Chapter Thirty-six

3.1K 81 3
                                    

Alex's POV

Its been a week, andito ako ulit sa ospital for my follow up check up at para kunin ang results ng lab tests ko. Since alam naman na ni Leila yung about dito nagpumilit sya sumama para malaman din nya yung resulta.

"Best kinakabahan ako" sabi ni Leila at di sya mapakali habang inaantay namin yung doctor na magbabasa ng results

"Kumalma ka Lei, daig mo pa nanay ko kung magalala ka eh" pangaasar ko sakanya at tumawa ako

"Shut up Alex! Alam mo naman kung gano kita kama--" di natapos ni Lei ang sasabihin nya ng biglang dumating yung doctor ko.

Inabot namin sakanya yung test results, sinuot nya yung eye glasses nya and look at my lab results. He's looking at it closely, and examining it.

After a long silence.

"Miss Sandoval" sabi ng doctor

"Po?" at pinisil naman ni Lei ang kamay ko habang nagaantay kami ng sasabihin ng doctor. Para kaming mga bata na nagaantay habang bumibili ng ice cream.

Huminga sya ng malalim. Juskolord! Wag mo na patagalin pa yung kaba ko.

"Doc?" tawag ni Lei sa doctor at halatang kabado rin sya

"Based on your test results, we don't need to worry, as what I can see nothing is wrong with the results. Maybe what you need is an opthalmologist. I suggest you have your eyes checked by a specialist"

Sa sinabi ng doctor, nakahinga kaming dalawa ni Lei, ang itsura namin para kaming nabunutan ng tinik sa lalamunan. Pagkatapos ng check up ay agad kaming pumunta sa opthalmologist, may kakilala daw si Lei na experto kaya naman dun na lang kami didiretso.

Andito na kami sa clinic. Sinalubong naman kami ng isang magandang babae, di sya maputi, di rin morena, sakto lang. Matangkad, nasa 5'5" siguro at maganda ang hubog ng katawan.

"Hi Lei, kamusta?" bati nya at nagbeso naman sila

"Hi che, I'm doing good" sagot naman ni Lei

"Napadaan ka?" tanong nya

"Yeah. Alex needs to have her eyes checked" at kinamayan ko naman yung doctor.

"Well you are on the right clinic, the best opthalmologist in the country is here" sabay turo sa sarili nya, medyo mayabang din tong taong ito eh ano?

Pinapasok na ako sa loob at si Lei ay naiwan magisa dun sa waiting area.

Pagupo ko ay pumasok na si che, yung sumalubong sa amin.

"So you are Alex right?" at tumango naman ako

"The Alex that she kept telling me, I finally met you" sabi pa nya pero di ko na lang pinansin

Sinuotan nya ako ng weirdong salamin at pinabasa sakin yung mga letters sa harap ko.

"How long you've been dating?" plain na tanong nya

"Sorry?" sagot ko naman

"You and Leila, how long have you been dating?" natawa nalang ako

"Kami? No we are not dating. And I am already in a relationship, she is my best friend" sagot ko naman

"So, she is still single" sabi pa nya habang pinapalitan yung lenses ng glasses at pinapabasa ulit yung mga letra

Kinuha na nya yung weird glasses sa akin at pinatayo na ako. Lalabas na sana ako ng di ko mapigilan na magtanong sakanya.

"Why are you asking about us?" curious na tanong ko at natawa naman sya.

"Why do you need to know? Akala ko ba walang kayo?" tanong nya with matching nakakalokong grin. Bwisit to ah, nagtatanong lang eh.

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now