20. Back to normal

4.1K 124 16
                                    

arabrgndtjeon AngelikaSorbito Koreakoreaislife Wingless_dove yangminho2004 __REBELLIOUS__SOUL__

Vein's Point of View

Nagising ako na may katabi, na may kayakap. Hinawi ko na muna ang kumot at humarap sakanya. His still sleeping at ayoko namang gisingin siya. Dahan dahan ko nalang na kinuha ang kamay niya sa bewang ko. Pagtayo ko inayos ko na muna yung lock ng bra ko, nag-init naman bigla yung pisngi ko ng maalala yun kagabi.

Pumunta narin muna akong kusina pagkatapos kong maghilamos sa banyo. Pagdating ko run naghanap na ako ng pwede kong lutuin. I ended up cooking sinigang, namiss ko tuloy sina mommy at daddy. Mom used to cook sinigang every sunday, pagkatapos naming mag simba tapos kakain kami sa bahay dahil mas prefer niyang magluto ng sinigang kesa sa isang restaurant kumain then naggagala kami you know family bonding.

Hinihintay ko nalang maluto ang sinigang ng may biglang humawak sa balikat ko na nagpatili sakin sa gulat. Pagkaharap ko isang lalaking tawang tawa dahil sa ginawa niya. tss. Inirapan ko nalang siya at pumuntang kusina para icheck yung niluto ko, sakto naman at luto niya.

"You cooked?" Lumapit agad siya dito sa tabi ko at pinasadahan ng tingin yung luto ko. Nagkibit lang akong balikat sakanya at kumuha na ng pinggan na gagamitin. Nagmumukha akong nagf-feel at home sa pinaggagawa ko.

Tahimik lang kaming dalawang kumakain hanggang matapos kami. Ewan ko kung nasarapan ba siya or what pero bahala na nga. Pumunta na muna akong kwarto niya at nagsquat sa kama, wala akong magawa eh.

"Maligo kana Vein maliligo narin ako. Ako ng bahala sa damit mo,ilalagay ko nalang dito sa kama mo mamaya. Maggrocery muna tayo bago bumalik ng Academy"

Tumango ako sakanya at kalaunan ay umalis narin siya. Tulad nga ng sabi niya ay naligo na ako. Nagbabad muna ako sa tub at nagshower nalang din. Paglabas ko may damit narun at undies, sinuot ko na yun at lumabas.

Umalis narin kami sa condo at pumuntang mall. Naghiwalay muna kaming dalawa dahil may bibilhin rin ako, chocolates. Lux,hello,chuckies,milo,chocolate syrup and everything chocolate specially bread and nutella!! God kung may hindi man ako makakalimutan Nutella na talaga yun.

Nagtagpo rin naman kaming dalawa sa counter kaya isinabay niya narin yung akin. Naiinip na ako rito dahil yung babae panay pacute kay Void, eh ito namang damuho parang walang pake nakalimutan atang may naghihintay sakanya.

"Miss, kung wala kang planong bilisan yan please lang mawalang galang pwede kang umalis diyan sa pwesto mo at ikaladkaran dito sa mall na to kung gano ka nagmumukhang aso sa pagpapacute mo at ng ako ng magpunch ng mga pinamili namin ng mabilis." Hindi na ako makapagtimpi dahil nangangawit na tung paa ko. Pero yung kalooblooban ko parang may ibang dahilang ipanahihiwatig.

"Excuse me, and cute ko kaya" saad niya at inirapan ako. Napa-awang naman yung bibig ko at napalingon sa ibang direksyon.

"Ang lakas ng aircon whoo grabe bago ka siguro nagtrabaho humarap ka muna sa isang aircon at sinalubong ang mga hangin kaya ganyan kataas ang kumpyansa mo sa sarili mo." Sakto namang natapos na niyang ipunch yun mga pinamili naman kaya bago pa siya makapagsalita ay tinalikuran ko na siya.

Sumunod naman agad si Void sa akin. Naglalakad na kaming parking lot ng tahimik ng basagin niya yun.

