Chapter nine

5.1K 131 0
                                    

Joyce's POV

Nakapagbihis na ako, medyo malaki sakin ang damit na suot ko, pero wala akong magawa kaya itinali ko na lang ang laylayan ng damit ko para di ako magmukhang katawa tawa, maya maya pa ay lumabas na ako at nagaantay na sakin si Alex, maglilibot kami sa isla, tatlong araw na kami dito pero wala pa ring nakakakita samin. Kelan kaya kami makakabalik ng Manila?

"Tara na?"nakangiting tanong ni Alex at nilahad nya yung kamay nya sakin, yung parang prinsipe na inaaya ang isang prinsesa, hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti. Ngumiti din sya bilang tugon.

"San mo gusto pumunta?"tanong nya

"Kahit saan, siguro libutin muna natin tong dalampasigan"sagot ko sakanya

"Sige"magiliw nyang sagot

Naglakad lakad kami sa dalampasigan, wala paring bumibitaw sa amin, magkahawak pa rin ang kamay naming dalawa. Masaya, nagkukulitan kami, habulan sa tabing dagat, parang sa mga pelikula.

"Joyce! Tara dito"inaaya ako ni Alex sa tabi nya, maggagabi na naman. Pero di ko alintana na wala ako sa bahay namin, makita ko lang na nkangiti si Alex gumagaan ang pakiramdam ko.

"Andyan na"sagot ko at umupo ako sa tabi nya, nabalot kami ng katahimikan, alon, ibon at hangin lang ang maririnig mo.

Tiningnan ko si Alex, natingin sya sa malayo, mukhang malalim ang iniisip.

"Ang ganda ng sunset no?"bigla nyang sabi

"Oo naman, sobrang ganda"

"Alam mo ba gustong gusto kong nanonood ng sunset na kasama ang taong mahal ko, kaso wala na sya sakin, magisa na lang akong nanonood ng sunset ngayon"malungkot nyang sabi

"Di ka nagiisa ah! Andito ako oh! Kala mo sakin hangin?"pagpapatawa ko, nagbabaka sakali na mapatawa ko sya, pinagmamasdan ko sya kung ngingiti sya, ngumiti sya ngunit matipid lang.

"Alex!"Lumingon sya pero di sya nagsasalita.

"Simula ngayon ako na ang kasama mo manonood ng sunset, andito ako na kaibigan mo, sasamahan kita manood ng sunset"magliw kong sabi sakanya at hinawakan ko ang mga kamay nya, at umaasang mapapagaan ko ang damdamin nya.

"Thank you"yun lang ang nasabi nya

Umupo lang kami sa dalampasigan at pinagmasdan ang sunset, hindi ko pa rin binibitawan ang kamay nya gusto ko maramdaman nya na may kaibigan sya, kahit na hindi ko sya ganun ka kilala, kaibigan na ang turing ko sakanya.

Alex's POV

Pinanood namin ang sunset, gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa ni Joyce, she's not the girl that I thought she was. Sa itsura nya kasi sa kaisa isang magazine na cover sya, ang fierce ng itsura nya, ang ganda nya, kaso sa cover makikita mo kung gano kastrong ang personality nya, akala ko super sungit sya, maarte, pero nagkamali ako. Si Joyce ay mabait, down to earth, mapagmahal na anak, hindi sya yung tipo ng tao na mahirap lapitan at kausapin.

Sa sobrang busy ko, ngayon na lang ako ulit nakanood ng sunset, akala ko ang makakasama ko manood ng sunset noon ay yung taong mahal ko pero nagkamali ako, yung taong kasama ko ngayon ay yung taong pinakaimportante sa business world. Na lahat ng tao ay pinpangarap syang makausap o makasama man lang, lalo na ang mga kalalakihan, ang tawag nga sakanya ay 'Princess of Business world'

"Alex pwede magtanong?"biglang sabi ni Joyce habang nakatingin sa sunset

"Sure, ano yun?"sagot ko

"Bakit sunset?"tanong nya

"Ha?!"

"Sabi ko bakit sunset ang gusto mong panoorin?"tanong nya

"Sunset, para sakin yan kasi ang pinakaromantic na ginawa ng Diyos. Sa paglubog ng araw ay sya namang pag liwanag ng buwan, at sa pagsapit ng sunrise sya namang muling pagliwanag ng araw, kumbaga sa pagmamahal kailangan give and take, di pwede na give ka lang ng give or take ka lang ng take"sagot ko

"Ikaw?"tanong ko

"Ha?! Anong ako?"

"Ikaw anong pinakaromantic na bagay para sayo"

"Hmm ano nga ba, siguro yung pinakaromantic para sakin, yung mahalin lang ako ng taong mahal ko ng buong buo"

Tumango ako bilang sagot, simple lang ang sagot nya, hindi mo aakalain na mayaman sya sa sagot nya.

"Tara na"pagaya ko sakanya

"San tayo pupunta?"tanong nya

"Balik na tayo sa silong, maghahapunan na"tumango lang sya, tumayo na ako at nilahad ko ulit ang kamay ko upang alalayan syang tumayo, kinuha nya yung kamay ko at tumayo ng may ngiti sa kanyang mga labi, magkahawak kamay kaming bumalik sa silong.

"Dyan ka muna ah, kukuha lang ako ng mga kahoy at prutas"sabi ko sakanya habang inaalalayan ko syang umupo sa silong at bigyan ng kumot para di sya ginawin.

"Pero Alex---"di ko na narinig pa yung sinabi nya dahil tumakbo na ako palayo at kumuha na ng prutas at kahoy.

Makalipas ang ilang sandali bumalik na ako na may dalang prutas at mga kahoy, sinalubong ako ni Joyce dahil marami akong dala

"Thanks"sabi ko

"Dapat sinama mo ako, ayan nahirapan ka tuloy magbuhat"sabi ni Joyce

"Ano ka ba naman, kaya ko naman eh"sabi ko

"Hay kulit, sige na ako na maghugas ng mga prutas"

"Sige ayusin ko lang yung bonfire para di tayo ginawin, wag kang masyadong lalayo ah, bumalik ka agad, ingat ka"bilin ko kay Joyce

Bumalik na si Joyce, inalalayan ko na sya at kumain na kami, nagkwentuhan at mas nagkakilanlan.

"Joyce, tulog na tayo gabi na, pahinga ka na dyan"sabi ko sakanya at tumayo ako para iligpit ang mga balat ng prutas na kinain namin at pumwesto na ako sa dating tulugan ko.

"Alex dito ka na sa tabi ko"sabi ni Joyce, nagulat ako pero wala na akong magawa kasi umusog na sya at di ko sya mahindian. Tumabi na ako sakanya at humiga, inabutan nya ako ng kumot pero di kami kasya.

"Sige na ikaw na lang magkumot"sabi ko

"No, hati na tayo, umusog ka dito"sabi nya

"Good night Alex"

"Good night Joyce"

-----------------------

Enjoy reading guys :)

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now