Chapter Thirty-three

3.3K 81 1
                                    

Joyce's POV

"Hello mrs. Jimenez, opo mamaya po darating yung delivery ng oils para sa branch nyo. Pasensya na po at nagkaproblema lang sa supplier"

"Eh sana Joyce di na maulit to, at alam mo naman kung gano kahalaga ang bawat minuto sa business natin" sabi ng kausap ko sa kabilang linya

"Opo mrs. Jimenez, salamat po at pasensya na rin"

Sumandal ako sa upuan at huminga ng malalim. Sa dami ng nagfranchise ng business ko eh pati pagkausap sa supplier ako ang gumagawa. Ngayong nagsisimula lang naman sila ganito, pag nagamay na nila yung business sila na mismo ang ipapakausap ko at magseset ako ng meeting with the suppliers para alam nila na trusted ko ang mga taong to.

Andito lang ako sa bahay ni Alex. Nakakapagod din pala pag nasa bahay ka. Although sanay naman ako sa pagod pero iba to eh. Wala na akong secretary na nagaayos ng schedule ko, tapos ako na mismo ang humaharap sa mga tao.

4:00pm

Hapon na pala, darating na si Alex maya maya. Ang gulo ng sala nya, daming nakakalat na papel. Kailangan ko na maglinis, nakakahiya naman kung dadatnan nya na magulo ang bahay, pagkatapos ay magluluto na din ako ng hapunan nya.

Ganito na ang buhay ko ngayon, pagkatapos ako itakwil ng mga magulang ko, dito na ako kay Alex nakatira. Nakakahiya man pero pinilit nya na dito na lang ako, ayaw ko rin naman na dun sa bahay ko tumira, sila mama kasi ang naghulog ng downpayment dun, yung sasakyan ko iniwan ko din dun, galing sa company nila yung kotse na yun. Mapride na ako kung mapride, pero gusto ko lang naman tanggapin at mahalin nila yung taong mahal ko.

Masakit, kasi kung sino pa yung akala kong makakaintindi sa akin, eh sila pa yung unang unang tumalikod sakin. Namimiss ko na sila mama at papa. Gusto ko sila bisitahin pero natatakot ako, baka di na ako makabalik kay Alex pag pinuntahan ko sila. Nakikibalita na lang ako sa dati kong sekretarya kung ano na lagay ng company. Madalas din akong magcheck ng stocks para malaman lagay ng company. Minsan kinukuntsaba ko din si Marian na dalawin sila mama at papa, pero naging matabang na sila sa mga kaibigan ko. Natatandaan ko nabanggit ni Marian na pinadalhan nya ng invitation sila mama at papa para sa wedding nya pero parang balewala lang sakanya. Sabi ko pasensya na lang kasi magulo pa ngayon.

Speaking of wedding, di ko pa pala naintindi yung invitation na sinend nya via email at via post office. Malapit na pala, three weeks na lang, at within this week need ko na magpasukat ng gown. Pano ko kaya isisingit sa busy kong schedule yun, pag di naman ako dumalo magtatampo yun. Invited sila papa nasa VIP guest sila, I'll take this chance to talk to them. Baka by this time matanggap na nila yung relasyon namin ni Alex.

Beep!

Beep!

Beep!

"Ay palaka!" gulat ko habang nakatitig sa laptop ko. Si Alex yun panigurado. Hala lagot ako, wala pang pagkain, magulo pa ang bahay. Nakakahiya.

Lumabas ako upang buksan ang gate ng garahe.

"Hi mahal" masayang bati sakin ni Alex sabay halik sa lips ko

"Ang bango bango naman ng mahal ko"dagdag pa nya

"Bola ka na naman"

"Hindi ah, sobrang bango mo nga eh" sabi pa nya sabay yakap sakin

"Mahal, may kasalanan ako sayo" malungkot kong sabi

"Ano yun?"

"Di pa ako nakakapagligpit, at nakakapagluto. Sorry" malungkot kong sabi sakanya

"Asus ang mahal ko, yun lang ba? Ayos lang yan" sabi nya ng nakangiti. Pero ako walang reaksyon

"Mahal wag na malungkot, tara na magligpit na tayo, tapos ako na magluluto, ano ba gusto mo mahal?" sabay gulo sa buhok ko

100 days with the PrincessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