Chapter 12

821 33 4
                                    

Chapter 12


PATULOY lang ako sa pagtakbo habang hinahabol ako nang isang nilalang na ito. Mapapagod din ako sa kakatakbo at sa huli mawawalan ako nang daan tiyak na pati ako malalamon na. Isang pangalan lang ang binabanggit ko upang mahingan ng tulong, siya lang din ang alam kong may kakayahan para mailigtas ako. Ang problema nga lang isa siya sa mga balak akong saktan. Pero alam ako sa sarili ko na, hindi siya ganun katulad ng Life Taker.

"Metria, tulungan mo ako..." Pumikit ako panandalian at dumilat agad. Paliko na ang susunod kong madadaanan.

Pagkaliko ko ay agad akong nakaramdam ng kamay ng humawak sa braso ko na mabilis akong hinigit nito patago. Nakasandal lang ako sa dingding habang nakatingin sa kanya. Agad siyang may itinusok na kung anong bagay ng makaharap na niya ang nilalang na iyon. Hindi ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon, na niligtas niya ako. Si Metria, sinagip ako sa nilalang na 'yon. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Isa siya sa mga taong gusto akong patayin pero sinagip niya ako.

Narinig niya ba ang pagtawag ko sa pangalan niya?

Unti-unting naglaho ang nilalang na humahabol sa akin kanina na takam na takam sa aking kaluluwa. Inilagay ni Metria ang isang bagay na sinaksak niya sa nilalang na 'yon sa kanyang bulsa niya.

"Ano 'yan?" Nakatingin lang ako sa kanya habang ang mata ko ay nandoon sa bagay na binalik niya sa kanyang bulsa sa pantalon. Pero hindi niya ako pinansin kundi naglakad lang at iniwan ako dito. "Teka lang! Kinakausap pa kita!" paghabol ko pa sa kanya.

"Tinawag mo ang pangalan ko para sa walang kwentang nilalang na 'yon," Napansin kong umiling-iling siya. "Hindi mo ba alam na kaya ng kwintas mo mapatay ang nilalang na 'yon." Tugon niya ng hindi man lang lumilingon sa akin. Napa-isip din naman agad ako sa sinabi niya.

Ibigsabihin mali pala ang nasa isip ko na hindi ako kayang iligtas nito mula sa mga 'yon kasi kaluluwa lang ako pero habang suot koi to ay nananatili akong may lakas, gano'n ba ang pinaparating sa akin ni Metria?

Mabilis siya maglakad kaya minsan ay nahuhuli ako at hinahabol siya. "Kung ganun, bakit ka pa rin pumunta dito?"

Huminto siya kaya naabutan ko rin siya. Pagkalapit ko sa kanya ay huminto rin ako at bigla siyang tumitig sa akin. Napansin ko naman sa mga mata niya na hindi nga siya gano'n na unang makita ko ay may masamang balak pero nakikita ko sa kanyang mga mata na alam kong hindi gano'n ang balak niya, alam kong mabait siya. May mabuti siyang hangarin at pagtagumpayan.

"Kung hindi sana ako pumunta rito, wala ka na siguro ngayon." Ngumisi lang siya at nagsimula ulit maglakad.

May isang halimaw ang biglang sumalubong sa kanya, ngunit wala siyang ginawa kundi dinaanan lamang ito at saka naglaho bigla ang nilalang na 'yon. Iba talaga ang natatanging lakas ni Metria dito. Hinabol ko ulit siya hangga't sa maabutan ko ito.

"Hindi ka kaluluwa?" Nakakasabay na ako sa mabilis niyang paglalakad.

"Sa tingin mo, magagawa ko bang daanan lang ang nilalang na 'yon." Masungit na tugon nito sa akin.

"Kung gano'n, kung ikaw nasayo ang katawan mo bakit ako kaluluwa na lang?" Naguguluhan din ako, kasi no'ng hinigop ako nang portal na 'yon ay nawala na ang pisikal kong katawan.

"Hindi ko alam," napahinto ako sa paglalakad. Agad akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi niya alam kung bakit kaluluwa na lang ako? Ibigsabihin din ba nito ay hindi na rin ako makakabalik sa mundo namin? Hindi na muli ako magiging tao? Hindi maaari. Kailangan kong bumalik sa pisikal kong katawan. "Nasaan na ang kaibigan mo?" pagbabali nito ng usapan saka kami lumiko ng dinadaanan.

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now