28. 고백 [gobaeg]

3.5K 115 23
                                    

Vein's Point of View

Hindi pa ako nakakamove on sa kilig ng mahulog ang hawak kong cellphone. Lintek.

Kasi naman lalabas na sana ako para uminom man lang nang tubig kaso may nakikita akong nagl-live p*rn eh.
Sino paba edi yung dalawang childish.

Si Nixx naman may nalalaman pang friendly kiss jusko alam kong childish si Karthy pero di naman tanga yun para di niya mapunto ang ipinahihiwatig ng mga kilos ni Nixx tapos ang gaga good night kiss daw really? Ang luma na ng style niyo.

Kaya instead of going out para uminom man lang sana ng tubig nauwi nalang ako sa kama ko at nangisay , gutom lang ata toh. Kinuha ko na muna yung jacket syempre saka sinuot at lumabas ng kwarto.

Sa food park nalang siguro ako kakain miss ko na yung street food. Bagong tayo lang yung food park tsaka hindi rin ganun kalawak. Stalls tsaka tables and chairs ganun lang naman. May mall narin naman kasi kaya di nalang medyo nilakihan.

"Fudge aray!" Napa-atras ako ng kunti dahil sa pagka bangga. Wait, I smell something bitchy

"Bitch watch where you going!" Tama nga ang hinala ko. Ang arte talaga.

"Oh it's you long time no see dear" buhay pa pala tong gagang toh.

"Yeah yeah yeah, I don't have time to have a chit chat with you byee" umalis na ko run dahil abot na rito yung amoy ng mga pagkain sa food park.

"Wait for me bitch!" Tumigil naman ako sa paglalakad saka siya tinignan na parang siya pinaka-wierdong taong nakilala ko sa balat ng lupa.

"Don't look at me like that I know i'm pretty." Saad nito na sinabayan niya ng smirk.

"Ang creepy mo mag smirk alam mo yun" nawala naman yung ngiti niya na ikinangiti ko ng tagumpay. What? I'm not stupid ano akala niya sa akin magpapatalo hah! Watch out bitch i'm still on my principles.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang food park siya nakatunganga parin don habang masama ang tingin sakin. Bahala siyang lamukin diyan lakompake, oh wait when did even I care about her? Psh

Bumili na ako ng pagkain. I'm into tempura and kwek-kwek sali mo narin yung fish ball pati na yung gulaman. Lalo na sa sauce ghad how I love those foods. Bumili narin ako ng honey tsaka ice tea masarap daw haluin yun eh sabi ni manang, yung nagtitinda ng nestea.

Naghanap naman agad ako ng lamesa and luckily may isa pa namang vacant kaya umupo na ako dun bago pa may maka-una sakin. I start eating at nanuod narin ng movie. May big screen rin kasi dito eh pati narin yung resto at food court sa mall yun nga lang flat screen TVs ang nakalagay instead of big screens.

Nang matapos ako kumain ay tumayo narin ako. Bilis bah? Ganun talaga pag maganda. Ang hangin ko ata ngayun? Lintek

Naglakad lakad nalang ako at nilibot itong steel. Napatigil naman ako sa paglalakad ng makarinig ako ng lagabag. Pumunta ako sa likod ng boy's dorm building at nakita sina Void,Nixx,Vixx,Nash and Hash na nakikipag-basag ulo. Hayy buhay gangster tsk. Wala akong dala pop corn at banner kaya di ko sila maic-cheer at maenjoy enjoy ang live action nila kaya naglakad nalang ako papuntang Faculty building, remember the rooftop? Dun yun.

Pagkadating ko sa taas agad ako nag-open arms, charot, saka dinama ang lamig ng hangin. Geez, sarap siguro dito matulog. Kinuha ko yung upuan sa gitna tsaka umupo dun at tinignan ang view ng boys and girls dorm. Yung iba naka-off na ang ilaw sa kwarto probably mga players yan ng steel.

Ilang araw na akong di pumupuntang office. Eh sa nakakapagod rin kayang umupo dun tsaka basa ng mga letters ng students kong anong request nila na ipalagay sa loob ng school, syempre kapalit nun? Complete attendance tsaka ang magpakabait at huwag magdala ng sakit sa ulo dito sa loob ng school.

(A/n: Sana may ganyang school huehue)

Minsan nga naiisip ko kung gaano kayaman ang steel eh. Parang halos lahat kaya na nilang ibigay. Mayaman rin naman kami pero di kami yung tipong waldas dito waldas diyan. Tsaka kung magwawaldas ako? Pera ko naman syempre. Minsan kasi nakikipagkarera ako, bisekleta gamit hehe. Kasi naman mga bata ang kapustahan ko eh hindi pa marunong yun magmotor tsaka ka enjoy kaya pag bata ang kalaro mo kasi minsan uto-uto hays.

Na-miss ko tuloy bigla ang Amerika. Di bale pag sembreak uuwi ako. Miss ko na sina mommy tsaka daddy. Lalo na yung pangbubunganga ni Mommy sa umaga na nagsilbing alarm clock ko. Pati narin yung mga moments na pinagt-tripan namin ni daddy si mommy like pag naliligo si mommy yung body lotion na nilalagay niya sa tub pag naliligo ilalagay namin sa ibang garapon yung laman tsaka yung garapon nung body lotion ni mommy white tooth paste ang nilalagay namin kaya pag sumigaw si mommy galing banyo, mamatay na ata kami ni daddy kung tumawa lalo na pag lumabas na siya ng kwarto niya nakasimangot pero pag lalambinging ni daddy bumibigay.

Nabaling ang tingin ko sa elevator na bumukas at iniluwa nun si Void. Ibinalik ko na lang uli yung tingin ko sa View. Tung kampon ko naman ang saya, ang lakas na rin ng kabog ng dibdib ko. Ewan ko ba feeling ko may mangyayari di inaasahan.

"Ba't ka agad umalis kanina?" Pagbasag niya sa katahimikan at alam ko namang yung nasaksihan kong live action ang tinutukoy niya.

"Wala akong banner para man lang mai-cheer kayo at wala rin akong popcorn kaya di ko mae-enjoy kayong panoorin." Sagot ko na ikinalingon niya sakin like "seryoso-ka-ba-look". Nang makita niyang seryoso ako ay napangisi nalang siya at napa-iling.

Pinch me now if i'm only dreaming but heck did he really smile?!

"Ngumiti ka ulit!!" Saad ko saka yugyog sakanya. Natigil naman ako ng mapansin ang lapit ko na pala sakanya. Nakatitig lang siya sakin na kahit yung mata ko ay namamagnet narin at nakatitig narin sakanya.

My eyes get widen when I felt his lips brush into mine. I'm still dumbfounded kahit na 3 seconds lang yun.

"My actions may say it all but I want to say it personally. I love you and I want you Vein, I want you to be mine." Saad niya saka ipinatong ang noo niya sa noo ko.

"I'm not yet sure but I think I like you too?" Patanong kong sagot.

"Like lang?" Nakabusangot niyang tanong na siyang ikinatawa ko ng mahina.

"Yeah like lang. Masyadong madali and just like what they say you can't stop your feelings and I know someday my like for you will grew bigger that I can finally say that I love you" napangiti naman siya sa sagot ko na kusa ko nang inilapit ang labi ko sa labi niyang nakangiti.

-♤-♤-

고백 [gobaeg] means confession

Steel Academy : School of CruEntsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now