16. Voiden

4.5K 144 25
                                    

Dedicated to : AngelikaSorbito & Wingless_dove

Vein's Point of View

Nakalabas narin ako sa hospital sa wakas. Nabatukan ko pa nga si Vixx eh, bwesit kasi yung joke niya. Si Void naman ewan ko kung imahinasyon ko lang o hindi eh pero parang ang sweet niya. Pero si Void magiging sweet? Imahinasyon ko talaga ata yun eh.

Tulala lang ako dito sa bintana, ewan ko ba feel ko ang lutang ko ngayon. Yung parang may kulang sakin. Naaalala ko na naman yung kanina. Argh Void bat ka ba ganyan? Why are you acting sweet all of a sudden? Kanina kasi...

Nag-aayos na ako ng buhok ko ng may kumatok sa pinto. Bwesit na Lisa sabi ng nakabangon na ako eh. Lumapit ako sa pinto at handa na sana siyang bungangaan ng si Void yung bumungad sakin.

"S-sorry akala ko si Lisa" ngumiti lang siya at tumango. Pumasok siya sa kwarto ko, ako naman itong lutang. Ngumiti siya, ngumiti siya! Tumabi agad ako sakanya sa kama.

"Void, ngiti ka nga ulit." Tinignan niya lang ako na para bang sinasabing "seryoso ka ba?". Tumango naman ako sakanya kaya siya itong napabuntong hininga. Niready ko na yung phone ko. May button kasi to na kapag ik-click ko automatic na yung kukuha ng picture.

Pagngiti niya ay nilabas agad ako then click, yes! Tinignan ko naman siya na nakaawang ang bibig at tulala. Dun niya lang ata narealize yung ginawa ko.

"Delete it Vein" yung boses niyang puno ng autoridad. Dinilaan ko na siya at tumakbo ng pinto kaso nahapit niya ako sa bewang. Pilit niyang inaabot sakin yung phone ko. Para tuloy siyang nakayakap sakin, pero wala akong paki. Dahan dahan akong lumapit sa kama ko, pero para akong pagong dahil siya itong pinipigilan ako at pilit inaabot ang phone ko.

Makukuha ko na sana yung unan kasi kiniliti niya ako. Kama tuloy bagsak ko. Pinilit kong inaabot yung unan kahit tawang tawang na ako sa pangingiliti niya. Hinahawakan ko ng mahigpit yung phone para di niya makuha.

"I give up pfft Void please!" Tumigil naman siya at humiga rin sa kama. Taas baba yung balikat niya, tuwang tuwa eh nakikita akong namimilipit sa kiliti. Humarap siya sakin at nilahad yung kamay niya.

"Now, give me your phone." Dinilaan ko siya at tatalikod na sana ng bigla niya na namang hinapit yung bewang ko at nilagay sa ibabaw niya.

"Give it now Vein or i'll kiss you" nagpumiglas ako sakanya, pero ang lakas niya.

"A.Y.O-

Hindi maproseso ng utak ko yung ginawa niya. Y-yung s-second kiss ko. Hindi ko alam pero kusa nang pumikit yung mata at dinamdam yung halik. When he stopped ipinagdikit niya yung noo niya sakin.

"Gotcha"

Fxck I lost grip on my phone. Maingat niya naman akong ibinaba sa kama at agad ikinalikot yung phone ko. Yung ngiti niya napawi agad ng makita ang screen ng phone ko.

"May password bleh" dinilaan ko naman siya. Pero napawi rin ang ngiti ko ng ma-open niya yun. Damn his a hacker!

"Yahh wag mong idelete yun lang yung picture mo na nakangiti!"

Halos maiyak ako ng makitang dinelete niya nga. Pinagsasapak ko na tuloy siya. Kaso hinawakan niya yung dalawa kong kamay gamit ang free hand niya, yung isa kasi nakahawak pa sa phone ko.

"Then let's take a picture, i'll smile promise."

"Talaga?!" Tumango naman siya. Aayusin ko na sana ang buhok ko ng pigilan niya ako.

"Ako na...

