Chapter Twenty-six

3.6K 96 2
                                    

Joyce's POV

Napakalakas ng ulan, andito na sa Manila yung bagyo, pauwi pa lang ako galing opisina ko ng biglang huminto ang kotse ko. Bad trip! Ayaw magstart ng kotse, hinanap ko yung cellphone sa bag ko, and great! Lobat ang phone ko. God! Pano ako uuwi, looks like I am in the middle of nowhere. Napakalakas ng ulan, zero visibility, yung mga kotse na kasabay ko wala man lang huminto upang tingnan kung OK ako. Hay ano ba yan! C'mon Joyce magisip ka ng maayos.

Isip.

Isip.

Isip.

Isip.

Isip.

Lalabas ako, bubuksan ko ang hood at baka may makapansin sakin. Bubuksan ko na yung pinto ng biglang maisip ko, wala pala akong payong. Napaka gandang timing naman neto, tumirik yung kotse ko, malakas ang ulan, lobat ang phone ko, wala akong payong, at hindi ko alam kung nasan ako. Hay what great day talaga.

Pumikit ako. Nagisip. Dumilat. Huminga ng malalim.

OK lalabas ako, bubuksan ko ang hood kahit wala akong alam sa pagaayos neto bubuksan ko na lang at baka may makapansin sakin. Huminga ako ulit ng malalim at lumabas ng sasakyan.

Napakalakas ng ulan, wala akong magawa. Binuksan ko yung hood, tumingin tingin ako sa paligid pero wala talaga.

I feel helpless. Naiiyak na ako sa takot. Iiyak na ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"Miss are you OK?" si Alex.

Agad nya akong nilapitan at pinayungan, basang basa na ako pero di nya alintana at inakbayan nya ako habang nakapayong kami.

"Joyce ano nangyari?" tanong nya

"Biglang tumirik eh, di ko alam gagawin ko. Lobat phone ko di ko matawagan si mama, o kahit sinong makakatulong sakin" sabi ko

"Buti malapit ka dito sa opisina ko nasiraan, tara dun tayo sa loob" binaba na nya yung hood ng kotse ko, at kinuha ko na yung bag ko at nilock namin yung kotse. Naglakad kami sa baha na abot hanggang paa lang namin. Infeel safe with her, inaalalayan nya akl hanggang makarating kami sa isang building.

Ginaw na ginaw ako, nanginginig na ako sa lamig. Kung gano kalakas ang buhos ng ulan ay ganun din ang lakas ng hangin. Kinausap ni Alex yung guard at pumasok na kami. Tahimik lang ako. Sumakay kami ng elevator, hindi pa rin nya ako binibitawan. Nakaakbay pa rin sya sakin at hinahaplos ang braso ko.

Huminto ang elevator sa 8th floor. Walang tao, tahimik na dito. Ano pa nga ba ang ieexpect ko late na, at tapos na ang work hours. Naglakad pa kami ng konti hanggang sa makarating kami sa isang kwarto. Binuksan nya yung pinto at inalalayan ako hanggang sa makaupo ako sa couch at binigyan ako ng jacket.

Lumabas sya ng kwarto. May malaking bintana sa kwartong ito, kitang kita ko ang lakas ng ulan at hangin sa labas. Di pa nakuntento at kumulog pa ng napakalakas. Maya maya andito na si Alex, may dala syang kape at mga damit. Inabot nya sakin yung dala nya at sinabi na magpalit na ako at basang basa ako. Tumango naman ako at lumabas ulit sya.

Nagbihis na ako, pinatong ko yung damit ko sa couch, sinuot ko ulit yung jacket na bigay nya. Inayos ko sarili ko, nakakahiya naman kung mukha akong wasted. Ewan ko pero gusto ko presentable pa rin ako sa harap nya. Nang mukha na akong OK ay tinawag ko na sya ulit at pinapasok.

Nakapagbihis na rin sya, at umupo sa tabi ko. Tinanong nya ako kung giniginaw pa ba ako. Umiling ako at binigyan sya ng tipid na ngiti. Medyo ayos na ako, medyo mainit na sa pakiramdam, nakatulong pa yung kape na dala nya.

Kinuha nya yung cellphone ko at ichacharge daw nya. Nagoffer din sya na kung may gusto akong tawagan eh may telepono sa lamesa nya. Bigla ko naalala sila mama. Nagexcuse ako at pumunta sa lamesa nya. Napansin ko ang name plate sa lamesa nya 'Alexandra Sandoval, CEO' opisina pala nya ito. Ang ganda at elegante. Tinawagan ko na sila mama at sinabi na di ako makakauwi at wag na sila magalala.

