Chapter 2

1.9K 57 31
                                    

Chapter 2


NAGKAKAROON na naman ng isang tanong ang nabuo sa mga estudyante at mga school staffs sa mga nangyayari dahil sa pangyayaring ikinabigla na naman nila. Hindi nila inaasahan na magsasabay-sabay ang pangyayaring 'yon sa paaralan. Maging sa iabng silid din ay nagkaroon din ng mga sinaniban na mga estudyante. Tila bakas na bakas na sa mukha ng mga estudyante ang kaba at takot pero ang iba ay parang walang pakialam sa mga nangyayari. Hindi mo makikitaan ng kaba at taranta sa sarili. Akala hindi sila tatablan ng takot kapag nagkataon.

Dahil sa kumpulan ng mga estudyante sa hallway palabas ng pinto ng building ay may mga sabik na sabik na estudyante na ang gustong lumabas ngunit kahit anong gawin ng mga guard na pagbuksan ito at gamitan man ng susi ay walang effect. Parang ikinulong sila sa isang kulungan na wala nang paraan pa para makatakas dahil lahat sila ay kailangan mamatay.

Sa isip isip nila, bakit ba sila inaatake nito? At ano ba ang kailangan nito sa kanila? Ang mga estudyante sa paaralan ay hindi maalis sa mukha nila ang takot na nadarama. Sunod sunod na naman ang mga pangyayari, Una ang babaeng kaklase ni Xana at ang sumunod ay si Jester.

"Nagpatawag ba ang Principal ng pari?" tanong ng isang estudyante.

"Bakit naman kailangan ng pari?" takang tanong pa ng isang estudyante.

"Kahit hindi kailangan, wala ng balak pumunta ng mga pari dito sa school natin! Ano ba kayo! Kilabutan naman kayo!" aniya pa ng isang estudyante.

Nangamba ang ibang estudyante sa sagot nito. Ilang beses na rin nangyari na may pumuntang pari sa paaralan at hindi pa nagtatagal at hindi pa nakakapasok sa mismong pintuan ng paaralan ay umaatras agad ito. Hindi kinakaya ng mga pari ang kalakasan ng masamang nilalang na iyon. Patunay na lamang 'yun na hindi kaya labanan ang ganung klaseng nilalang.

Sa kabilang banda kung nasaan ang magkaibigan na inatake ng isang nilalang na hindi nila maiwari. Si Jester na nawalan ng malay ay nakahiga sa isang kama sa clinic katabi naman nito ang kaibigang si Xana. Ubod ng katahimikan ang clinic na ito kung saan silang dalawa lang din naman ang nasa loob. Walang tumulong kay Xana na dalhin si Jester doon dahil ang ibang tao ay sabik na sabik nang makauwi at makalabas mula sa paaralang ito.

Biglang bumukas ng malakas ang pintuan sa clinic na ikinabigla ni Xana na gayong tulala sa bintana ng clinic. Napatayo bigla si Xana sa kinauupuan niya at bakas ang kaba sa mukha dahil ang alam niya walang tao sa paligid ng clinic ng kaninang pumunta sila. Napatingin agad ito sa pintuan ng clinic. Sa pagkatingin niya dito walang nakatayo o mismong taong makikita ni anino man lang, hindi naman pu-pwede na isang malakas na hangin ang magpapabukas ng isang kahoy na pinto? Imposible. Napaatras si Xana hangga't mabangga niya ang isang lamesa at hinawakan ito. May nakapa siyang isang kutsilyo at nang makita niya ito, kinuha niya agad ito at inihanda kung sino man ang susugod sa kanya.

Muling lumapit si Xana ng dahan dahan palapit si Xana sa pintuan na hawak hawak sa kamay ang naturang kutsilyo. Mahahalata mo kay Xana ang kabog ng kaba sa kanyang dibdib nito pero kailangan niyang maging matapang at 'wag magpadala sa takot dahil 'yon ang magpapahamak sa kanya. Maririnig mo rin mistula ang mga yabag ng taong papalapit dito. Inihanda niya ang kutsilyo. Palapit siya ng palapit hanggat sa makita niya kung sino 'yon.

"Teka lang!!!" mabilis na napailag ang guro nina Xana at Jester. Nalaglag mula sa kamay ni Xana ang kutsilyo na hawak niya at kumawala sa dibdib niya ang kabang dinadala pero hindi pa rin pala doon natapos ang kakaibang nararamdaman ni Xana dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa kanyang guro. "Ano bang ginagawa niyo dito?" tanong ng guro.

"Nawalan po ng malay si Jester." Sagot na lamang ni Xana. "Pasensya na rin po, hindi ko po sinasadya 'yon. Akala ko pa kasi... akala ko..."

"Hindi ako masamang tao okay, Xana? Sige na, gisingin mo na 'yang kaibigan mo." Utos naman ng kanyang guro at hindi na ginawang big deal ang muntik na pagsaksak sa kanya ni Xana. Malay ba ni Xana na kanyang guro pala ang darating. Naging handa lang siya sa panganib na kung ano mang dumating sa kanya.

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now