8. When a moment gone wrong

6.6K 184 2
                                    

Natahimik kaming lahat dahil siguro yan na ang pinakamataas na nasabi ni Void. Congrats sakanya , makapag-celebrate nga mamaya hahaha.

"Guys kailan party? Yung chocolate fountain ha siguraduhin niyo lang" ngiti-ngiting sabi ni Nixx. Napa-poker face nalang si Vixx sa kapatid niya.

Ang sarap nilang pag-untugin ni Karthy. Tinignan ko si Karthy at kulang nalang maghugis puso yung mata niya. Gosh bakit ba ko napapaligiran ng mga wierdo?

"I'm damn serious Nixx Alonzo" seryosong sabi ni Void. Nixx just stick his mouth out and continue eating.

"I recieved one" sabi ko habang tinusok-tusok yung steak.

"The first time you step on the academy you already started the game. And the only way to escape is to play along" bigkas ko rito. Tumahimik naman si Void at kumain narin ulit same as me.

"Excuse me" tumayo na si Void at lumabas ata ng Dorm.

"Karthy ikaw nang maghugas. Huwag ka ng magreklamo kung ayaw mong mabatukan." tumayo na si Lisa pagkatapos niyang sabihin yun.

"Why me?! You are so sama talaga to me Lisa! Hmmp" padabog naman tumayo si Karthy at sinimulan ng magligpit ng mga pinagkainan namin. Kawawang Karthy haha

"Kita ko na future mo, Karthy" natatawang sabi ko.

"Nixx tulungan mo na si Karthy may gagawin pa ako" tumayo narin si Vixx. "Basta may chocolates pagkatapos ko kuya ah!" magiliw na sabi ni Nixx. "Oo na!" Rinig naming sigaw ni Vixx.

"Anluh! Let's make hati sa chocolates ha" ngiti-ngiting saad ni Karthy. Ngayon ko lang napansin, bagay sila.....bagay silang pag-untugin.

Tumayo narin ako at lumabas ng dorm. Wala akong magawa sa dorm kaya mags-sight seeing nalang siguro ako sa rooftop.

Malayo-layo rin ang mataas na building saamin kung saan ang rooftop. Sabi kasi nila na doon daw sa rooftop para ka daw'ng nasa langit.

Para daw kasing pagtitingkayad ka lang ay maabot mo na ang mga bituin sa langit. Nang makarating ako sa pinakamataas na building rito sa Steel ay ginamit ko na ang elevator. 10 floors kasi meron ang building nato. And every floors ay may designated departments like History depts and etc. Kumbaga every floors iba iba ang subjects.

Nang makarating ako sa rooftop ay may nakita akong naka-upo sa may dulo. Matakot nga tung si Void. Oo si Void ang nandito at siya na muna paglalaruan ko.

Padabog kong sinara ang pinto at dali-daling pumunta sa may switch ng ilaw. Mabuti nalang at may mataas na cabinet dito na mapagtaguan ko.

Narinig ko naman siyang namura kaya natawa ako ng mahina. Sinimulan kung i-on-off ang ilaw at si Void ayun sunod-sunod ang mura habang naglalakad sa isang upuan at unupo dun habang niyayakap ang sarili habang nakapahalumbaba.

Dahan-dahan akong lumapit sakanya at ginulat siya sabay sundot sa tagiliran.

"Waaaahh!!!" Sigaw niya habang nakahiga at nagcross finger habang mangiyak-iyak na sa takot.Hindi ko na mapigilang matawa kaya halos humiga na ako sa sahig sa sobrang tawa ko.

Isang masungit at cold na si Void ay isa palang matatakutin. Laughtrip din yun no. Natigil lang ako sa pagtawa ng parang may nakatingin sakin.

Ibinaling ko ang tingin kay Void na ang sama ng makatingin sakin. I just stick my mouth on him at saka umupo sa silya.

"That was not a good joke Vein!" Sigaw nito sakin at pasikretong pinunasan ang luha niya. Inilahad ko naman sakanya ang panyo ko pero tumalikod lang siya at naglakad papuntang pinto.

Steel Academy : School of CruEntsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now