"You sound like a possessive girlfriend there Nicky" nakangiting aso niyang saad na ikinatigil ko. Napahinto narin siya at tinignan akong kunot noo.

"Tss i'm not, I just hate that girl Nicko. Imbes bilisan niya yung galaw niya a- Stop." Hindi na niya ako pinatapos magsalita at iniwan akong tulala rito. Wow just wow he call me Nicky but I can't call him Nicko just wow big clap for you jerk tss. Alam kong yun ang ikinagalit niya remember dalawang tao lang daw ang tatawag nun sakanya tss.

Pumasok na ako sa front seat at siya naman itong binuhay na ang makina. Tahimik lang kami sa byahe. Nakabukas yung bintana at ipinatong ang dalawa kong kamay at ipinahinga dun ang ulo ko. Pinakiramdaman ko lang ang sariwang hangin hanggang makarating kami sa steel. Ngayon ko lang napansin na ang wierd pala ng logo. It looks like a shuriken a red one, it's cool.

Sa harap na muna kami ng dorm tumigil at kinuha muna ang mga pinamili namin. Tumulong narin yung ibang lalaki at si Void naman pumunta munang parking lot para ilagay roon ang sasakyan niya.

Andun silang lahat na mga babae sa sala nanunuod ng palabas. Umupo naman ako sa gitna ni Lisa at Danielle. Sa kabila ko si Danielle at Karthy habang sa kanan ko si Kae at Lisa. Ewan ko kung anong trip nila at itinabi nila si Danielle kay Karthy eh alam naman nating ang ingay ng babaeng yun, ano to? Gusto nilang hawaan ng kaingayan itong si Danielle gamit si Karthy aba saludo ako sainyo.

Kahit anong pilit ko napipikit ko na talaga yung mata ko kaya tumayo na ako at nagpaalam sakanilang matutulog na muna. Pagdating sa kwarto ko sumalampak na agad ako sa kama ko at ipinikit ang mata....

Danielle's Point of View

Tumayo na muna ako para lumabas ng dorm. Ang ingay ni Karthy sa tabi ko tinatapunan ko ng matalim na tingin pero di madala dala nakakainis na. Pagdating ko sa labas ay nadatnan ko si Hash na tulala. Tumabi na ako sakanya pero may malaking espasyo naman sa pagitan namin ayokong magmukhang fc sa kanya noh.

Tumingala narin ako sa langit at baka may kausap pala siya diyan na nakikita niya pero di ko nakikita malay mo may makuha akong clue kong sino yung kausap niya. Haays nahahawaan na ako ni Karthy ng pagiging baliw niya

"Anong tinitignan mo? Mukha kang tanga" Parang gusto kong batukan yung sarili ko. Stop making yourself look stupid Danielle, stop being an idiot.

"Ewan ko rin eh, tinitignan ko lang kung may kausap ka diyan. Baka nakakadisturbo ako." Bahagya naman siyang natawa dahilan para mapatitig ako sakanya. Napa-iwas lang ako ng tingin ng tinignan niya ako.

We stayed there for a couple of hours na nag-uusap at pumasok narin. It's time for lunch and I really can hear my stomach growling because of starve.

Habang kumakain sila panay pa yung tawa nila. Lihim na lang akong napangiti. Yes, i'm silent, i'm cold but I still care for them. I love how I see them smile and laugh through such small things.

Busy ang mga magulang naming apat may oras naman sila saamin pero palagi rin kaming may kahati, trabaho. Kaya kami ang naging magkakasamang apat. We have each other's shoulders.

Until we decided na umuwi dito sa Pilipinas dahil gusto naming maging independent at magawa yung mga bagay na natural na ginagawa ng mga teenagers na katulad namin. Pero ito rin pala ang kahahantungan but i'm happy dahil ang saya lang that even though wala kaming freedom na maglabas pasok sa academy we met this people who makes us realize that staying is not bad afterall.

- - -

NOTE: REVISED ✔

Steel Academy : School of CruEntsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now