Hinahayaan ko na lang siya. Dahan dahan niya pa yung pinadausdos pababa. Napangiti nalang ako ng patago. Im a girl expect it or not, kikiligin ka talaga pag may gumawa niyan sayo.

"Tapos na, now come closer." Lumapit nga ako sakanya. Iginaya niya yung ulo ko pahiga sa may balikat niya. I feel comfortable though. We take four shots na nakangiti siya. Ewan ko kung pilit ba yun or what pero bahala, basta nakangiti siya.

 Ewan ko kung pilit ba yun or what pero bahala, basta nakangiti siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Oh ayan, halika ka na nga. Kakain pa tayo" inayos ko muna ang higaan ko at sabay na kaming lumabas ng kwarto. Pagdating sa kusina panay pa reklamo nila kesyo ang tagal daw namin. Bwesit to.

Ewan kompero tuwing naaalala ko yung picture naming dalawa kinikilig ako. Aishh, damn Void bakit mo ba to ginagawa. Ang tagal naman ng break time gusto ko na siyang maki- what the eff Vein what are you saying?! Are you out of your senses?!

"Kyaahh ang gwapo talaga ni Void!" Girl1

"Omoo susunduin niya na ata ako" Girl2

"Feelingera, ako kaya tapos magl-lunch date kami Eiiee" Girl3

Napairap nalang ako sa mga pagpapantasya nang mga babae sa hallway. Sakto ring nag-bell na kaya nag-ayos na ako ng gamit ko. Nahulog ko naman yung makapal kong libro na sa paa ko pa talaga nahulog. Kagat labi ko yung hinilot ng mawala wala na yung sakit pupulutin ko na sana yung libro kaso may nauna. Nang mahawakan niya yung kamay ko, ilang libong boltahe akong naramdaman na naglalakbay sa ugat ko. Bigla ring tumibok ng mabilis yung puso. Pag-angat ng tingin ko it was, it was Void.

Kinuha niya na yung libro ko at tumayo rin. Kinuha ko na yung bag ko at kukunin na sana yung libro dahil ilalagay ko pa yun sa locker. Eh ayaw niya ibigay siya nalang daw. Wala na kong nagawa dahil kahit anong pilit ko ayaw niya talagang ibigay.Pumunta muna kami sa locker room bago dumeritso ng cafeteria.

"Omayghad, sila ba? Bagay sila, I ship them."

"Tss bitch, kala niya naman bagay sila."

" Yahh ang cute nila oh"

" I agree sis"

Umalis na kami dun pagkatapos niyang ilagay yung libro ko at pumuntang caf. Umupo kami sa usual spot namin, umalis muna si Void para mag-order. Actually sina Lisa at Vixx yung nakasanayang mag-order. Hindi namin naaasahan sina Karthy at Nixx dahil chocolates lang ang alam nila. Sina Hash at Danielle, tatapunan lang kami ng blankong expression. So we always end up with Vixx and Lisa.

Iba iba na kasi kami ng sections. Ipinaghiwalay nila kaming Quings. Kumain na rin kami, ako panay lang subo sila itong nag-iingay. Panay na nga tingin yun iba dito sa table namin at napapa-iling. Natahimik lang sila ng may biglang dumating dito sa table namin.

"Hey bitches, hey Void" nagpacute pa siya kay Void at kumaway sakanya. Akala niya naman ikinicute niya yan. Hindi siya pinansin ni Void at napadako ang tingin namin kay Kae.

"You know what, may nalalanghap akong masamang hangin." nakangisi nitong saad.

"Oo nga may narinig rin nga akong nagsalita eh, Gosh nakakakilabot" dagdag pa ni Lisa.

"Narinig niyo ba yun Danielle, Hash?" Umiling naman ang dalawa. Abat marunong naman palang makisabay.

"Arghh I hate you" pag-alis ni Emerald kumalawa kaming lahat ng tawa. Pati sina Hash, Void at Danielle napangisi nah sa kabaliwan nila Lisa at Kae.

Haiist Lord, pano po ba ako nagkaroon ng mga baliw na mga kaibigan?

- - -

NOTE: REVISED ✔

Steel Academy : School of CruEntsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now