dapat ipagalala sa ngayon, pero ipagtatake kita ng couple of lab tests to see further" pagkatapos ay inabot nya sakin yung lab requests at yung reseta ko

"For the mean time bibigyan kita ng pain killers, wag ka rin masyadong magpastress, kumain ng tama at matulog ng sapat" tumango naman ako at lumabas na, pumunta ako sa nurse station at binigay ang mga lab requests. We did the lab tests at sinabing bumalik after one week para sa results at para sa follow up check up kay doc.

I paid my bills and went to the parking lot to get my car and drove away to the hospital to the office.

Pagdating ko sa office lahat sila binabati ako, nang makarating naman ako sa office ko nakita ko si Lei na nagaantay at nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv sa office.

"Hey" bati ko sakanya

"God! At last you are here!" tumayo naman sya at nagbeso sakin at yumakap ng mahigpit at tiningnan ang kaliwa't kanan ng mukha ko, she's checking if I am OK

"Medyo OA reaction mo Lei di bagay sayo" sabay tawa ko at hinampas nya ako sa braso ko

"Ewan ko sayo!" pagsusungit nya at tumawa naman ako

"Pero san ka ba talaga galing ha? Nagaalala ako sayo. Pasalamat ka di ko sinabi kay Joyce na wala ka talaga dito sa opisina kaninang umaga" pananakot nya

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now