Chapter Fourty-nine

2.9K 69 15
                                    

Joyce's POV

One week na, one week na mula nung hinimatay si Alex sa hotel. Mula nung araw na yun ay sobrang hina na nya, bumalik sya sa dati, halos di makakain, madalas tulog, kung kakain ay maya maya isusuka ulit. Yung katawan nya bumabagsak na.

Andito kami sa ospital, dito ko sya diniretso nung gabing nahimatay sya. Si tita ayun andito rin, di na rin sya umuuwi, dalawa na kaming nagbabantay kay Alex, nung una ay di kami pinayagan ng ospital, since kela Mark naman tong ospital ay nakiusap ako, at di ako nagkamali, pumayag sila.

Si Leila madalas na rin dito sa ospital, si Marian din dumadaan daan. Yung parents ko di rin nakakalimot na daanan sya at kamustahin.

"Misis Sandoval I need to talk to you" sabi ni Jessica matapos nyang tingnan si Alex. Tumango naman ang mama ni Alex at lumabas sila ng silid.

Ako eto, nagaabang na magising sya, hawak hawak ang kamay nya. Malamig. Malamig ang mga kamay nya. Hindi na ito katulad ng dati.

"Best pahinga ka muna" si Marian, sya ang andito ngayon, si Mark may trabaho pa, sila mama naman sinabihan ko na umuwi na at babalitaan ko na lang sila. Si Leila ayun sumaglit sa work nya at babalik naman daw sya.

"Best parang di ko kaya" sabi ko sakanya habang nakatitig pa rin ako kay Alex na natutulog.

"Best magpapahinga ka lang, matulog ka kahit konti lang, mula nung dinala si Alex dito di ka pa natutulog" nagaalala na sabi ni Marian sa akin.

"Salamat best, pero gusto ko paggising nya andito lang ako" di ko na napigilan at umiyak ako, niyakap naman ako ni Marian at hinaplos ang likod ko.

"Alam naman ni Alex na di mo sya iiwan. She know how much you love her" sabi nya sa akin

"Akala ko may pagasa na kami, akala ko gagaling na sya dahil lumiit ang tumor nya, pero bakit ganito. Bakit nakahiga na naman sya sa hospital bed na yan" di ko na napigilan ang sarili ko at nailabas ko ang sama ng loob ko

Bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa nito si tita na umiiyak. Agad akong tumayo at nilapitan sya. Niyakap ko sya at pilit na pinapatahan.

"Joyce, anak. Sabi ni Jessica ihanda na natin ang mga sarili natin she can go anytime" sabi ni tita sa akin habang nakayakap pa rin ako sakanya.

"Akala ko ba lumiit na yung tumor nya? Akala ko ba magiging maayos na sya?" takang tanong ko, ngunit di na nya nasagot at mas humigpit lang ang yakap sa akin.

Di pa nagtatagal ang pagyakap ko kay tita ay gumalaw si Alex, hudyat na gising na sya. Agad kaming napabitaw sa yakap at lumapit kay Alex. Hinawakan ni tita ang mga kamay nito, at ako naman ay nakaabang din sa kung ano man ang mangyayari.

"Anak andito si mama" sabi ni tita na tinatago ang lungkot sa boses nya.

Ngumiti naman si Alex sa amin pero mapupungay ang mga mata nya, marahil ay nahihirapan na dumilat ngunit pinipilit na lamang nya.

"Ma gusto ko na umuwi" buong lakas na sabi ni Alex sa mama nya. Di naman na napigilan ni tita ang mga luha nya at umiiyak na sya.

"Itatanong ko kay Jessica kung pwede na kita iuuwi ah" sabi ng mama nya habang umiiyak at pilit na ngumingiti.

Ngumiti naman ulit si Alex bilang tugon nya.

Tinapik ko naman sa balikat si tita at binulungan na ako na kakausap kay Jessica. Tumango naman sya.

Hinawakan ko si Alex sa binti nya at nagpaalam na kakausapin ko si Jessica. Tulad kanina tanging ngiti lang ang naisagot nya sa akin.

Kitang kita na ang pagkatalo ng katawan ni Alex sa sakit nya. Kitang kita kung paano kunin ng sakit nya lahat ng lakas na meron sya.

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now