Chapter Fourty-five

2.4K 48 11
                                    

Joyce's POV

Halos isang linggo na kaming andito sa bahay. Sa loob ng linggo na yan ay mga apat na beses lang sumakit ang ulo ni Alex. Habang dumadaan ang mga araw ay mas lalo akong kinakabahan. Napapadalas ang tulog nya, yung paglalakad nya at pagsasalita ay naapektuhan na din. Ramdam na ramdam ko na unti unti na syang kinukuha sa akin. Yung mga sinabi ng doctor na mangyayari at mararamdaman nya ay unti unti nang lumalabas.

Sa bawat gabi na matutulog kami ay di ko maiwasan na kabahan, kaya di ako malalim matulog. As much as possible ay pinipilit ko na mababaw ang tulog ko at maya't maya din ang gising ko upang tingnan kung andito pa ba sya. Baka kasi paggising ko ay wala na sya. Tuwing matutulog kami ay gustong gusto ko na nakayakap sya sakin at nakasiksik ang mukha ko sa leeg nya. Sa ganung posisyon ko naririnig ang pagtibok ng puso nya at nararamdaman ang paghinga nya.

Nakakatakot. Bawat segundo na lumilipas ay alam ko na palapit ng palapit ang dulo. Tuwing natutulog si Alex ay pinagmamasdan ko sya at di ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at lumabas muna ng kwarto upang maghanda ng lunch namin pag gising nya.

Habang nagluluto ako ng paborito nyang adobong baboy na maanghang na may patatas ay may nagdoorbell.

Wala naman kaming inaasahan na bisita ngayon o kaya ay di naman ako nagpadeliver ng kung ano. Agad akong lumabas at tiningnan kung sino ito at nagulat ako.

Si Leila.

"Oh Lei, pasok ka" nakangiti sya at may dala dala syang mga prutas.

Kinuha ko ang mga bitbit nya at pinapasok sya sa bahay.

Pinaupo ko sya sa sala at inayos ang mga dala nyang prutas sa lamesa. Inalok ko sya ng juice at sandwich.

Nagtimpla ako ng juice at gumawa ng sandwich. Dinala sa sala at nilapag sa coffee table namin. Pagkatapos ay naupo ako sa harap nya.

"Pasensya ka na ha, nagluluto pa kasi ako eh, kaya ayan na lang muna" ngumiti naman sya bilang tugon sa akin.

"Kamusta si Alex?" tanong nya

"Ayos naman sya. Natutulog sya ngayon" tipid na sagot ko

Tumango sya at uminom ng juice. Saglit na nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

"Ikaw Joyce, kamusta ka?" basag nya sa katahimikan.

Tiningnan ko sya at ngumiti. Kamusta nga ba ako? Tanong ko sa sarili ko.

"Ayos naman ako" tipid na sagot ko.

Tumayo sya at tumabi sa akin. Hinawakan ang kamay ko at tiningnan ako sa mata. Yung tingin nya nagsasabi sa akin na ayos lang umiyak. Ayos lang maging totoo sa nararamdaman.

Di ko na napigilan ang mga luha ko at tumulo na naman ito. Agad akong niyakap ni Leila. Di naman kami ganun kaclose pero niyakap ko sya.

"Joyce, alam ko mahirap. Pero pag ako na kaharap mo di mo kailangan magpanggap na malakas ka. Pwede ka umiyak, pwede ka maging mahina sa harap ko" sabi nya habang hinihimas ang likod ko. Lalo akong napaiyak sa sinabi nya. Totoo naman, araw araw nagpapakita ako ng lakas. Dahil alam kong sa akin lang kumukuha ng lakas si Alex. Na kahit kitang kita ang pagod nya ay nagagawa nyang ngumiti at iparamdam na ayos lang sya. Na sa likod ng kalakasan na pinapakita ko kay Alex ay nagkukubli ang takot ko. Takot na maiwan, takot na mawala na sya ng tuluyan sa akin.

Naalala ko na nagluluto nga pala ako ng pananghalian namin. Kaya naman kumalas na ako sa yakap namin, nagpunas ng mga luha at pumunta na ulit sa kusina upang ituloy ang pagluluto ko.

100 days with the PrincessWhere stories live. Discover now