Chapter Thirty-nine

3.4K 76 5
                                    

Joyce's POV

Halos one week na rin akong andito sa ospital binabantayan si mama. Gusto na umuwi ni mama sa bahay at dun na lang daw magpagaling kaso sabi ni Mark ay inoobserbahan pa sya. Maganda naman na ang mga tests nya pero gusto makasiguro ni Mark. Si papa naman nasa bahay lang, at medyo OK na sya, pero sa halos gabi gabing paginom nya ay di naging maganda para sa health nya kaya naman naghire kami ng personal nurse para tingnan sya at alagaan sya. Kami naman ni Alex ayun panakaw ang skype namin, ayaw ko kasi na malaman ni mama at baka mas lalong sumama ang pakiramdam nya. Tuwing tulog lang si mama saka kami nagkakausap ni Alex. Miss na miss ko na sya, miss ko na ang yakap nya, ang mga halik nya, kung pano nya ako alagaan. Its been 45days nung naging kami, first month was the best. Pero eto ngayon sunod sunod ang problema.

"Joyce umuwi na tayo, asan ba yang si Mark, kaya ko naman na" sabi ni mama

"Ma naman narinig mo naman sinabi ni Mark di ba, di pa po pwede" sabi ko habang pilit na pinapahoga si mama dahil sya ay nagpupumilit na bumangon sa kama

"Hay naku umuwi na tayo, dun na lang ako sa bahay magpapagaling"

"Ma naman wag na matigas ang ulo. Dito muna tayo" pagmamakaawa ko at nahiga na sya ulit sa kama nya

"Anak..."

"Yes po?"

"Anak gusto ko humingi ng tawad sayo, sa inyo. Sa ginawa ng papa mo. Sana mapatawad mo pa sya, kapakanan mo lang ang hanggad nya"

"Ma wala naman akong sama ng loob sa inyo ni papa. Ang akin lang po sana naman tanggapin nyo yung desisyon ko na si Alex ang mahal ko. Ma alam nyo kung gano ko kayo kamahal ni papa. But please, let me love her. She is everything to me, you and papa" bumuntong hinga lang si mama at pumikit. Hinawakan ko ang kamay nya at nagmakaawa sakanya.

"Ma yun lang po ang hiling ko sainyo ni papa. Please let me, she makes me happy, sya lang ang nakakapagpasaya sakin ng ganito"

"Anak, wala naman problema sakin. Nabigla lang ako nung pumunta kayo sa bahay. Syempre anak kita at ang pangarap ko para sayo ay bumuo ka ng sarili mong pamilya, pero sino ba naman ako para pigilan ka sa kung sino ang gusto mong mahalin di ba? Anak tatandaan mo kahit sino pa mahalin mo tatanggapin ko yan, anak kita at kaligayahan mo ang importante sa akin. Simula nung pinuntahan mo ako dito sa ospital napansin ko kung gano kalungkot ang mukha mo, tumatawa ka pero hindi yung tawa na buong buo. Anak gusto ko maibalik yung ngiti na yun sayo, kaya kung si Alex talaga ang mahal mo, mamahalin ko din sya bilang anak ko" ngumiti sya at naluluha na nakatingin sa akin

"Thank you ma. Thank you so much" niyakap ko sya ng mahigpit habang ako ay naluluha sa galak

"Ma tatawagan ko lang po si Alex, miss na miss ko na po sya eh" sabi ko

"Wag na" nagulat ako sa sinabi nya

"Ha?"

"Sabi ko wag mo na tawagan, papuntahin mo dito para makahingi ako ng tawad sakanya ng personal" nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya at niyakap ko sya ulit bilang pasasalamat

Ring...

Ring...

Ring...

Calling Mahal...

"Hello mahal, napatawag ka? May problema ba?" sagot nya

"Ah wala naman mahal" sumenyas si mama na sya daw ang kakausap kay Alex kaya naman binigay ko agad ang cellphone ko sakanya. At pinalagay nya ito sa loudspeaker

"Mahal di ka na nagsali--"

"Hello Alex mama ni Joyce ito"

"Ah he--llo po" kinakabahan sya

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now