18. Datesaster

4K 136 3
                                    

Wingless_dove AngelikaSorbito SharissaOlayer arabrgndtjeon

Vein's Point of View

Fudgeeee ang sakit ng ulo ko! Natinag lang ako sa paggulong gulong ko dito sa higaan ko ng may kumatok at pumasok sa kwarto ko. It was Void, may dala dala siyang wait- is that breakfast. Bigla naman kumulo ang tiyan ko kaya siya naman itong natawa. Tinignan ko lang siya ng masama at umupo na muna.

"Kumain ka muna. I cooked that same goes with the soup, makakawala yan ng hangover mo" tumango lang ako sakanya at kumain narin. Hmm damn ang sarap ng luto niya. Nakita ko namang pumasok siya sa maliit walk in closet ko. Pinabayaan ko nalang, mas mabuti ng pagtuunan ng pansin ang pagkain kesa sakanya no.

"Inumin mo yang gamot pagkatapos mong kumain." Tulad nga ng sinabi niya ininom ko rin yun. Medyo wala na yung sakit ng ulo ko. Medyo nailang naman ako dahil habang umiinom ako ramdam ko naman yung titig niya. Inirapan ko siya dahilan para iniwas niya yung tingin sakin.

"Asan yung iba?" Muntik ko ng makalimutan Saturday ngayon. Kaya malayang makakalabas lahat ng estudyante pero ako dito parin bagsak ko. Remember pinasabog ng mga lecheng tao ang bahay ko. Mga walang magawa tss.

"Umalis na uuwi na daw muna sa kanya kanyang buhay at magsasaya kasama sarili nila, mga baliw." Tanging pagtango nalang ang naisagot ko at humiga. Tinignan ko naman siya at kita ko kung pano nagtaas ang kilay niya.

"Wag ka ngang humiga lang diyan, maligo ka. Gagala tayong mall. Nakakatamad dito" umupo ulit akong kama ko at tinignan siya. Nagawa ko pang idampi yung likod ng palad ko sa noo at leeg niya na agad niya namang tinampal.

"Ano ba?!"

"Kasi naman this past few days ang bait mo na sakin ni halos noon nga gusto mo na akong ilibing ng buhay sa pagsira ko sa tambayan niyo." Kunot parin yung noo ko sakanya. Ibinaling niya naman ang tingin niya saking napakaseryoso.

"People change Vein specially when they get striked"

"Huh?" Naguguluhan kong sabi. Anong binubulong bulong nito?

"Diba sabi ko maligo kana? O baka gusto mo namang ako pa mismo magligo sayo like sasabunin ko mukha mo, leeg mo tapos-

"Che! You perv!!" Padabog akong tumayo at kinuha na yung tuwalya ko. Bwesit to nang-iinis na naman. Kanina lang ang bait bait niya. May pa breakfast in bed pa yun pala may kapalit, yung pang-aasar niya.

Pumasok na akong banyo at ginawa ang mga kailangan at dapat gawin. Pagkatapos lumabas narin, napatili pa ako ng makita siyang nakahiga sa kama ko.

"Argh umalis ka nga magbibihis ako!" Sigaw ko sakanya at nag hand gestures pa. Tinaasan niya lang ako ng kilay at tinuro ang pares ng damit na nakalapag sa may paanan niya.

"Anong gagawin ko diyan?"

"Malamang susuotin. Yan isusuot mo, I hate looking at you wearing those expressive clothes. Kulang nalang magbra at panty ka." Napa-irap nalang ako.

"Lumabas ka muna magbibihis ako." Tinulak ko na siya pababa sa kama ko pero di natinag.

"You can change even if i'm here, I won't mind seeing you naked." Nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa screen ng cellphone niya. Tinapunan ko naman siya ng matatalim na tingin at tinapon sakanya yung indoor slipper ko.

"Pervert Jerk!" Umalis na ako run bago pa ko mapikon sakanya.

"Vein! Gusto mo ako magbihis sayo?!" Rinig ko pang sigaw niya na mas lalong ikinainis ko bwesit talaga!

Nagbihis na nga ako, may sense of fassion naman siya eh. Isang long sleeved tshirt at denim shorts ang kinuha niya. I paired it up with my highcut shoes. Perfect, lumabas narin ako sa walk in closet ko at nakita parin siyang nakahilata sa kama ko.

"Ano tara na?" pinasadahan muna niya ako ng tingin at tumayo narin. Kinuha ko muna ang pitaka ko at cellphone ko pati narin earphones ko. Nakasunod lang ako sakanya hanggang makarating kami sa parking lot at huminto sa tapat ng isang pulang bughatti veyron.

"Bughatti Veyron? Nice car." May pinindot siya sa car remote niya dahilan para tumunog ito. Iginaya niya ako sa front seat at pinagbuksan ng pinto I mouthed "thanks" at tumango lang siya. Pinasadahan ko siya nang tingin habang umiikot papuntang driver seat.

Nang makapasok na siya ay binuhay niya narin ang makina at pinaandar na ito. Una naming pinuntahan ay mall. Bat ba tuwing may gala mall agad.

"Bili lang tayo ng ingredients at ng makakain tapos punta tayo sa place ko. Morie marathon trip ko ngayon." Tumango nalang ako sakanya. Movie marathon is a good idea. Pumasok na kami at pumuntang grocery.

Panay lang kuha ko ng chuckie habang siya namimili ng karne. Malapit lang kasi ang lagayan ng beverages at meat section kaya kumuha na muna ako. Sunod niya namang kinuha is mga gulay and such. Pagkatapos dun dumaan muna kaming baking area at kumuha na ako ng ingredients na gagamitin ko. Im going to bake cupcakes dun lang ako marunong eh.

Binayaran na namin lahat ng yun. Pumunta muna kaming food court at kumain na muna. Naglaro narin muna kami sa arcades. Malapit ng magtanghali ng lumabas kami ng mall. Sa condo ni Void ang bagsak namin ngayon. Sumasabay na lang ako sakanya tutal wa na rin lang naman akong bahay.

Tahimik lang kaming dawala, walang kibuan. Naka earphones ako ng mapansing panay ang tingin niya sa side mirror ng kotse.

"Anyayare?" Tanong ko sakanya. "Someone's following us" saad niya pero hindi inaalis ang tingin sa salamin. Shxt naman oh gutom nako!

"Stop acting cute"

Inirapan ko na lang siya at sinilip ang likod namin. Dalawang itim na kotse. Napatili ako ng may biglang putok akong narinig. Rinig na rinig ko naman ang sunod na mura ni Void.

"Vein marunong kang magdrive?" Tumango ako sakanya. Umalis siya sa upuan niya kaya lumipat na agad ako at ako na ang nagmaneho. May pinindot siya dahilan para bumukas ang itaas. Inilabas niya ang kalahati ng katawan niya at sinimulan ng pagbabarilin ang gulong ng mga sumusunod samin.

Binilisan ko yung pagpapatakbo ko. Kalaunan bumalik narin siya papasok at umupo sa front sit ako na ngayon yung nagd-drive. Itinuro niya nalang ang daan kung saan ang condo niya at nakarating narin kami sa wakas.

Bumaba na ako at tinulungan siyang kunin ang mga pinamili namin. Nilock ko muna yung kotse niya at sumakay narin kaming elevator papuntang 6th floor andun kasi ang unit niya.

Pagdating namin run ay kusina agad ang punterya namin dahil parehas kaming gutom.

- - -

NOTE: REVISED ✔

Steel Academy : School of CruEntsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now