Umupo na ako ulit sa tabi nya, "Ang ganda ng opisina mo" sambit ko

"Namana ko lang to sa dating may ari ng kompanya, sakin nya pinagkatiwala ang paghandle nito kaya ayan walang nabago kundi yung pangalan sa table. Kamusta na pakiramdam mo? Ayos ka na ba? Pasensya ka na yan lang ang meron ako na mapapasuot sayo eh" sunod sunod nyang tanong sakin

"Ano ka ba, this is too much. Kung di mo nga ako nakita siguro until now nasa ulanan pa rin ako at baka sa kotse ako nagpalipas ng gabi" magiliw kong sagot sakanya

Nginitian nya naman ako bilang tugon. Nanginginig pa rin ako, halata sa kamay ko. Lumapit sya sakin, hinawakan nya ang kamay ko at hinaplos ito upang mawala ang lamig. Sumandal ako sa balikat nya at bumulong ng thank you. Naramdaman ko naman na ngumit sya. Unti unti na rin bumigat ang mga mata ko. Nakatulog na ako. Naalimpungatan ako. Kinukumutan nya ako. Napakamaalagaain nya talaga, parang nasa isla lang kami. Hindi pa rin nagbabago ang pagtrato nya sa akin. Aalis na sana sya ng hinawakan ko ang kamay nya.

"Alex please dito ka lang" umusog ako sa couch para magkasya kaming dalawa. Humiga naman sya sa tabi ko. Niyakap ko sya. Ang init. Ang init ng katawan nya. Ang sarap sa pakiramdam. Umunan ako sa braso nya, ang bango nya, hindi matapang ang pabango nya. Di pangbabae, di rin panglalake, sakto lang. Kinuha ko ang braso nya at iniyakap ko sa akin. Gusto ko maramdaman yung yakap nya. Maya maya pa ay nakatulog na ako.

Umaga na, paggsing ko wala na sya sa tabi ko. Tumingin ako sa bintana at malakas pa rin ang ulan. Tumawag ako kela mama para sabihin na uuwi din ako ngayon. Nagdala sya ng almusal namin, pinaayos yung kotse ko at inalagaan ako, di ko alam kung pano ako babawi sakanya.

Lumapit ako at niyakap sya. Niyakap naman nya ako pabalik. Pagkabitaw naming dalawa hinawakan nya ang mga kamay ko, tinitigan ako sa mata habang papalapit ng papalapit ang labi nya sa labi ko. Hindi ako makagalaw, sinasabi ng isip ko na mali pero yung puso ko sumasangayon sa mga nangyayari. Papalapit na ng papalapit yung labi nya, di na mapakali ang puso ko, malamig pero pakiramdam ko pinagpapawisan ako. Isang pulgada na lang ang layo ng labi namin sa isat-isa. Pumikit ako.

Ring...

Ring...

Ring...

Tumunog ang telepono sa lamesa nya. At natauhan kaming dalawa, lumapit sya sa desk nya at sinagot ang tawag.

"Ah Joyce ayos na yung sasakyan mo, nagaantay na sa baba" sabi nya. Nainis ako. Nabitin ata ako? Nagexpect ako ng halik. Argh! Joyce behave!

Nagpresinta ako na ihatid na lang sya kahit na out of way ayos lang, makabawi man lang ako sa pagaalaga nya sa akin. Pagdating namin sakanila, hinalikan ko sya sa pisngi. Di ko alam, pero bigla na lang nangyari. Body language kumbaga.

Andito na ako sa bahay namin, alalang alala si mama sa akin. Kinuwento ko naman sakanya kung sino ang kasama ko kagabi. Natuwa naman sya ng malaman nya na si Alex ang kasama ko. Konting kwentuhan pa at nagpaalam na ako na aakyat na sa kwarto ko at pagod ako. Sinabi ko din kay mama na di na muna ako papasok sa opisina. Tinawagan ko din ang secretary ko para sabihin na iemail na lang sakin ang mga bagay na dapat kong pirmahan o ang mga proposals.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong ibinagsak yung katawan ko sa kama. Pumikit ako, sa pag pikit ko si Alex ang nakita ko. Nagflashback agad sakin lahat ng nangyari kagabi. Yung pagyakap ko sakanya, yung muntik na namin halikan sa opisina nya, yung mga nakaw na tingin nya na akala nya hindi ko napapansin. Habang nagpaflash back sakin lahat ng yun kinakabahan ako, napakabilis ng tibok ng puso ko. Yung tyan ko di mapakali. I don't know this feeling. I've never felt this way before.

--------
Hi guys! Lame update. Sorry.

Hope you keep on reading my work :)

MsSky

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now