Chapter Thirty-two: The Beginning

3.4K 71 0
                                    

Alex's POV

Magiisang linggo na rin mula nung hinarap ko ang mga magulang nya at hindi naging maganda ang kinalabasan nito. Dito sa bahay nakatira si Joyce, ayaw nya kasi umuwi sa bahay na binili nya. Di na rin sya pumapasok sa company ng papa nya, kaya ang inaatupag nya lang ay ang spa business nya. Araw-araw maaga akong nagigising upang ipagluto sya ng almusal, pagkatapos ko magluto ay gigisingin ko na sya at sabay na kami kakain, pagkakain ay maliligo na ako, may mga araw na ihahatid ko si Joyce sa spa at tsaka ako papasok sa trabaho. May mga araw naman na nasa bahay lang sya at doon nagtatrabaho. Sa hapon naman ay di ako pumalya na sunduin sya sa spa nya, tapos pagkauwi magluluto ulit ako ng hapunan, minsan si Joyce ang nagluluto pero mas gusto ko na pinagsisilbihan sya. Marunong sa gawaing bahay si Joyce, di sya yung typical na mayaman na walang alam sa gawaing bahay. Di rin sya ganun kaarte pagdating sa pagkain, sa paglilinis naman ng bahay ay napaka OC nya. Hati kami sa gawaing bahay, pero madalas gusto ko papanoorin nya lang ako sa mga ginagawa ko o di kaya ay magpahinga na lang sya.

Sa mga unang gabi nya na dito matulog sa bahay, umiiyak sya. Minsan habang natutulog sya at may times naman na bigla na lang syang magigising tapos iiyak. Di na ako nagtatanong pa sakanya kung bakit, alam ko naman ang sagot. Naaawa na nga ako sakanya, mas nasasaktan ako sa bawat araw na umiiyak sya dahil namimiss na nya ang pamilya nya. Wala naman akong magawa kundi ang maging malakas sa harap nya, sa ngayon alam ko na ako lang ang kinukuhaan nya ng lakas. Minsan ko na rin sinubukan na pagusapan namin ang pamilya nya ngunit lagi nyang nililihis yung usapan kaya di na ako nagtangka pa. Basta ang lagi ko lang sinasabi sakanya, kahit ano mangyari mahal ko sya at yun ang tatandaan nya.

Andito ako ngayon sa spa ni Joyce, inaantay ko syang matapos sa mga gawain nya. Napakahands on nya sa business nya, sya nagliligpit, naglilinis, nagaayos ng mga gagamitin ng mga therapist nya, meron pa ngang time na sya mismo ang nagmamasahe. Ganyan nya kamahal ang business nya. Sa harap ng mga staff nya sa spa ay pinapakita nya na wala syang problema. Kilala na rin ako ng mga staff nya, at pakilala nya sakin ay girlfriend nya, tanggap naman nila kami at hindi nila kami hinusgahan.

10:00pm

"Mahal sorry ha, ang dami kasing tao ngayon, nagantay ka tuloy ng matagal" sabi nya sabay halik sa pisngi ko.

"Sus ano ka ba, anything for my princess. Kayang kaya ko magantay. Besides di naman ako nabored, binabasa ko yung mga magazines na puro ikaw ang laman" pangaasar ko sakanya

"Sus nambola pa, teka lang magsasara na kami at late na" sabi naman nya sabay tawag sa mga staff nya sa spa nya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nagsilabas na silang lahat at sinara na yung spa. Nagpaalam na rin isa isa yung mga staff nya. Lahat ng staff nya ay babae, kaya naman hanggat kaya na maaga sila magsara eh magsasara na sila upang di sila gabihin.

"Lets go?" aya nya sakin. Kinuha ko ang kamay nya at ang bitbit nyang bag. Nung una ay ayaw nya ipadala sakin dahil di naman daw nya ako minahal para magdala ng mga gamit nya. Pero para sakin, its my way of saying how much I value her.

"Anong gusto mong ulam mahal?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang parking

"Mag inihaw na pork na lang tayo" sagot naman nya

"OK sige, may pork pa naman sa ref" sumakay na kami sa kotse ko at nagdrive na pauwi. Nakita ko naman si Joyce na nakatulog na sa pagod. Agad kong binilisan ang pagpapatakbo upang makahiga na sya agad at makapagpahinga.

Pagdating namin sa bahay ay di ko na sya ginising at plano kong buhatin na lang sya hanggang sa kwarto upang di masira ang tulog nya, pero nagising sya.

"Mahal andito na tayo sa bahay" mahina kong sambit sakanya

"Ha? Ang bilis naman" pagtataka nya

"Ano ka ba mahal, nakatulog ka sa kotse, kita mo eto nga at bubuhatin na kita" sabi ko

100 days with the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon