SPECIAL CHAPTER: THE SILENT ONES

3.8K 115 46
                                    

Danielle's Point of View

Nabalitaan namin ang pagsali nila Vein at Void sa pageant nayun at nakakatawang isipin na sumang-ayon lang si Vein dahil lang sa kulay ng damit na susuutin niya. Like seriously what's with purple di hamak na mas maganda pa ang black kesa diyan.

Umalis na muna ako ng kwarto dahil sa ingay nila at lumabas ng dorm. Umupo na muna ako dito sa upuan ng veranda at dinama ang lamig ng simoy ng hangin.

Mabibingi na ata ako sa sigaw ni Karthy langya, pano ba naman alam ng matatakutin naghorror marathon pa. Mga baliw talaga mabuti nalang at napagtitiisan ko. Tapos sakin pa talaga itinatabi eh alam naman nilang ang dali kong mapikon.

Nabaling naman ang tingin ko sa pinto ng bumukas ito at iniluwa si Hash na ang gulo ng buhok. Marahan niya naman yung ginulo kaya mas naging messy ito, mukha siyang badboy. Napatingin naman agad siya sakin at lumapit dito sa pwesto ko.

"Sama ka?" Tanong niya sakin.

"Saan?" Ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa dorm ng girls dorm. Tanaw kasi yun rito eh pati narin ang boys dorm. Maaga pa naman kaya bukas pa yung mga ilaw sa bawat kwarto.

"Mall, nab-badtrip ako sa sigaw ni Nixx kaya lumabas nako. Maypa horror marathon pa kasing nalalaman." Well wala naman sigurong masama tutal wala naman akong gagawin.

"Sure nagh-horror marathon din sila eh" tumayo na ako sa pagkaka-upo at sumabay sa kanya sa paglalakad. Kumpleto ang Steel sa lahat. Malls, hospitals name it. Para narin tung isang city.

Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway. Nadaanan pa namin ang cafeteria.

Makikita rito kung gaano karami ang tao sa loob dahil sa glass wall nito, yung glass wall na bullet proof at hindi madaling mabasag yung ganun. May chandelier ding nakasabit na nagsisilbing ilaw sa malawak na cafeteria. Simula ng maging boarding school ito ay nagsimula narin sila sa pagr-renovate ng cafeteria at ibang classrooms and offices. Pati nga rin gym airconditioned na. Yeah ganun kayaman ang steel tss.

Nakarating na kami sa mall at naiinis na ako sa mga taong kung makatingin parang may kasalanan pa kami sa kanila walangya idagdag mo pa yung mga bulungan nilang di makatotohanan at nakakarindi pa tss.

Ohmayghad sila bah?

Gosh they're dating?! Kung sa isang Danielle Nayo lang din naman mapupunta ang crush ko okay na ako dun.

Kyaah gurl bagay silang dalawa.

Shxt kay Hash palang wala nakong laban pre!

Hindi ko na pinansin ang ibang bulungan. Starbucks kami unang pumunta para kumain muna. Kakakain lang namin sa dorm lalamon na naman kami dito hayss. Red Velvet cake at frappé. Dun na muna kami nagpalipas ng oras at lumabas narin para gumala.

Una naming pinuntahan is yung grocery. Libre kaming mabibili ito at pwede rin kaming magdala at makain ito sa iba't ibang parte ng mall. World of Fun ang una naming pinuntahan.

Nagpustahan kami sa basketball at ang mananalo ang kakain ng chocolate at ang matatalo ang kakain ng sili yung pangpapaanghang. Naghulog na kami ng tokens. Marunong naman akong maglaro kaya walang dapat ikabahala.

Fxck malapit ng maubos yung time namin at tie pa talaga kami. Nagsimula ng tumaas ang harang para pigilan ang bolang bumaba. Narinig ko ang mura niya kaya napatingin ako sakanya. Isang bola ang natitira sa kanya habang sakin eh dalawa. Shinoot niya yun at pasok namin, ngayon sakin na siya nakatingin.

Humarap nako sa ring at ishinoot ang hawak kong bola and ughh palyado pa seriously nang-aasar lang tss. It's now or never. Pag mapapalya to ako ang kakain pero pagmaishoot ko to at tie kami parehas kami ang kakain sa chocolate at sili. Huminga muna ako ng malalim at saka yun tinapon sa ere. Fxck please please please ng marinig ko ang tunog ng pagkahulog ng bola ay tinignan ko ang score ni Hash at ibinaling sakin. Literal namang lumaki ang singkit kong mata ng makita ang score 252-252 tinignan ko naman siyang bagsak ang mata at marahang natawa.

"Oi anyare sayo? Kita mo oh tie tayo kaya parehas tayong kakain ng chocolate at sili" napabuntong hininga naman siya at inilahad sakin ang kamay niya.

Kinuha ko naman mula sa bulsa ko ang isang sili. Ibinigay ko yun sakanya at nagpigil ng tawa. Kunot noo niya akong tinignan at isinubo ang sili. Ng tumunog na yung sili dun na ako natawa. Alam niyo pa yung sapatos na pambata na kapag matatapakan eh tutunog ganun kasi yung ipinakain ko sakanya, hindi naman yun madumi kaya okay lang. Natigil lang ako ng makita yung mukha niyang nayayamot.

"Haays di ka naman mabiro. Ito na oh" ibinigay ko naman sakanya yun. Pinisil niya muna yun kaya ayun nalaya yung sili sa kamay niya.

"Oh kainin mo yan ah" kita ko naman ang paglunok ng labi niya. Plano niya yatang lunukin iyon ng diretso well sorry siya dahil siya na mismo sumira ng plano niya. Ibinaling niya sakin ang tingin niya na siyang ikanataas ng kilay ko.

"Kunin mo yung sayo tapos pisilin mo rin tapos sabay nating isubo." Inosenti niyang sabi na siyang ikinalaki ng mata ko.

"Aba bahala ka ikaw may gawa niyan wag mo kong idamay." Napanguso ako at umiwas ng tingin sa kanya.

"Sige na para fair" niyuyugyog niya ako sa balikat ko kaya wala na akong nagawa kundi ang kunin ang sili sa bulsa ko at pinisil rin ito. Mahilig ako sa maanghang pero hindi yung ganito. Mapapasubo ata ako. Sabay naming sinubo yung sili at agad na pinaypayan ang sarili naming mga bibig.

"Sa grocery store dun may tubig." Nag unahan na kaming tumakbo at halos itulak na lahat ng tao sa escalator na wala namang nagawa kundi ang manahimik nalang ng mapansin nilang kami yun. Perks of being a QUING tsk

Ng makita na namin yung ref ng tubig ay agad kaming kumuha nun ng tig-iisa at agad itong ininom. Huminahon na yung itsura ko dahil nawawala-wala narin ang anghang.

Pagkatapos naming uminom napagpasya kaming bumalik na ng dorm. Pagdating ko sa kwarto naming mga babae para silang istatwa dun na nakatutok sa pinapanuod nilang horror movie habang nakatago ang kalahati ng ulo nila sa unan na niyayakap nila. Napailing nalang ako at pumasok ng sa kwarto. Nagpunas na muna ako at natulog narin.

- - -

Steel Academy : School of CruEntsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now